CHAPTER 2

43.8K 1.5K 288
                                    

CHAPTER 2

"PARA KANG ASONG NAGLALAWAY SA BUTO."

"Fuck you, Dela Vega!"

I glared at my friend, Sid, who suddenly ruined my peaceful staring session at a girl.

"Lumayas ka nga! Baka makanahap ng ibang lalaki ang asawa mo kapag nalingat ka," asik ko. He raised his middle finger at me.

"She's so in love with me to find another man, besides, I want to give her a time to mingle with her circle of friends. At huwag mo ngang iniiba ang usapan. Akala mo ba hindi ko napapansin ang malalagkit mong titig kay Miss Dimaunahan."

I looked away and ignored my friend's statement. Muli akong tumungga ng alak sa hawak kong kopita. Kanina ko pa nga hinahanap si Micaller pero hindi ko siya mahagilap. Mukhang tumakas kasama ang asawa niya. Atat na atat maka-iskor amputa, hindi man lang pinatapos ang reception ng kasal niya.

It's been two weeks and I never thought I would see her again. I don't even understand myself why I can't get her off my mind. She's just a mere woman for Pete's sake!

"Kung ako sa 'yo, Madrigal, subukan mong magmahal at magseryoso sa babae. Kawawa ka naman, mag-isa ka na lang. You will never be happy as we are. Tsk!"

"Shut the fuck up, Dela Vega!" I hissed. He smirked at me.

"I'm happy about what I have. I DON'T need a woman. Don't judge my choice of happiness, Dela Vega. Iba ka, iba ako. Corny ka, ako matino! Tss."

"Pft! Defensive ka pa rin hanggang ngayon, Madrigal. Sigurado ka bang wala ka talagang balak na ligawan si Miss Safina Dimaunahan? "

Tiningnan ko nang masama si Micaller nang bigla siyang dumating at tinapik ako sa balikat. 'Yong mukha niyang ngising-ngisi parang kagagaling lang sa mainit na make out session. Tiyak na umiskor pa 'to kay Heaven sa private room nila. Kahit kailan talaga hayok siya.

"Gago. Hindi pa ako nasisiraan ng bait kagaya ninyong tatlo. Ang ko-corny ninyo. Tss!"

"I really can't wait for the day that you'll be eating your own words," segunda naman ni Theo na kararating lang, kasunod ni Levi.

"Seriously? Pinagkakaisahan n'yo ba akong tatlo? Kung feeling n'yo naiinggit ako sa inyong tatlo, puwes mga feelingero kayo. I'm happy and contented."

"Malala ka na, Madrigal. Epekto 'yan ng kaka-share mo ng memes sa Facebook. Kawawa ka talaga, memes na lang nagpapasaya sa 'yo. Pft! Walang magmamahal sa 'yo at mag-aalaga sa 'yo kapag may sakit ka, higit sa lahat wala kang kakalabitin gabi-gabi. Tsk, tsk, tsk!"

"What the fuck, Micaller!"

Nagtawanan silang tatlo at nag-toast pa ng kanya-kanya nilang bitbit na wine glass. Mga hibang. Sinamaan ko sila ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwalang pati si Micaller ay ikinasal na. Nabuang na talaga sila.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Safina. She's stunning in her carnation pink gown. Masaya siyang nakikipag-usap sa kakilala niyang bisita sa reception ng kasal ni Micaller. I admit it, she really has caught my attention. I want her to be in my bed.

"Huwang kang denial, Madrigal. Kung type mo siya, ligawan mo. Para naman maka-relate ka sa 'min. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Lagi ka na lang na-a-out-of-place," suhestiyon ni Dela Vega. Sinundan niya iyon ng tawa.

Ligaw? What the fuck? Ako? Manliligaw? No way! Hindi ako ipinanganak na guwapo at perpekto para manligaw lang. I deserve better.

"What the hell are you talking about? Ako? Manliligaw?" turo ko sa aking sarili.

"Of course, you can't have her if you won't woo her until she gives in. Huwag mo siyang itulad sa ibang mga babaeng naikama mo na, Madrigal. Hindi lahat ng babae madadala mo sa matabil mong dila."

"Dela Vega's right, Madrigal..." sang-ayon naman ni Theo. "Don't be so full of yourself."

I stared at them unbelievably.

"Could you please stop pestering me? Ang babaduy ng mga suhestiyon ninyo. At ikaw, Micaller, huwag kang hihingi ulit ng tulong sa 'kin kapag pinaiyak ka ng asawa mo. Tatawanan pa kita kapag nangyari 'yon!"

"Not gonna happen. My wife loves me so much. And I have promised not to give her any reason to leave me. Ikaw ang dapat kabahan, balita ko hindi basta-basta babae lang si Miss Dimaunahan. Baka isang halik niya titiklop ka. Huwag kang magsalita ng tapos, Madrigal, baka ang mga salita mo ang tatapos sa 'yo kapag tinamaan ka."

"Tss. Ewan ko sa inyong tatlo. "

Iniwan ko na lang sila roon. Ang yayabang ng mga baliw. As if naman iiyak ako kagaya nila para lang sa isang babae. Tapos na ako sa mga bagay na 'yan. I swore not to ever cry for a woman again. Mapagsamantala sila. Dahil kapag nalaman nilang mahal na mahal mo sila, gagawin ka nilang alipin at iiwan sa ere kapag tapos na sila sa 'yo.

Kumuha pa ako ng isang baso ng alak sa nakasalubong kong crew saka dire-diretso iyong tinungga. Agad kong nilapitan si Safina. Nakita kong nasa gitna ang mga kaibigan ko at kasayaw ang kani-kanilang mga asawa.

"May I have this dance, beautiful?"

Napatigil siya sa pag-uusap sa baklang kaharap niya. Nagkatinginan silang dalawa. Nakalahad pa rin ang kamay ko sa kanya. Tiningnan niya iyon nang ilang segundo bago ngumiti sa akin.

"Dance daw, Safina..." bulong sa kanya ng bakla. Napangiwi pa ako nang tiningnan ako ng bakla mula ulo hanggang paa.

Huminga nang malalim si Safina at ngumiti sa 'kin. I think my heart just jumped out of my chest.

"Sorry, I don't dance."

Napawi ang ngiti ko. I inserted my hand inside my suit pocket.

"Sayang naman ang gown mo kung hindi mo irarampa sa gitna." I stared at her from top to toe. I gulped. Her legs were exposed because of the slit on her gown. Sa sobrang kinis niya'y pakiramdam ko mababasag siya kapag hinawakan ko.

"I'm not here to dance, Mr. Madrigal. I'm here for the newlyweds. Sorry, maghanap ka na lang ng iba."

Damn it! Is she rejecting me? Hindi ba niya alam na maraming babaeng gustong makasayaw ako? I'm already giving her the privilege, tapos aayaw-ayaw siya? Is she for real?

"Paano kung ikaw ang gusto kong makasayaw?" I gave her my most heart-wrecking smile. Saglit siyang natigilan. I grinned. May epekto ako sa kanya, nagpapakipot lang siya.

"I'm sorry, Mr. Madrigal, but I'll only dance for a million dollar. Walang libre sa mundo. So, if you'll excuse me."

Tangina. Napahilamos ako ng mukha nang bigla niya akong tinalikuran. Wala sa sariling napatingin ako sa gitna. Nangungutyang nakatingin sa akin ang tatlong itlog. Tangina talaga, hindi ako naiinggit sa kanila!

Aish! Lumabas na lang ako ng fuction hall na iyon at nagpunta sa lobby ng hotel kung saan idinadaraos ang reception ng kasal ni Micaller.

Tangina talaga, ano'ng karapatan nng babaeng 'yon na i-reject ako?

Isinusumpa ko, luluhod sa harapan ko si Safina habang pinapaligaya ako! Luluhod siya nang walang bra!

©GREATFAIRY

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon