Thirteen

606 33 4
                                    

Dylan

"So, kailan mo balak ipakilala sa amin ang babaeng 'yan?" tanong ni Cielo habang kinakain ang mga nasa loob ng ref ko. Oo, ginulo na naman nila ako ngayong free time naming lahat. The only difference is that, Elha and Tyrone are here today. Hindi lang iyong tatlo.

"Bakit ko naman ipapakilala sa inyo?" kunot-noong tanong ko pabalik.

"Uh, kasi kaibigan mo kami?" ani Caleb naman. Napatawa na lang iyong iba.

"Eh assistant ko lang naman 'yon," anas ko.

"Papalitan mo na si Andy?" Kaylin asked.

"Oo nga, Dy. Akala ko consultant mo 'yon?" tanong ni Elha sa akin.

"Okay, fine. Wrong word used. Consultant nga. So, bakit ko kailangang ipakilala sa inyo?"

"Ang taray ng consultant Dylan ha. Umabot sa Instagram feed mo," ani Cielo ulit.

I breathed heavily. "Nagpapasalamat lang eh."

"At kailangang may pagpost?" si Tyrone naman iyon.

"Alam niyo, ewan ko sa inyo."

"But seriously, ano bang balak mo? Consultant mo siya para saan? May manager ka naman na sinasabi sa ito kung ano ang mga dapat mong gawin. Plus, andiyan pa si Andy na may mga suggestions din naman sa'yo," si Elha ulit iyon.

"Baka naman iba ang pakay mo bro?" si Caleb. Kaagad ko naman siyang binato ng throw pillow na hawak ko. Tumawa lang siya.

"Ang defensive mo ah," ani Kaylin.

"Ang dudumi ng utak niyo." Tumayo ako at nagtangkang pumasok sa loob ng kwarto ko pero hinila naman ako ni Tyrone pabalik sa inuupuan ko kanina.

"'Wag ka nga munang umalis, nag-uusap pa eh," anito.

"Oo nga, Dy. Minsan na nga lang eh. I mean, kami ni Tyrone minsan na lang. Pagbigyan mo naman muna kami," segunda ni Elha.

Huminga ako nang malalim. "Okay, fine."

Kumuha ako ng pagkain mula sa center table at ngumuya doon habang pinapakinggan silang magkwentuhan at mag-asaran. Nakikitawa at nakikibiro ako minsan pero hindi gaano. Hindi ko alam kung hindi ba nila napapansin o pilit na lang nilang hindi pinapansin, pero nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko sina Elha at Tyrone na magkasama.

Masakit pa ring makita na masaya ang babaeng mahal na mahal ko sa pilin ng best friend ko.

Hindi ko alam kung kailan ako maghihilom. Hindi ko alam kung makakaya ko bang magmahal ulit? Pakiramdam ko kasi naibigay ko na ang lahat ng pagmamahal na meron ako sa unang babaeng nakapagpatibok ng puso ko, and that is Elha.

I guess it will always be her?

"Dylan!" Napabalikwas ako galing sa malalim na pag-iisip noong marinig ang malakas na sigaw ni Kaylin sa akin.

"O-Oh! Yes?" tanong kong tila nawawala pa rin sa sarili. Pinagtawanan naman ako nila ako. Mga kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to? Tsk.

Second Chances, How He Loved AgainUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum