CHAPTER 24

29.1K 1.2K 218
                                    

Hello! Thanks for you stars and comments! I truly appreciate your support po. :)

CHAPTER 24

"MARAMING SALAMAT po talaga, Ma'am! Ngayon lang ako nakatikim nang gano'n kamamahaling chocolates!"

Naibaba ko ang hawak kong fountain pen saka napaangat ng tingin kay Jessa. She's smiling from ear to ear. Maaliwalas din ang kanyang mukha kumpara noong nakaraang araw. Someone sent an expensive bouquet of flowers and a box of chocolates to my office early in the morning. Kahit walang nakasulat sa card kung sino ang nagpadala niyon ay wala namang pagdududang sa iisang nilalang lang nanggaling ang mga iyon.

Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan siya o sadyang kinain na ng sistema ang kanyang utak. Kung sa akala niya ay madadala niya ako sa pa-bulaklak at pa-tsokolate niya, puwes nagsasayang lang siya ng pera niya. Wala nga akong balak na kausapin siya, ang tanggapin pa kaya ang mga suhol niya.

"Okay lang po kayo, Ma'am?"

Natigilan ako. Hindi ko napansing napatulala pala ako sa bitbit ni Jessa na bouquet. Umayos ako ng upo at pinagsalikop ang aking mga kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Bakit mo pa ipinasok 'yan dito?"

Napatingin naman siya sa kanyang hawak. Hindi ko namang itinatangging maganda ang pagkaka-arrange ng mga bulaklak. Pero kahit gaano pa pala kaganda ang isang bagay kung galing ito sa taong kinamumuhian mo ay hindi mo wala itong halaga sa kahit anong sulok ng puso mo. I just can't bring myself to appreciate those petals.

"Eh, bagay po kasi ito sa vase ninyo rito sa office, Ma'am. 'Di ba paborito n'yo ang tulips?"

"Pakitapon ng mga 'yan, Jessa," mariing sabi ko. Natigilan siya't napangiwi.

"S—sigurado kayo, Ma'am?"

"Please do not make me repeat myself, Jessa. At susunod na magpapadala pa ulit ng kung anu-anong ang lalaking, pakidiretso sa basurahan o bahala ka kung ano'ng gawin mo. 'Yong chocolates sa 'yo na o ipamigay mo sa iba."

"M—masusunod ho, Ma'am Safi."

"Good."

I crossed my legs and laid my back on the swivel.

"Ah, Jessa..." I called out. Natigilan siya sa pagphit ng pinto ng aking opisina.

"Bakit po?" kinakabahang tanong niya. She hid the flowers behind her back which made me satisfied. Nakakairita kasing tingnan.

"Pasensya ka na sa inasal ko nitong mga nakaraang araw. I didn't mean to offend you. It's just that—"

I sighed and smiled at her weakly.

"Ayos lang ho iyon, Ma'am Safi. Naiintindihan ko naman po. Huwag po kayong mag-alala, hindi naman ho sumama ang loob ko sa inyo."

A sincere smile crept my lips. Nakahinga ako nang maluwag. Kahit papaano'y nabawasan ang dinadala kong mabigat sa dibdib. Mahalaga sa akin ang mga empleyado ko. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi lumago ang flower shop.

"Salamat, Jessa."

"Walang anuman ho, Ma'am Safi. Sige ho, babalik na ako sa trabaho ko."

I nodded at her in agreement. I watched her going out of the office, but I called her again when I remembered something.

"And, Jessa—"

"Ho?" Humarap naman siya kaagad.

"Kahit ano'ng mangyari, kahit takutin pa kayo o suhulan, huwag ninyo papasukin ang taong nagpapadadala ng mga bulaklak at tsokolate."

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon