Thirty Two

679 28 9
                                    

Isabelle

Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa aking mukha. Nasa kama ako rito sa guest room. I'm sure Dylan didn't sleep here. Sinabi ko naman sa kaniya 'yon. Magtatabi lang kami sa pagtulog kapag pwede na. For me that means when we already get married. Kahit parang imposible na mangyari iyon. I'm not really sure.

I saw a note from Dylan saying that he has a lot of stuffs to do today and that I should also do mine. Nag-iwan din siya ng breakfast in bed. Ngumiti na lang ako. I texted him a good morning message kahit na posibleng hindi niya pa iyon mabasa ngayon.

Bumangon na rin ako pagkatapos no'n at kinain ang ihinanda niya. I also went home to get ready for my internship tutal may oras pa naman ako.

But then, what met my eyes when I went home really surprised me. My parents... were there.

I also saw Laya entertaining them in our small living area.

"Anak..." Nanay said the moment that I stepped my feet inside.

"'N-'Nay," tugon ko. I was really surprised that it made me go out of words. Akala ko marami akong magagawa o masasabi kapag nagkita-kita ulit kami.

It has been seven years.

"Anak!" Lumapit si Nanay sa akin at kaagad na niyakap ako nang mahigpit habang umiiyak. Nakita ko naman ang ama ko na nakatitig lang sa akin habang nakapamulsa.

"Nanay..." Muling sinabi ko at yumakap na rin sa kaniya nang mahigpit. Tears were also starting to pool in my eyes.

"Maiiwan ko na po muna kayo. Isabelle, sa labas lang ako," ani Laya. Tumango naman ako at kaagad na rin siyang lumabas.

Iginiya ko naman si Nanay pabalik sa sofa. Naupo kami nang magkatabi and she couldn't take her eyes off me. Hindi niya rin ako magawang bitawan. Maybe she missed me that much and that thought brings so much joy into my heart since we were not in good terms when I left home before. When I left home seven years ago.

"Kumusta po kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ayos lang kami, anak. Mas maayos kaysa dati. Ikaw, kumusta ka na?" That was my Mom.

"Maayos po ang kalagayan ko rito, 'Nay. Wala ho kayong dapat na ipag-alala sa akin," tugon ko at ngumiti sa kaniya.

Tumikhim ang Tatay ko kaya naman bumaling ako ng tingin sa kaniya.

"Tatay," ani ko at nginitian siya.

"Nasabi sa amin ng kaibigan mo na marami kang pinasok na trabaho para lang makapag-aral ka. Nasabi niya rin sa amin na graduating ka na," anito.

Ngumiti ako at bahagyang tumango. "Sa awa po ng Diyos, Tatay. Tinatapos ko na lang ang internship ko. May two months pa po ako. Graduation na rin ang sunod no'n. Magrereview din naman po ako kaagad para makapagtake din kaagad."

Tumango-tango siya. "Masaya ako para sa'yo, anak. Masaya ako na pinagsikapan mo ang pangarap mo."

That brought an unexplainable warmth to my heart. I just held back the tears that were about to fall.

"Anak, gusto lang naming humingi ng tawad sa'yo. Alam naming hindi ka namin natulungan na maabot ang mga pangarap mo. Iniisip ko nga, kahit simpleng pagsuporta man lang sa'yo noon, sana ginawa namin. Masiyado naming minaliit ang---"

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now