Forty Five

666 30 39
                                    

Three years later...

I N S T A G R A M P O S T

Liked by jordanlisbo, layasonfrr, and 543 others

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Liked by jordanlisbo, layasonfrr, and 543 others

isabellemnts time for duty! let's go and help our Doctors save lives again! ♥️

View all 133 Comments

jordanlisbo ingat ka, nurse! see you later.
layasonfrr save lives! ✊
adrnmgl ✊♥️

Isabelle

Napangiti saka napailing na lang ako sa mga nakita kong comment nila sa recent Instagram post ko. Ibinulsa ko na rin ang cellphone ko at kaagad bumaba ng kotse. Talagang kumuha lang ako ng litrato para may maipost naman din.

"Good morning, Nurse Belle!" Kumaway sa akin si Lola Pacita noong makapasok na ako. Ngumiti naman ako kaagad sa kaniya.

"Lola Pacita!Good morning din po sa inyo. Kumusta po si Iñigo?" tanong ko pa rito.

"Maayos naman ang apo ko, Nurse Belle. Hinahanap ka nga no'n kagabi. Gusto niya raw ulit makinig sa mga kwento mo."

"Ay naku. Si Iñigo talaga. Sege po. Sabihan ninyo siya dadaan ako mamaya. Kapag hindi na po marami ang ginagawa ko."

Tumango ang matanda habang nakangiti pa rin sa akin. "Sege po, Nurse Belle. Ingat ka ngayong araw!"

"Salamat po!" Nagmano ako kay Lola Pacita at tuluyan na nga ring pinuntahan ang mga katrabaho ko na kaagad din akong binati. Lima kaming nasa Station ngayon.

"Good morning, Nurse Belle!" Gian enthusiastically greeted me.

"Good morning,G."

"Magandang umaga, magandang dilag!" Kuya Fred then said.

"Ay naku, ate Joelle itong asawa mo oh. Sure ka pong ayaw mo pa ng annulment?"

"Aba, malapit na rin." Nagtawanan kami sa narinig na sinabi ni ate Joelle. Mabuti na lang at hindi naman din siya mahirap pakisamahan. Magaan siyang katrabaho at nakikisakay sa mga biruan namin.

"Talaga lang Mahal ah? Pagkatapos kitang bigyan ng limang anak?" ani Kuya Fred.

"Wow, ang lakas magsalita. Parang ikaw ang nabuntis ng siyam na buwan ah. Multiply mo pa 'yon by five, aba."

Second Chances, How He Loved AgainWhere stories live. Discover now