Fifteen

638 39 4
                                    

Isabelle

"That one actually looks nice on you," komento ni Dylan habang hawak-hawak ng isang babae ang dress na nakatapat sa katawan ko ngayon.

"Sigurado ka ba?" tanong ko. Paulit-ulit naman siyang tumango.

"Yes. Well, iyon ay kung gusto mo rin 'yan. Para sa akin maganda naman eh," aniya.

"Sir, ang mahal!" bulong ko rito na ikinatawa niya lang naman. Nandito kasi kami sa isang boutique ngayon. Dito niya ako dinala matapos sunduin sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho kanina. Akala ko may problema na naman siya, 'yon pala ay bibilhan niya nga raw ako ng damit para ro'n sa birthday ni Elha.

Yes, kasama ako. Noong una hindi pa ako pumayag eh. Kasi hello? Ano ba ako sa buhay ni Dylan? Isang hamak na consultant lang naman, di'ba?

Kaso pinilit naman ako ng mokong na 'to. Kailangan niya raw ako ro'n. Ilang malalim na pag-iisip pa ang ginawa ko para lang mapapayag niya ako. Sabagay nga naman kasi. Ang isipin pa nga lang niya na ikakasal na sina Elha at Tyrone ay masakit na para sa kaniya eh. Paano pa kaya kapag aktuwal niya nang makita na hingin ng best friend niya ang kamay ng babaeng mahal na mahal niya para sa kasal hindi ba? Naisip kong, oo nga naman. Kailangan niya ako ro'n.

And that's why I am here in this elegant and sobrang mamahal ng items na boutique.

He stood up.

"It's fine, Isabelle. The charge is on me naman. Hindi rin 'yan kaltas sa sweldo mo, don't worry," aniyang nakangiti sa akin.

"Ang yabang mo 'no?" irita kong sabi at tumawa lang naman siya.

"Ano na? Kukunin mo na 'yan or you want a different one?" tanong niya pa ulit. Huminga na lang ako nang malalim.

"Sege ito na," tugon ko at ngumiti ro'n sa babae na panay din ang hagikgik sa asaran namin ni Dylan mula pa kanina.

"Sege po, ihahanda ko lang po Ma'am." Tumango ako at tinalikuran na rin naman kami nito na may ngiti pa rin sa kaniyang mga labi. Mabuti na lang at hindi mataray ang isang iyon. I've encountered a lot of tempered staffs before and I swear, sobrang nakakainis kapag gano'n.

"Sure kang wala ka nang ibang kailangan? Baka may gusto ka pang bilhin?" tanong ni Dylan sa akin.

"Ano ka, sugar daddy ko? Hindi na, okay na 'yon."

Muli siyang tumawa kaya tinignan ko naman siya nang salubong ang kilay. Kanina pa siya tawa nang tawa eh. Hindi ko siya maintindihan.

What's up with him?

"Akala ko ba, 'you deserve all the respect that this world can give, sir'?" tanong niya. I then realized that he was trying to mimic what I told him during our first meeting.

Tumawa na lang ako sa kaniya. Oo na, nawala na 'yong mga 'po' at 'opo' ko. Hindi niya rin naman pinapansin kaya nagpatuloy na lang din ako. At ewan ko, para na rin naman kaming naging magkaibigan dahil sa trabaho ko sa kaniya.

Although alam ko naman kung saan ang standing ko. I just know also that he wouldn't treat me as a friend.

"Babayaran ko lang ang damit," Dylan said and I nodded my head habang tumitingin-tingin sa mga damit. Umalis na rin naman siya upang bayaran ang binili namin. I mean, niya... para sa akin.

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now