Gavin Santillan

20.1K 367 41
                                    

Gavin (Gabriel Vince Santillan)

Title: His Vengeful Kiss

PROLOGUE

KANINA pa ako hindi mapakali sa aking kinauupuan. Nanlalamig at namamawis ang aking mga palad dahil sa matalim na pares ng mga matang nakamasid sa akin. I thought I was prepared enough to meet my boyfriend's parents but it feels like I want to run away and hide from his mother's scrutinizing eyes.

"You okay, baby?"

Bahagya akong pinisil ni Gabriel sa aking braso habang nakaakbay siya sa aking kinauupuan. He brought me to a fancy restaurant which made me more conscious about my looks. Nakasuot lang ako ng simpleng puting blouse na pinaresan ng fitted jeans.

"Ayos lang." I faked a smile. Hindi nakatakas sa aking paningin ang bahagyang panlalaki ng mga mata ng kanyang mommy. Nakita ko rin ang lihim niyang pag-irap.

"Does this mean we are gonna be hearing the church bells, soon?"

Muntik na akong mabilaukan ng sarili kong laway dahil sa biglang itinanong ng daddy ni Gabriel. Ang mommy naman niya ay ibinaba ang hawak na kubyertos. Mababanaag ang disgusto sa kanyang mukha.

"Hindi kaya masyadong mabilis, Gael? Hindi pa nga nag-iisang taon ang relasyon nila. Baka mamaya katulad din 'yan ni Gladys na pera lang ang—"

"Mommy!"

Napadiin ang pagkakagat ko ng aking ibabang labi nang biglang tumaas ang boses ni Gabriel. Awtomatikong lumingon ako sa paligid. Mabuti na lamang at medyo malayo kami sa ibang mga customer kaya hindi kami nakaagaw ng atensyon.

"Violeta, magdahan-dahan ka sa pananalita mo."

Bagama't malumanay ay may awtoridad ang boses ni Tito Gael. Napayuko na lamang ako. Ramdam ko ang pagdaan ng matinding kurot sa aking dibdib. Maliwanag pa sa sikat ng araw na ayaw ako ng mommy ni Gabriel.

Binalaan na ako noon pa ng pinsan kong si Yuri nang malaman niyang sinagot ko na si Gabriel. Hindi nga siya nagkamali, hindi ako makaliligtas sa panghuhusga ng pamilya ni Gabriel. Malayung-malayo ang estado ng aming buhay. Kahit na naisip ko na rin dati na para akong sumusuntok sa buwan ay pinapasok ko pa rin siya sa buhay ko dahil mahal ko siya. Alam ko rin na maaari kong danasin ito sa kanyang pamilya at kaibigan ngunit hindi ko akalain na ganito pala kasakit kapag nasa sitwasyon na.

"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko. Ang akin lang naman ay sana mag-ingat si Gabriel sa pagpili ng babaeng pakakasalan niya. Baka maulit ang nangyari katulad ng ginawa ni Gladys—"

"Mom, stop it."

Ginagap ni Gabriel ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. Masuyo niya akong tiningnan. Ngumiti lang ako nang pilit.

"Mom, atleast respect my girlfriend. Dinala ko siya rito para ipakilala sa inyo. Hindi para insultuhin n'yo. Can you please stop talking about Gladys? Tapos na 'yon. I love my girlfriend, and that's what matters."

Napangiwi ako. Batid ko ang tungkol sa nakaraan nila ni Gladys. Ang first girlfriend niya na iniwan siya dahil sumama sa ibang lalaki.

Parang gusto ko na lang matunaw dahil sa tensyong namumuo sa pagitan namin ng kanyang ina. Hindi ko napigilang manliit sa sarili ko. Hindi ko naman siya masisisi kung gano'n nga ang iniisip niya sa akin dahil para lang akong langaw na dumapo sa likod ng kalabaw.

"A—Ayos lang 'yon, Gabriel."

Tumayo ako saka tipid na ngumiti sa kanyang mga magulang. Tito Gael stared at me apologetically. Si Tita Violeta naman ay matapang pa rin ang kanyang mukha.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon