Twenty One

642 34 14
                                    

Isabelle

Nakatitig pa rin ako kay Dylan matapos ang sinabi niya. Nakakunot ang noo ko. Litong-lito ako ngayon at alam kong nakikita niya iyon sa mga mata ko.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong niyang salubong ang mga kilay.

From being tensed, parang bigla akong napaayos ng tayo. Hindi ako pwedeng madala nitong nararamdaman ko nang gano'n lang kadali.

I put on my bravery mask before answering him.

"Uh, baka kasi dahil sa sinabi mo 'no? Problema mo?" tanong ko pabalik dito.

"I said--"

Hindi niya na natapos ang dapat na sasabihin ulit sa akin noong biglang pumagitna na sa amin si tita Aiah na mukhang kanina pa nagagalit. Hinahanap na yata siya para ro'n sa meeting nila with the staff and with the management with the offered movie as their agenda.

"Kanina pa kita hinahanap! Ano? Tatayo ka na lang diyan at magsasayang ng oras?" mataray nitong tanong kay Dylan.

"Nakakahiya sa management, Dylan!" Dugtong pa nito sa sinasabi kanina.

"Tita, I'm still talking to Isabelle."

Pinandilatan ko naman siya dahil sa sinabi niyang iyon. I mean, seryoso ba talaga siyang iyan ang isasagot niya kay tita Aiah?

"Mamaya na po ako, tita. Dalhin niyo na 'to ro'n sa meeting," tugon kong iritableng nakatingin kay Dylan. He just heaved a deep sigh and sent me a glare as well. Ano bang problema ng isang 'to? Naiinis na ako ah.

"Aba, talagang iyan na nga ang  gagawin ko ngayon. Thanks, Isabelle. Halika na rito lalaki ka! Nakakahiya na talaga." Hinila ni tita Aiah si Dylan sa damit hanggang sa tuluyan na nga silang mawala sa  paningin ko. Doon lang naman ako tila nakahinga nang maluwag.

"Nagseselos 'yon, girl." Napatingin ako bigla kay Andy noong marinig iyon. Ano raw?

"Sinasabi mo riyan?" tanong ko rito saka bahagyang hinilot ang sentido ko.

"Naku, been there done that ang drama ko rito girl! Nangyari na rin iyan noon. Nagselos din siya sa kumausap sa akin noon, ano ka ba. Alam na alam ko talaga 'yan," sagot niya namang umiiling-iling pa.

"Wow. Assumera ng taon 'te?" Sarkastikong sagot ko na lang dito. Ayoko ngang masiyadong isipin ang mga pinagsasabi niya. Maloloka lang ako 'no, tss.

Tumawa lang naman siya sa sinabi ko. "Chos lang, ikaw naman. Nagsusungit ka agad eh. Pero ayo'n nga. Sure ako ro'n sa part na 'yon. Nagseselos nga siyang kinausap mo si Jordan Lisbo kanina."

"Tigilan mo nga ako, Andy ha. Sinasabi ko sa'yo."

"Ay, may affected. Yieeeeeh. Ikaw ha, sekreto ka lang din. Tama talaga ang hinala namin ni kuya driver sa'yo eh. Crush mo talaga si sir Dylan! Aminin mo na lang kasi."

"Adrian Miguel, isa," turan ko sa kaniya, mentioning his full name. A thing that he doesn't like at all. He glared at me. I just laughed at him and teased him through sticking my tongue out at him.

"Tss, bakit biglang namersonal 'te?" aniya.

"Kasi ayaw mong makinig?" tugon ko naman at naupo na rin sa isang bakanteng upuan dito sa gilid ng space kung saan kami nag-usap ni Dylan kanina.

Second Chances, How He Loved AgainHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin