CHAPTER 19

24K 954 192
                                    

CHAPTER 19

I'M SO DAMN NERVOUS. I want to scold myself for feeling this way. Bakit parang ang baduy? Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Micaller bago ang araw ng kasal niya noon?

Tomorrow's my wedding day; and it's been three days since I didn't see Safina. I didn't know where that idea came from. Ang sabi lang ni Marga bawal ko raw kitain ang bride ko nang tatlong gabi.

I missed her already.

I tried dialling her phone for the nth time but it's still off. Mukhang sinasadya rin nilang hindi ipakiusap sa akin si Safina. Hindi ko maiwasang mairita kay Marga at Rafael. Parang gusto ko tuloy pagsisisihan na sila pa ang kinuha kong wedding organizer. Ang dami nilang pakulo na nakakapang-init ng ulo.

Napilitan na lang akong hanapin ang numero ni Marga sa contact list ko. Hindi talaga ako mapalagay hangga't hindi ko naririnig ang boses ni Safina. Paano kung bigla na lang magbago ang isip niya at hindi ako siputin bukas? Katulad ng ginawa ni Heaven kay Micaller.

Damn it! Nakakapraning palang maghintay ng araw ng kasal! Ayaw kong matulad kay Micaller. Lalong hindi ko kakayanin kapag nagbago ang isip ni Safina.

Napamura ako nang hindi man lang nag-abalang sagutin ni Marga nag tawag ko. Mukhang seryoso talaga silang bukas ko pa puwedeng makita si Safina. This is fcking nonsense!

I dialled her phone again. Hindi ko siya tatantanan hangga't hindi niya ipinapakiusap sa akin si Safina!

"Hello—"

"Where the hell is Safina, Marga?" I yelled when she finally picked up the phone.

"Aray naman! Huwag ka naman sumigaw, Fafi Elliot! Hindi ako bingi!"

"Nasaan si Safina? Gusto ko siyang makausap! Why can't I even reach her phone? Tigilan n'yo na 'tong pakulo ninyo!"

Nagpabalik-balik ako sa loob ng kuwarto. Nandito ako ngayon sa hotel kung saan gaganapin ang reception ng kasal naming bukas. Ni hindi ko rin alam kung saang building nila dinala si Safina.

"Grabe naman! Napaka-impatient! Hindi ba sabi ko bukas pa kayo puwedeng magkita at magkausap? Para may element of surprise naman kahit papa'no, 'no! Dapat ma-miss n'yo ang isa't isa para maging mas intimate ang wedding ceremony n'yo! Drama nito! Twenty-four hours na lang naman ang hihintayin mo! Atat na atat? Kalurkey!"

Napahilamos ako ng mukha.

"Stop this nonsense, Marga! I want to talk to Safina!"

"Hindi nga puwede. Isa pa, nagbe-beauty rest siya kaya kung ako sa 'yo mag-relax ka lang diyan. Bye!"

"Wait! Marga! Hello?"

The hell! Binabaan ako ng telepono! Naihagis ko ang cellphone sa kama. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko man lang nakikita si Safina.

I picked up my phone again and went out of my hotel room.

Kung ayaw nilang ipakiusap sa akin si Safina, puwes ako ang gagawa ng paraan para makita at makausap siya.

I ran towards the elevator. Bumaba ako sa lobby ng hotel at tinungo ang receptionist. Nakuha ko agad ang kanilang atensyon nang lumapit ako. I smirked inwardly.

"Yes, Sir? How may I help you?"

"Puwede ko bang malaman kong anong hotel room number ni Miss Safina Dimaunahan?" I queried then gave them both a seducing smile.

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumango. I grinned. Ang akala nina Marga maiisahan nila ako, puwes nagkakamali sila—

"We're so sorry, Sir, for security purposes, we cannot give any information about our customers," she gestured apologetically.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon