CHAPTER 15

23.2K 1K 188
                                    

CHAPTER 15

"PASENSYA na, Sir Elliot. Mahigpit ang bilin ni Ma'am Safina na huwag siyang kakatukin sa kanyang opisina."

Nanlumo ako sa sinabi ni Jessa. Umuwi lang ako saglit sa condo para maligo at magpalit ng damit saka sinundan si Safina rito sa flower shop niya. Hindi ako mapalagay dahil ayaw niya talaga akong kausapin.

"Look, I'm here to talk to her. Hindi puwedeng hindi niya ako kausapin. Boyfriend niya ako. May Karapatan akong pumasok sa opisina niya."

"S—sir, sa totoo lang naaawa kami sa inyo, pero ayaw naming mawalan ng trabaho sakaling sumuway kami sa boss namin," ani Jessa. Nagkatinginan sila ng kasama niyang babae.

"Akong bahala sa inyo kung sisisantehin kayo ni Safina. Ipapasok ko kayo sa opisina," I countered.

Nagkatinginan ulit silang dalawa sabay tango. Nagliwanag ang aking mukha. Buti na lang gumagana pa ang charm ko sa mga babae. Sabi na nga ba madaling suhulan itong mga 'to.

"Pasensya na talaga, Sir Elliot. Loyal kami sa boss namin," sabay nilang sabi.

Bumagsak ang aking mga balikat. Tanginang tunay.

Kaya wala akong ibang naisip na gawin kundi ang lansihin sila. Tumingin ako sa entrance ng flower shop dahil may pumapasok na customer. Sabay rin silang tumingin doon. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para puntahan ang opisina ni Safina.

"Safina!"

I knocked at the door hard. Kapag hindi siya lumabas sa pinto ito, sisirain ko talaga. Hindi ako nagbibiro.

"Sir Elliot!" Napalingon ako kay Jessa. Sinundan niya pala ako. Hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko ang pagkalampag ng pinto.

"Safina, buksan mo 'tong pinto at mag-usap tayo!"

"Sir Elliot, umalis na lang po kayo. Nakikiusap ako sa inyo."

I grimaced. "Kapag hindi ka lumabas diyan sisirain ko na talaga itong pinto!"

Ang tigas talaga ng babaeng iyon. Huwag niyang sabihin totohanin niya ang pakikipaghiwalay sa 'kin. Hindi pa nga kami nakapag-celebrate ng monthsary namin, hihiwalayan na niya ako. Ano siya, sinusuwerte? She can't just get rid of me that easy.

"Don't provoke my patience, Safina. Ipapaayos ko na lang ulit ang pinto mo. Pasensya na, sisirain ko muna 'to."

Bumuwelo ako para sana sipain ang pinto ngunit nauna iyong bumukas, revealing my oh so hot girlfriend. She's literally hot, dahil nag-uusok ang ilong niya sa galit.

"Ma'am, pa—pasensya na po. Sinubukan ko namang pigilan si Sir Elliot, eh..." magalang na paumanhin ni Jessa sa kanya. Natakot din yata sa itsura ng boss niya ngayon.

"I'll handle this. Bumalik ka na sa trabaho mo, Jessa."

Tumalilis ang pobreng empleyado pagkatapos sumaludo sa amo niya. Pagkatapos ay ako naman ang binalingan ni Safina. Her red lipstick made her scarier. Parang principal sa private school. Ang pinagkaiba lang ay sexy siya at hot. Kasing-hot ng dugo niya ngayon sa akin.

"Babe, please...Let's talk."

Ngunit pinanlisikan niya ako ng mga mata.

"Huwag mo akong ma-babe-babe diyan, Madrigal. At anong kasinungalingan na naman ang sasabihin mo, aber?"

Damn. Mas nakakatakot pa siya sa halimaw kung magalit. I just stared at her. She's wearing a knitted knee-length dress. Napalunok ako nang mapadako ang tingin ko sa kanyang dibdib.

"Ang mata sa lugar, Madrigal. Kung wala kang sasabihin, lumayas ka na!"

"Wait, babe!" Mabilis kong iniharang ang aking katawan nang akma niyang isasara ang pinto. I pushed it a little and entered her office, locking the door behind me.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon