Nine

685 32 15
                                    

Isabelle

"Good morning, Miss!"

Nanlaki ang mga mata ko noong makita si Dylan dito sa labas ng bahay ko. Oo, dito mismo! Anong ginagawa nito rito?!

"Anong ginagawa niyo rito?!" tanong ko at kaagad siyang hinila papasok. Mabuti na lang at madaling araw pa lang ngayon. Tulog pa si Laya, pati na rin ang ibang tao rito sa lugar namin.

Nagising ako kanina dahil sa mahihinang katok na naririnig ko at ito na nga. Si Dylan ang naabutan ko. Mabuti na lang talaga at hindi si Laya ang bumangon.

"Wala. Gusto lang kitang dalhan ng breakfast. Alam mo na, para hindi ka na mastress mamaya." Ngumiti siya sa akin at may iniabot na isang malaking paper bag.

"Paano mo nalamang dito ako nakatira?" mahina at masungit kong tanong dito, hindi pinapansin ang iniaabot niya sa akin. Hindi ako nababayaran. Hindi ko tatanggapin 'yan kahit anong mangyari.

"Dito kita hinabol no'n di'ba? Alam kong nandito ka lang banda. I just had to search where your house was exactly and I did. I'm here now. I have my ways, Miss."

"Wala akong pakialam. Pasalamat ka talaga at hindi maling bahay ang napuntahan mo eh."

Ngumiti siya nang nakakaloko. "So gusto mong andito ako ngayon?"

"Wala akong sinabing gano'n. Iniisip ko lang ang safety mo. Artista ka pa rin po, baka nakakalimutan mo."

"Okay, okay. 'Wag ka nang magsungit. Thanks for caring though."

"Oh. Umalis ka na bago pa tuluyang magising ang mga tao rito sa lugar namin. Malamang ay pagkaguluhan ka ng mga 'yon. Hindi ka kasi nag-iisip eh."

"Ang sakit mong magsalita ah."

"Ano ngayon? Alis na bilis!"

"Tanggapin mo muna 'tong dala ko." Iniangat niya ang paper bag sa harap ko.

"Masarap 'to. Ako kaya mismo ang nagluto nito," aniya.

Napatingin ako sa kaniya noong marinig iyon. I checked the wall clock. It says there the time is 4:30 AM. Kung siya ang nagluto niyang dala niya at bumiyahe pa siya papunta rito, anong oras siya nagising?

"Anong oras ka nagising?" tanong ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo niya. Nakakainis, ang cute. Grr.

"Hindi pa ako natutulog ngayon eh," tugon niya na mas lalong ikinalaki ng mga mata ko. Napaawang na rin ang bibig ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Galing ako sa isang music video shoot. 1:30 ang pack-up. Bumiyahe, naligo, nagluto, at pumunta na rito."

"Jusko, Dylan." Natakpan ko ng kamay ko ang bibig ko sa narinig na sinabi niya. I mean, seryoso ba siya?

"Yep, haha."

"Bakit mo ba kasi ginagawa 'to? Sinabi ko nang hindi ako pumapayag sa gusto mo. Kung gusto mo ng mas tahimik na buhay, huwag mo nang ipilit 'yon. Please lang. Ibigay mo rin sa akin ang katahimikang deserve ko naman din."

"Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to, seriously. Basta ang alam ko lang, gusto kitang magtrabaho para sa akin and that I will do whatever it takes to make that happen."

I heaved a deep breathe. I'm starting to get frustrated dahil hindi pa pala kami tapos sa usapang ito. Akala ko iyon na 'yon. Akala ko titigilan niya na ako pagkatapos ng naging pag-uusap namin sa condo niya.

"Sir Dylan, please naman po..." angil ko.

"I'm sorry but I also want to plead to you right now. Please naman, just do it. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo o masangkot ka sa kahit anong gulo ko o ng mundo ko. I promise."

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now