FINALE

52.4K 1.5K 233
                                    

A/N: You are at the last chapter. Thank you so much for your patience. The next story I am writing will be the Reckless Love. Please check my profile and feel free to add it to your library. Thank you so much again and enjoy!

FINALE

"AKALAIN mo 'yon, parang kailan lang nag-iinarte ka pa. Ayaw mo pang magseryoso sa mga babae kasi hindi ka naniniwala sa true love, pero tingnan mo ngayon, parang hindi ka na makapaghintay na matapos ang reception para maiuwi mo na ang asawa mo at ma-solo."

Sumigabong ang palakpakan at napuno ng tawanan ang function hall ng hotel kung saan ginaganap ang reception ng aming kasal dahil sa sinabi ni Levi. Hindi ko na rin napigilang matawa nang palihim lalo na nang mapansin kong lukot na lukot ang mukha ng asawa ko.

I felt my cheeks heated when I realized that I am now married to the man beside me. He's holding my hand tightly. Panaka-naka niya rin iyong dinadala sa kanyang mga labi at hinahalikan. Hindi ko inakalang darating pa ang araw na ito. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko dahil sa wakas nawala na iyong mabigat na damdaming kinimkim ko sa loob ng mahabang panahon. Tanging pagmamahal na lamang ang namamayani sa loob ng aking puso.

"You even called us idiots because we've spent too much for our true love. Ikaw kaya magkano lahat nagastos mo? Ilang milyon nga ulit nagastos mo no'ng hinarana natin si Safina sa opisina niya? Tatlong milyon, 'di ba? Tapos itong kasal mo magkano? Fifty million, 'di ba? I bet sobra pa. Geez! I guess, right now we're no longer just three idiots. We're already three idiots plus one. Welcome to club, bro!"

"Tangina mo, Micaller! Bumaba ka na diyan!" iritang sigaw ni Elliot. Tinakpan ko ang kanyang bunganga saka pinandilatan.

Lalong lumakas ang tawanan ng mga bisita. Bawat isa sa mga malalapit naming kaibigan at kamag-anak ay nagbibigay ng mensahe para sa amin. Nauna nang nagbigay ng kani-kanilang mga mensahe ang dalawa pang matalik na kaibigan ni Elliot na sina Sid at Theo. Katulad ni Levi ay may halong pang-aasar din ang kanilang mga mensahe. Lahat tuloy kami nag-enjoy maliban sa asawa ko.

"Hayaan mo, Safina, add kita mamaya sa Viber group naming tatlo para makita mo 'yong pagmamakaawa niya sa amin na tulungan siyang mabawi ka," pagpapatuloy ni Levi.

"Don't you dare, Micaller!"

Nanlaki ang aking mga mata at napatakip sa aking bibig. Pulang-pula naman ang mukha ni Elliot at halos kakaladkarin niya na pababa ng stage ang kanyang kaibigan. Tawanan at kantiyaw ang tanging naririnig ko sa paligid.

"Marami pa sana akong sasabihin kaya lang baka barilin na ako ni Madrigal. Anyway, ang masasabi ko lang, masaya ako na nagkatuluyan kayong dalawa. I hope you will both enjoy the ride to your journey as a married couple. Congratulations and best wishes!"

Rinig ko ang paghinga nang maluwag ni Elliot nang ibinalik n ani Levi ang mikropono sa emcee. Pagkababa sa stage ay lumapit sa amin si Levi katulad ng ginawa ng mga kaibigan niya kanina. Tinapik niya ang balikat ni Elliot. Aabutin niya sana ang aking kamay para makipag-handshake ngunit agad na tinabig ni Elliot ang kanyang kamay.

"Hands-off, Micaller."

Hinapit niya ako sa baywang. Lalong uminit ang aking pisngi. Natawa naman si Levi saka itinaas ang kanyang kamay tanda ng pagsuko. I mouthed sorry to Levi.

"No worries. I definitely understand, Safina." Kumindat lang siya bago bumalik sa upuan kung saan ang kanyang asawa na si Heaven.

Sumunod na umakyat sa stage ay ang daddy ni Elliot. Umayos ako ng upo. Muli niyang pinagsalikop ang aming mga kamay.

Tumukhim ang daddy niya bago nagsalita. Masaya ako nang malaman kong nagkaayos na ang mag-ama. Ang buong akala ko dati ay wala silang pakialam sa isa't isa.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon