CHAPTER 28

27.8K 1.1K 132
                                    

CHAPTER 28

"ANO?"

Napaawang ako sa ibinalita ni Gavin. Mga kalahating oras na akong naghihintay rito sa shop pero hindi pa rin siya dumadating. Nakauwi na rin lahat ng mga staff ako at tanging ako na lang mag-isa rito at ang guard sa labas ang natira.

"I am really sorry, Safina. I'm gonna be late. Tumawag na ako kay dad para ipakuha ko ang kotse. Hihiramin ko na lang muna siguro ang kotse ng kapatid ng kapatid ko."

Papunta na raw siya sana rito sa opisina upang sunduin ako ngunit biglang tumirik ang kanyang kotse. What an unfortunate day!

"Wait, huwag mo na lang kaya ako sunduin? I can take a cab going there. You can just give me the address of the restaurant," I suggested. Napatingin ako sa aking relo, kalahating oras na lang ay mag-a-alas siyete na ng gabi.

"But, I promised you, Safina."

"Masyado ka nang maaabala kung susunduin mo pa ako rito sa shop. Magkita na lang tayo sa restaurant. I insist, kaya pumayag ka na."

I heard him sighed on the other line.

"Are you sure you're gonna be okay? I am really sorry, Safina. This is just ridiculous. Niyaya kitang mag-date pero hindi kita nasundo kaagad." He sounded frustrated.

"I'll be fine, Gavin..." I assured.

Nakailang buntonghininga pa muna ang narinig ko sa kabilang linya bago siya tuluyang pumayag.

"Alright. If you insist then, see you there. I will send you the address after this call. Mag-iingat ka, please?"

Napangiti ako.

"Of course, mag-iingat ako. Ayaw kong mawalan ka ng kasamang mag-dinner."

He laughed at my remarks before he hanged up the phone. Ipinatong ko muna ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa bago sumandal sa swivel. I stretched my both arms upwards. Nakakangalay rin humawak ng ballpen buong araw.

Wala pang dalawang minuto ang lumipas ay muling umilaw ang screen ng cellphone ko. It was Gavin. He texted me the address of the restaurant. I just sent a quick reply before I rose from my seat.

Inayos ko muna ang aking sarili at nag-retouch ng makeup sa mukha. Mabuti na lang at lagi akong nag-iiwan ng damit dito sa opisina kaya nakapagpalit ako. Ang awkward naman kong nakasuot ako ng pang-opisina sa dinner date namin ni Gavin.

I picked up my shoulder bag when I got contented with my looks. I was about to pick up my phone as well when it lit up again. Napailing ako nang mabasa ko ang mensahe mula kay Sophie. Pumasok din ang mensahe ni Marga. Mukhang nagkaisa silang padalhan ako ng text message.

Enjoy your date!

Pareho pa ang laman ng kanilang text. I just replied a smiley to both of them. Ipinasok ko sa bag ang cellphone saka naglakad palabas ng opisina. Ngunit saglit na napadako ang mga mata ko sa box na natanggap ko kaninang umaga.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagpadala niyon. Bukas na bukas din ay kakausapin ko sina Marga para makahingi kami ng tulong sa kaibigan niyang agent.

Kinuha ko ang box at itinago sa drawer ng lamesa ko. Bukas ko na lamang iyan iisipin. Gano'n pa man ay may bahagi sa akin na natatakot. Hindi ko alam kung ano'ng gustong palabasin ng nagpadala niyon. Mababaliw ako sa kaiisip kung ano'ng kailangan niya sa akin.

I sighed and walked out of my office. Humingi ako ng tulong sa guwardiya para magbantay ng taxi. Nakakuha naman ako kaagad saka ibinigay ang address ng restaurant kung saan kami magkikita ni Gavin.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon