CHAPTER 10

29K 1.1K 282
                                    

CHAPTER 10

"YOU should take pictures, too. Come on, Elliot. Ano pa'ng silbi ng camera na dala mo kung isasabit mo lang din 'yan sa leeg mo?"

I can't fight the urge to smile because of what I've heard from Safina. It's obvious that she's enjoying the tour. Hindi niya alam na kanina ko pa siya pasekretong kinukuhanan ng litrato. Glad I brought her here.

Simala Shrine is one of the tourist spots here in Cebu. Noong nabubuhay pa si Mommy ay madalas niya akong dinadala rito. Nagsimba rin kami ni Safina kanina pagkarating namin.

"I'm fine, babe. Why don't we take a picture together?"

Saglit lang siyang natigilan ngunit agad din naman siyang sumang-ayon. Simula kaninang umaga pagkarating namin dito sa Cebu ay parang nag-iba ang pakikitungo niya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit.

"Hi! Can you take a picture of us?" Safina suddenly asked a foreigner.Napamura ako sa aking isipan. Pinasadahan siya ng tingin ng lalaki.

"Sure!" Tuwang-tuwa rin naman ang kano. Tangina talaga.

"Elliot, may I have your camera?"

I wasn't able to utter a single word when she grabbed the camera from my hand. Hinayaan ko siya. Ibinigay niya iyon sa dayuhan.

"Ngiti ka, ha?" sabi niya at umangkla sa braso ko.

Tangina. Paano ako ngingiti kong nahahalata kong type ng foreigner na ito si Safina ko?

Hinapit ko siya sa bewang at tiniyak kong magkadikit ang aming katawan. Natigilan ang foreigner pero agad din naman niyang itinutok sa amin ang kamera. Dapat lang alam niya kung saan siya lulugar. Kung hindi, uuwi siya ng Amerika nang basag ang mukha.

"One, two, three, smile!"

Hindi ko alam kung ngingiti ako ako sisimangot kasi bigla akong nabuwisit sa kano. Kaya hinalikan ko na lang si Safina sa gilid ng kanyang tainga pagka-click ng foreigner ng camera.

"Thanks, man."

"Welcome, for Miss Gorgeous."

Muli niyang nginitian si Safina. Nginitian din naman siya nito. Pakiramdam ko'y naitsapuwera ako.

"I hope you are enjoying your visit here, Mr?"

"I'm Bob," pakilala ng kano. Akmang kukunin niya ang kamay ni Safina pero agad ko iyong inagaw. Sinamaan ko siya ng tingin. Inagaw ko ang camera mula sa kanyang kamay.

"Elliot?" Safina exclaimed questioningly. Damn it! Hindi ba niya nahahalatang type siya ng kano na 'to? Kung makatinginan silang dalawa parang wala ako!

"Babe, nagugutom na ako. Hanap tayo ng makainan." Sumeryoso ang mukha ng kano. Mukhang naagawan ng kendi amputa.

Safina rolled her eyes. Siguro nahalata niyang naiirita ako sa kano na kausap niya. Dapat lang. Tangina naman kasi. May galit ba sa akin ang tadhana? Lahat na lang ng gusto ko inaagaw sa 'kin. Hindi pa naman lubos na napapasa'kin si Safina may karibal na agad ako!

"Nice meeting you, Bob! Thanks for taking a photo of us."

"Don't mention it. My pleasure, Miss Gorgeous!"

"Let's go, Safina!"

Hinila ko na siya bago pa humaba ang kanilang pag-uusap at baka magkayayaan pa sila. No way! Alam na alam ko ang hilatsa ng mga gano'ng lalaki. Kunwari nagmamagandang-loob sa babae pero iba pala ang intensyon.

Nilingon ko ang kano saka nginisihan ko siya. Paglingon ko kasy Safina ay pulang-pula ang kanyang mukha. Tiningnan ko ang picture naming dalawa habang naglalakad. Mukha kaming mag-asawa sa picture.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon