CHAPTER 11

23.7K 1K 155
                                    

CHAPTER 11

"HUHULAAN ko kung ano'ng iniisip mo. Dagat, 'no?"

I glanced at Safina when she suddenly spoke. Ang akala ko ay tulog siya dahil nakasandal siya sa upuan niya at nakapikit.

"Paano mo naman nasabing dagat ang iniisip ko?" I queried and shifted my gaze to the sky.

She slightly smiled and looked at me. "Ang lalim, eh..."

I laughed a little and composed myself. Nandito kami ni Safina sa rooftop. We're waiting for a star to fall from the sky. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako napatulala sa langit.

"You never fail to amaze me, babe. Kaya mo rin palang bumanat." I winked at her. She smiled but her stares became intense. Nararamdaman kong parang may gusto siyang sabihin sa akin.

"Hindi naman banat 'yon, ah. Kanina ka pa tulala riyan. Kanina pa kita kinakausap pero parang hindi mo ako naririnig," aniya.

My smile faded. Napangiwi ako. Paano kasi ang daming gumugulo sa utak ko.

"I'm sorry, babe. Pagod lang siguro." Tumingala na rin siya sa langit. Malalim na ang gabi pero heto pa rin kaming dalawa.

"Kaya nga kanina pa kita niyayayang bumaba, ayaw mo naman."

"But we are waiting for a star to fall—" pagdadahilan ko. Ayaw ko lang talaga siyang mahiwalay sa 'kin.

"May iba pa namang pagkakataon, Elliot. Kailangan mo nang magpahinga kasi may pupuntahan pa tayo bukas, hindi ba?"

"Hold on. If you can just wait me here, I will just get something," I resisted and stood up from my seat. Nagtatakang tumingala siya sa akin at bumuntonghininga bilang pagsuko.

I gently squeezed her hand and gave her a loving smile. She looked away.

Bumaba ako saglit at kinuha ang gitara na iniutos ko kanina. I grinned widely when I saw it from the foyer. Kinuha ko iyon at bumalik agad sa rooftop.

Naabutan ko si Safina na nakapikit habang nakatingala sa langit. Para siyang anghel na nagdadasal para halikan ng prince charming niya. I fought the urge to bend down and kiss her inviting lips. She's a temptation I just can't resist.

Naramdaman niya yatang may nakatitig sa kanya kaya't napadilat siya't umayos ng upo. She eyed the guitar I'm holding.

"Marunong kang gumamit niyan?"

I smiled. Marami pa talaga siyang hindi alam tungkol sa akin. All the while I thought I was famous especially to girls. Pero sinira ni Safina ang pag-aakalang iyon. Hindi ko lang sigurado kung sa bundok ba siya dati nakatira kaya hindi niya ako kilala. O sadyang wala siyang pakialam sa existence ko? Huwag naman sana. Dapat may pakialam siya dahil hindi ako titigil hangga't hindi siya nahuhulog sa akin kagaya ng ginawa niya sa puso ko.

The fck! Ang corny ng mga naiisip ko. Buti na lang wala rito si Micaller, kung hindi pagtatawanan niya ako. Atleast, hindi ako kasing-OA niya. Siya nga binilhan pa ng dog food ang mga aso ni Heaven niya. Halata talagang sinuhulan niya lang si Heaven para magkagusto sa kanya. Napakadesperado talaga ng isang 'yon. Pft!

I started strumming the guitar. I can play various instruments but I never had this feeling before when I' m playing the guitar.

I'm jealous of the wind
For it can hug you
I'm jealous of the rain
The way it touches your skin
I wish I am the moonlight
I can watch over you at night
And everything would feel alright

I didn't move my eyes away from her. I want her to know how exactly I feel for her. Napaawang siya habang nakatingin sa akin. I smirked at the back of my mind.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon