CHAPTER 5

28.5K 1.3K 220
                                    

CHAPTER 5

"ANG SARAP!"

I glared at Micaller when he burped loudly. He even held his stomach like he really was satisfied. Sa aming apat, siya ang may pinakamaraming nakain. Kung hindi ko lang siya kaibigan, aakalain kong isa siyang patay-gutom. Sobrang nag-enjoy siya sa pagkain samantalang ni isang subo ay hindi ko man lang nagawa.

I'm really pissed right now.

"Sana lagi ka na lang Indian-in ni Safina sa date ninyong dalawa para lagi akong busog," sabi pa niya na nagpadagdag ng init ng ulo ko. Mabilis siyang tumayo nang inambahan ko siya ng suntok.

Nakayuko naman sina Sid at Theo at tahimik na kumakain. Naubos nila ang serving ng Seafood Paella at Braissed Beef. Himala nga na ini-enjoy nilang kumain sa harap ko pa mismo. They did not even show any sympathy when I told them that Safina ditched me. Sila pa mismo ang nagyaya na kaming apat na lang ang mag-date. They even volunteered to take home the left-over food. Ang buburaot ng mga hinayupak.

"Umuwi ka na nga, Micaller. Nabubuwisit ako sa pagmumukha mo. Baka hindi ako makapagpigil at paghugasin kita ng mga plato!"

"Bakit ako? 'Di ba 4 million ang ginastos mo sa date na 'to? Maraming tagahugas diyan."

"Tangina mo!"

"Pft!"

Nagkatinginan sina Sid at Theo at sabay na nagtanguan. Sabay rin silang tumayo kaya agad ko silang pinigilan.

"Teka! Uuwi na kayo agad? Akala ko ba mag-iinuman pa tayo? Sabi n'yo dadamayan n'yo ako?"

I really need to drink tonight. Para makalimutan ko ang ginawa sa akin ni Safina. Hindi niya ako sinipot. Ni hindi ko siya mahagilap. Sabi ng assistant niya ay wala siya sa flower shop. Wala rin siya sa tinutuluyan niyang bahay. Ilang beses kong sinubukang tawagan ang numero niya pero nakapatay ang cellphone. Hindi naman ako tanga para hindi isiping sinadya niyang hindi ako siputin.

I just wasted my four million. Damn it!

"Kaya mo na 'yan, Madrigal. Strong ka naman," maikling tugon ni Sid na sinundan niya rin ng isang dighay.

Ang babastos ng mga animal na 'to! Pagkatapos ko silang pakainin iiwanan lang ako!

"Damn it! Don't tell me you'll be leaving as well, Montreal?!" I asked unbelievably. Paano kasi ay nauna nang tumalikod si Theo. Ni hindi man lang nagpasalamat na pinakain ko siya. Napakakapal ng pagmumukha ng mga walanhiyang 'to!

"Pass muna ako, hinihintay ako ng asawa ko," diretsong Tagalog na sagot niya. Putangina, si Montreal ba talaga 'to? Kailan pa siya naging under the saya?

"You got to be kidding me! Hindi kayo puwedeng umalis! Samahan n'yo akong maglasing, mga patay-gutom!"

Humalakhak si Micaller. Pati ang mga waiters at waitress ay nagpipigil na rin ng tawa. Alam ko kanina pa nila ako pinagtsitsismisan dahil hindi ako sinipot ng ka-date ko. Nasayang lang 'yong mga scented candles na pinabili ko. Pati na rin ang mga balloons na hugis-puso. Nag-effort pa akong mag-set up ng stage para tumugtog kaming apat.

Balak ko sanang kantahan si Safina ngayon. Sayang lang 'yong pagpupuyat ko sa pag-practice. Nauwi lang sa wala. And damn it! I hate to admit it but this is the first time that a woman ditch me. Dati ako pa ang nagtatago sa mga babae dahil pinag-aagawan nila ako.

"The hell, Madrigal! You look like shit! Hindi ka lang sinipot ng babaeng 'yon maglalasing ka na? Affected ka ba?" pang-aalaska ni Micaller.

"Hindi ako affected, damn you! Gusto ko lang mag-inom. I paid for this, remember?"

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon