CHAPTER 26

30.6K 1.2K 242
                                    

CHAPTER 26

YOU can never fix something that you don't admit. Finally, Madrigal admitted that he was stupid. Unfortunately, it's too late for him to fix his mess. I can't bring myself to trust him again. Aminado naman akong hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko para sa kanya pero mas nangingibaw ang poot. At alam kong darating ang araw na tuluyan nang mawawala ang natitirang sensasyon sa puso ko.

"Patawarin mo ako, anak. Sa pangalawang pagkakataon nabigo na naman ako sa ama mo."

I traced the engraved letters of the epitaph. Kinuha ko rin ang mga tuyong dahon na nagkalat sa ibabaw nito.

Enrico D. Madrigal

Napangiti ako nang mapait. Kahit kasi hindi siya nakilala ng kanyang ama ay isinunod ko pa rin sa kanya ang apelyido nito. Gano'n ako kabaliw noon sa kanya. Na halos buong buhay ko'y umikot lang sa pagmamahal sa kanya mula sa malayo. He didn't even notice a trace of my shadow.

"Kaya siguro maaga kang kinuha sa akin dahil walang kuwenta ang ama at ina mo. Hindi ko yata kayang makita kitang nasasaktan dahil sa Madrigal na 'yon."

Tumingala ako at pumikit; dinama ang malamig na haplos ng hangin sa aking balat. Gulong-gulo ang aking utak sa mga nangyayari sa akin ngayon kaya naisipan kong bisitahin si Enrico. Sinong mag-aakalang sa himlayan ng mga namaalam sa mundo ang makapagbibigay sa akin ng sandaling katahimikan.

I cancelled my dinner with Gavin last night. I just texted him— informing him that I wasn't feeling well. He insisted to pick me up from the office and send me home instead, but I told him that I was already in the unit, taking a rest. Buti na lang at hindi na siya nagpumilit.

"Mahal na mahal kita, Enrico. Mahal na mahal kita nang higit pa sa buhay ko."

All this time I thought I've moved on. Hindi pa rin pala. Malalim pa rin ang sugat na iniwan ng nakaraan sa akin. It seemed like my son had occupied the whole part of my heart, that it wrecked when he left me—for good.

He died missing the chance to enjoy what the world could offer for him. At wala akong ibang sinisisi kundi ang aking sarili. Kung hindi dahil sa katangahan ko'y nandito sana siya, yakap-yakap ko at nahahagkan.

"Aaahhh!"

Napahagulgol ako habang nakadapa sa kanyang lapida. Huli na ang lahat para sa kanya. Ni hindi niya man lang naranasang maglaro kagaya ng normal na mga bata. Ni hindi niya man lang nakilala ang kanyang—

"Sissy, tama na."

"Umuwi na tayo, Safina. Parang uulan na, oh."

My emotion burst. I didn't realize I've been holding myself for a long time. Akala ko'y okay na ako. Hindi ko pa rin pala natatanggap ang nangyari sa anak ko. Ni hindi niya man lang nasilayan ang mundo.

"Iwan n'yo na ako, Marga. Gusto kong mapag-isa."

Hindi ako nag-abalang lingunin silang tatlo. Besides, hindi ko naman sila pinilit na samahan ako. I decided to go here alone but they convoyed without my permission.

"Alam mo namang hindi ka namin kayang iwan nang ganyan ang kalagayan mo, 'di ba? Huwag mo kasing angkinin ang lahat ng sakit, Sissy. Kailan mo ba balak ipaalam kay Elliot na nagkaanak kayo?"

Marahas akong bumangon at umupo. Pinahid ko ang aking mga luha.

"Para ano pa? Wala namang saysay kung malaman niya. Wala naman siyang kuwentang lalaki. Baka nga matuwa pa 'yon kasi wala siyang pananagutan sa 'kin, e."

Muli kong hinaplos ang ibabaw ng lapida ng aking anak. Sayang lang at maaga siyang kinuha sa 'kin. Siguro ngayon ay masaya ako at kuntento sa buhay. Siguro hindi na ako ulit naloko sa pangalawang pagkakataon kung nabubuhay lang si Enrico.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon