CHAPTER 33

31.5K 1.2K 168
                                    

CHAPTER 33

GUILT.

I exactly felt that way the moment my eyes landed on his blank face. It's crazy how people come and go before you even realize it.

Was Marga right all along? Na natabunan lamang ako ng poot kaya nasabi at nagawa ko ang mga bagay na hindi ko naman talaga gawain?

Hindi ko nabilang kung ilang segundo akong napatulala sa kanya. He pursed his lips and I can feel the coldness between his blank stares. Tila may bumikig sa aking lalamunan dahil hindi ko naman narinig ang sarili kong boses. I was aching to say something, yet my tongue failed to cooperate. Ilang segundo akong nabato sa aking kinatatayuan. Natauhan lamang akong nang hinila ako ni Gavin palabas ng mall.

Hindi ko man lang namalayan na nasa loob na kami ng kotse ni Gavin. I was holding my chest while gasping for air. His face keeps flashing in my mind. Every detail of our memories played like and avalanche out of the sudden. I would have been lost in my reverie if Gavin didn't break the silence.

"Uso huminga."

Napalingon ako sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. I literally blew a deep breath which made him laugh. Yumugyog ang kanyang balikat kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What's funny?" I hissed.

"Paano kasi 'yong mukha mo kanina kulang na lang plakard na ilalagay sa noo mo tapos may nakasulat na, I missed you so much, Elliot! Please take me back!"

"Shut up, Gavin!"

Lalo lang lumakas ang tawa niya. Kulang na lang magpaputok siya ng party popper sa sobrang tuwa. Parang gusto ko na tuloy lamunin ako ng upuan.

Hinayaan ko siyang tumawa. Tumingin na lamang ako sa labas. Saka ko lang naalalang hindi pa pala niya pinapaandar ang kotse.

"You know what, Safina, itigil na natin 'to," sabi niya nang maka-recover na siya sa katatawa. I creased my forehead.

"What do you mean? Anong ititigil?"

"Itong pagpapanggap natin. Mukha namang hindi effective. Imbis na ex ko ang paseselosin natin 'yong ex mo ang nagselos. Salamat na lang sa lahat-lahat," himutok niya. Muling nang-init ang aking pisngi.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi mo lang nakita ang mukha niya kanina—"

"Of course, nakita ko kung paano tumagos ang mga mata niya sa kaluluwa mo. I'm a man, Safina. I exactly know when someone of my kind gets jealous."

That rendered me silent. I can almost hear the fast beating of my heart. Umasa ako nang slight sa sinabi ni Gavin. Ngunit ramdam ko namang may nag-iba na kay Madrigal. Para bang hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang isang balde ng yelo na ibinuhos ng mga mata niya sa akin.

"You don't know what you are talking about, Gavin. Ang mabuti pa umalis na tayo rito."

He just tsk-ed before starting the engine. I crossed my arms across my chest to hide my growling heartbeat. Wala naman akong magagawa kung ayaw na sa akin ni Madrigal. Parang hindi ko rin naman nakikitang magkakaayos pa kami. Masyado nang kumplikado ang lahat sa pagitan namin. Maybe we were just both an experience for each other.

"Alam mo, Safina, kung ako sa 'yo balikan mo na lang si Madrigal. Tutal mahal n'yo naman ang isa't isa. Pinapahirapan n'yo lang ang mga sarili ninyo," Gavin blurted out while his eyes were fixed on the road.

"Alam mo, Gavin, kung ako rin sa 'yo balikan mo na rin 'yong ex mo. Tutal mahal n'yo naman ang isa't isa. Pinapahirapan n'yo lang ang mga sarili ninyo," I parroted. Inismiran niya lang ako.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon