Thirty Three

566 28 6
                                    

Isabelle

"Good morning anak!" Ngumiti ako kay Nanay noong iyon ang bumungad sa akin pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto. She also rewarded me with her warm smile that I truly missed for seven years.

Lumapit ako sa kaniya at yinakap siya. Hinalikan niya naman ako sa pisngi at tuktok ng ulo ko.

"Nasaan po si Tatay, 'Nay?" tanong ko sa kaniya matapos ang maiksing lambingan namin.

"Namiss mo naman ako kaagad, anak. Ininit ko lang itong linuto ng Nanay mo kagabi. Nagtatampo pa rin kanina eh. Baka raw hindi mo na ito makain."

Lumingon ako at nakitang galing sa kusina si Tatay. I smiled and approached him. I helped him settle the foods down on the table.

"Naku, si Nanay talaga. Nangako ako eh. Tutuparin ko 'yon syempre. Sobrang namiss ko na rin naman po ang mga luto ninyo eh," anas ko. Yinakap ko na rin si Tatay at kagaya ni Nanay ay hinalikan ako nito sa pisngi at tuktok ng ulo ko.

"Naku, totoo ba 'yan? Baka naman hindi mo talaga namiss ang mga 'yan? Masiyado kayang masasarap ang mga pagkain dito sa Maynila! Iyong pinuntahan nga nating restaurant kagabi masiyadong galante eh. Pero sulit na rin kasi masarap talaga ang pagkain doon. Aba eh pagmamay-ari pala 'yon ng pamilya ng nobyo mo anak, ano?"

Tumango ako. Hindi ko rin mapigilang ngumiti. My Nanay just looks so adorable right now while she continues to blabber about these things.

"Ang yaman naman talaga nila, anak. Talaga bang boyfriend mo iyon?" Dagdag niya pa kaya natawa kami ni Tatay.

"Aba, Myrna. Hindi mo ba alam na bata pa lamang itong anak natin eh marami na ang nagkakagusto? Maganda kaya ang anak natin! Hindi ka na dapat magtaka na nagustuhan siya ng ganoon kayamang lalaki," ani Tatay na inakbayan pa ako.

"Naku, ang Tatay naglalambing. Namiss niyo talaga ako eh."

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Hay naku, Nanay. Opo, boyfriend ko si Dylan. Dinadala lang sa charms 'yan, kayo naman. Parang hindi niyo ginawa dati. Kita niyo nga at napaibig niyo rin 'tong si Tatay. Mahal pa nga ang tawagan ninyo ngayon eh. Dinaig niyo pa kami ni Dylan."

"Aba syempre! Ibang-iba naman kasi ang henerasyon ngayon. Isipin mo, matatanda na pero Baby ang tawagan? Naku, naku. Saka, ano bang dinala ko sa charms ang Tatay mo? Ako ang inakit niyan hoy!"

Tumawa na lang ako sa pagdedepensa ni Nanay sa sarili niya. Tawang-tawa rin naman si Tatay sa tabi ko. Mukhang napagkaisahan ulit naming dalawa ang ina ko na dati pa ay gawain na talaga namin.

"Hay naku, kumain na nga lang po tayo 'Nay. Mas masarap pa rin ang luto ninyo, 'wag kayong mag-alala. Masasarap man ang pagkain dito sa Maynila, bumubutas naman po ng bulsa. Sobrang mamahal eh!"

"Mabuti at alam mo kung saan ka lulugar. Hindi mo puwedeng ipagpalit ang luto ko, aba. Walang katulad ang mga 'to."

"Aba oo naman Nanay. Sa'yo lang ang loyalty ko syempre."

She smiled and that made me smile too. Hinalikan ko pa siya ulit saka umupo na kaming tatlo para kumain. Noong matapos magdasal, doon ko lang naalala si Laya.

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now