CHAPTER 14

21.5K 959 172
                                    

Hello! Omg! I know you've asked for the audio of Elliot's song! Pasenya natagalan din ang update. Here's the update. Plus the official soundtrack for Hopelessly Devoted To You. Thanks to Eica Cabalcar for arranging the music and singing the song Elliot has made for Safina. Just play the media above. You can also watch it on Youtube. Just search Hopelessly Devoted To you (Lyric Video). Hope you like it.

CHAPTER 14

"BAKIT dito mo ako dinala? Come on, ayaw ko pang umuwi, Elliot."

"Gabi na, Beatrice. Wala ka na sa katinuan."

"You've been avoiding me since I came back from States, Elliot. Please talk to me---"

"There's nothing for us to talk about, Beatrice."

Beatrice was about to hug me; but I was fast to push her back. Lasing na siya at wala na akong nagawa kundi ang ihatid siya pauwi sa kanila. Kahit naman wala na akong nararamdaman para sa kanya, babae pa rin siya. Hindi rin naman makakaya ng konsensya kong pabayaan siyang ipahiya ang kanyang sarili sa loob ng Zero Degree bar.

"Oh, come on, honey. Don't you miss me? Hindi ba dati gustong-gusto mong niyayakap kita? I missed you so much, Elliot!"

"Stop it, Beatrice. Bumaba ka na ng sasakyan."

"But I don't want to go home yet. Gusto kong sumama sa 'yo kahit saan ka magpunta. I've been trying to talk to you; but it seems like you're nowhere to be found. Ayaw tayong pagtagpuin ng pagkakataon. Nagtatampo ka ba sa 'kin dahil umalis ako?"

I balled my fist. Tinanggal ko na ang seatbelt niya. Binuksan ko na lang ang pinto sa driver's seat saka bumaba. Tinungo ko ang pinto ng passenger's seat saka binuksan iyon.

"Baba na."

I tried to calm my voice. She took a deep breath and pouted. Lagi niya iyong ginagawa kapag may gusto siyang hindi nakukuha.

"I'm changing my mind." She stared at me and smiled naughtily. Kumapit siya sa pinto ng kotse saka dahan-dahang lumabas.

"Kung ayaw mo akong sumama ako sa 'yo. Ikaw na lang ang sumama sa 'kin. Come on, honey. I get what you're trying to do. My place this time." She winked at me seductively.

Napamura ako. Naramdaman kong nag-vibrate and cellphone ko kaya saglit ko muna iyong tiningnan. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang tumatawag si Safina.

"Honey, please..."

Kumapit sa braso ko si Beatrice at bahagya niyang hinagod ang kanyang dibidb doon. What the fck am I gonna do?

"I said, stop, Beatrice!"

Agad ko siyang inilayo sa 'kin. Kamuntikan na siyang matumba. Mabuti na lang at napahawak siya sa kotse.

"Hindi mo na ako puwedeng yakapin, Beatrice. At hindi natin gagawin ang iniisip mo kaya tumigil ka na. Halika na. Pumasok ka na sa bahay n'yo."

She startled and stared at me like she can't believe what she just heard.

"Bakit hindi na puwede? May iba ka na ba?"

I clenched my fist. States has changed this woman a lot. Hindi na siya kagaya ng dating babaeng minahal ko. I can't believe we have this conversation right now.

"Pumasok ka na sa bahay n'yo, Beatrice."

"Bakit ayaw mo akong sagutin, ha? May iba na ba?"

Napakamot na lamang ako ng batok. Namatay na iyong pag-ring ng cellphone ko. Shit! Hindi ko maiwasang mag-alala. Madalang pa sa panganganak ng kalabaw kung tumawag sa akin si Safina kaya hindi ko maiwasang mag-alalang hindi ko agad iyon nasagot.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon