SPECIAL CHAPTER

45.6K 1.5K 340
                                    

More snippets and updates on my Facebook page!😍

More snippets and updates on my Facebook page!😍

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SPECIAL CHAPTER

"OH? Hindi pa nga nasisimot ang liwanag nandito ka na? Akala ko ba sabi mo gusto mong magpahinga dahil pagod ka?"

Napangisi ako nang biglang umasim ang mukha ni Micaller sa aking sinabi. Kumuha siya ng Martini glass saka nagsalin ng alak rito. Mukhang katulad ko'y may pinagdadaanan din siya.

"Heaven kicked me out of our house."

Muntik ko nang mailuwa ang alak na iniinom ko. Tangina, hindi nga ako nagkamali. Pft!

Hindi ko napigilang tumawa nang malakas. May kumakantang banda sa baba kaya hindi kami rinig dito sa itaas.

"Geez, Micaller! Ano bang ginawa mo?" Napahawak ako sa aking tiyan. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Akala niya kasi nambababae ako. Kahit anong paliwanag ko na anak na lang 'yon ng kliyente na kailangan kong pakisamahan, ayaw maniwala. Tapos itong si Mommy, imbis na tulungan akong magkaayos kami ni Heaven, sinulsulan pa niya ang asawa ko. Ayon, sinipa ako palabas ng bahay. Tangina lang. Ang hirap talagang pakisamahan ng mga buntis, ang sensitive."

Humalakhak ako. Micaller massaged his temple frustratingly. Muli siyang lumagok ng alak.

"Geez! Ayan kasi napakababaero mo," komento ko. Muli niya akong sinamaan ng tingin.

"Tarantado, matagal na akong nagbago. At saka loyal ako sa asawa ko kahit lagi niya akong inaaway. Iniintindi ko na lang dahil buntis."

Pft. Kawawang Micaller. Akalain mo 'yon, ang dating matinik sa babae ngayon tiklop sa asawa niya. His wife is pregnant again. Matinik din manganak, parang nakikipagkarerahan kay Dela Vega sa pagpapadami ng anak.

"Don't laugh at me like we're not on the same boat, Madrigal! Tss. Ikaw? Bakit nandito ka? Akala ko ba sabi mo hindi ka na mag-iinom dahil gusto mo nang magbago?" aniya.

Napatigil ako sa pagtawa at saglit na natahimik. My face wrinkled this time. Napamura ako, dahilan para pagtawanan ako ni Micaller.

"Pft! Tangina, sabi na, eh. Makatawa ka sa 'kin wagas. Ano'ng ginawa sa 'yo ni Safina?"

I glared at him. Dire-diretso kong nilagok ang alak saka tumingin sa ibaba. We were at our usual spot here in Zero Degree bar.

"Tangina, paskong-pasko pinalayas ako," asik ko. Rinig na rinig ko pa ang boses ng asawa ko sa aking isip.

"Pft! Gago, ano ba'ng kasalanan mo?" tanong ni Micaller.

Napakamot ako sa aking ulo.

"Nasuntok ko kasi ang lalaking regular customer ng flower shop niya. Akala ko kasi pinopormahan niya ang asawa ko. Malay ko ba na customer pala 'yon."

Humalakhak nang malakas si Micaller dahil sa sinabi ko. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan. I raised my middle finger at him.

"Tangina! Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago, Madrigal. Magbabagong-taon na, seloso ka pa rin. Pft!"

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon