CHAPTER 8

27.3K 1.1K 255
                                    

CHAPTER 8

"HOW was the pre-flight inspection, Florencio?"

"Areglado na, Boss. Tamang-tama at katatapos lang namin."

"Good. We'll be there in a few."

I glanced at my side after I ended the call. I grinned when I caught her staring at me. Umiwas siya ng tingin at nagkunwaring abala sa katitingin sa gilid ng daan.

Hay, Safina. Kunwari ka pang hindi affected sa kaguwapuhan ko, pero ang totoo kinikilig ka sa mga titig ko.

"Nagugutom ka na ba? We can have breakfast before our flight."

"Hindi naman. Hindi ako sanay kumain ng agahan," hindi-nakatinging tugon niya.

Kumunot ang noo ko.

"Breakfast is the most important meal of the day, Safina. You shouldn't miss it."

Kaya siguro ang payat-payat niya. Kulang siya sa calorie. Higit sa lahat, kulang siya sa pagmamahal. Hindi bale na, sisiguraduhin kong lagi siyang makakakain. Bubusugin ko siya ng pagmamahal ko. Malamang never pa siyang nakatikim ng Vitamin S. Kapag naging kami na officially, sisiguraduhin ko ring araw-araw siya no'n makakatikim. Napasipol ako.

"Mukha kang manyak kung makangiti."

My grin faded when I heard Safina spoke. I glanced at her but she was not looking at me, just like earlier.

"You're so hard on me, Safina. Hindi ba puwedeng may iniisip lang?" She snorted.

"May iniisip o may minamanyak sa utak?" she argued. Damn. Bull's-eye. Bakit ba napakatalas ng isip ng babaeng ito? Paano niya nalamang nilalandi ko siya sa utak ko?

"Ikaw lang naman ang minamanyak ko, babe. You should feel privileged."

"What the hell, Elliot!"

Naapakan ko preno nang bigla niya akong singhalan. Mabuti na lang at walang nakasunod sa aming sasakyan. Napadiin ang paghawak ko sa manibela.

"Don't do that again, babe. Paano kung naaksidente tayo?" Bigla akong natakot para sa kanya. Goddamit. I should be more careful next time.

"Kasalanan mo 'yan!" singhal niya sa 'kin.

Napakamot ako ng ulo. "I didn't do anything wrong, babe. What's wrong with fantasizing the woman I like?"

My question rendered her silent. Muli akong sumipol. Kunwari pa hindi kinikilig pero ang totoo nati-tense na 'yong puso niya sa presensya ko. Mga babae talaga, susuyuin mo papakipot pa.

"Kaya ba nanghahalik ka na lang bigla kahit wala naman tayong relayson?"

Her face turned red with her own question. Napangisi ako.

"Babe, that was different. Dahil hindi mo pa ako sinasagot, free taste na lang muna ang mga halik ko sa 'yo. Kapag tayo na, I will spoil you with my kisses everyday." I winked at her but she raised her hand. My reflexes were too fast to cover my face before she could even hit me.

"Umayos ka kung ayaw mong bumaba ako ng kotse at magdi-date kang mag-isa mo!" she warned. Napaayos ako ng upo.

"Ooops! Wala nang bawian, babe."

"For the nth time, huwag mo akong tawaging 'babe'!"

Napamura ako sa aking loob. Tangina, saksakan ng suplada. Kung hindi ko lang siya gusto, naku!

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon