CHAPTER 21

27.9K 1.1K 285
                                    

CHAPTER 21

Safina's

"JESSA, nasaan na ang mga application letter at resume ng mga applicants natin for Floral Designer?"

"Eh, Ma'am, nai-file ko na po for shredding."

"Ano?!" Napapikit ako't napahilot ng aking ulo. Umagang-umaga sakit ng ulo ang sumalubong sa 'kin.

"Hindi ba't sabi ko tawagan mo sila isa-isa para ma-interview ko ngayong araw?"

"E, Ma'am, sabi mo kasi wala kang nagustuhan sa mga resume nila kaya itinabi ko na lang. Mag-po-post na lang po ulit ako ng for hiring para makahanap tayo ng panibagong mga aplikante—"

"What? Are you out of your mind? Jessa, kailangan na kailangan natin ng kapalit ni Laarni. Paano tayo ngayon niyan makakatapos ng mga purchase orders kung walang gagawa? Jessa naman!"

"E, akala ko kasi, Ma'am, ayaw n'yo nang—"

"Stop!" I raised my hand, gesturing Jessa to stop talking. I'm starting to get irritated again. Wala yatang araw na hindi sila pumapalpak. Puro na lang pasakit ng ulo ang ibinibigay sa 'kin.

"Ma'am—"

"Sa susunod, Jessa, huwag kang magdesisyon nang hindi sinasabi sa 'kin. Next time use your common sense. How can we get a potential candidate without conducting an interview?"

Marahas akong napailing. Napayuko naman siya. Jessa has been irritatingly incompetent lately. Ang dami niyang mali-mali sa trabaho. Ang daming returned statements of account dahil hindi man lang niya tinitingnan nang maigi ang mga attachment bago papirmahan sa akin.

"I'm sorry, Ma'am Safina—"

"I don't need your sorry. Ang kailangan ko, ayusin mo 'yong trabaho mo! Quota ka na sa kapalpakan!"

"Y—yes, Ma'am Safina."

"Hala, tawagan mo lahat ng mga aplikante. Schedule them an interview with me this afternoon!"

"O—okay, Ma'am."

I stared at her unbelievably before walking out. Dumiretso ako sa loob ng opisina at pabagsak na umupo sa swivel chair.

"Hoy, Madam! Ano 'yon, ha? Bakit sinigaw-sigawan mo 'yong assistant mo? Kailan ka pa natutong magmaldita nang gano'n?"

Pumikit ako't sumandal sa swivel ko. Hinilot ko ang aking sentido na bigla na lamang sumakit. People around me are nothing but a source of headache. Pakiramdam ko'y nagkaisa sila para bigyan ako ng problema.

"Naku, sinasabi ko sa 'yo, Safina, 'pag si Jessa nag-resign dahil sa katarayan mo, kawawa ka."

Inignora ko ang sinabi ni Marga. I didn't expect her to pay me a visit in my office this early. Wala ako sa mood makipag-usap sa mga tao. Kaya nga naiirita ako sa mga staff kong tatanga-tanga. They can't work without my supervision. Ang dami nilang mali-mali. Imbis tuloy na tahimik akong magpirma ng mga dokumento at check vouchers sa loob ng opisina ko'y kailangan ko pang lumabas para kausapin sila. I just want to work in peace. Why is it hard for them to give me one?

"Bakit kasi ang aga-aga mong pumasok? Come on, you're the boss. Magkakaroon ng customers ang flower shop mo nang wala ka. Kailangan mo ring mag-unwind from time to time, you know."

"Marga, please. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang flower shop na ito, 'di ba? Kaya hindi ko ito puwedeng pabayaan. You can go, kailangan ko nang magtrabaho."

"What?! Seriously? Alam mo bang gumising pa ako nang sobrang aga para lang dumiretso rito dahil ilang araw ka nang laging wala sa condo mo. May balak ka yatang tumira dito sa opisina mo kaya gabing-gabi ka na umuuwi lagi tapos ang aga-aga mong pumasok tuiwng umaga. Mantakin mo noong isang araw pinagalitan mo raw ang isa mong tauhan dahil late kahit hindi na man. Gaga ka, hindi 'yon late, maaga ka lang talaga pumapasok."

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon