CHAPTER 1

77.3K 2.1K 508
                                    

CHAPTER 1

"ARE YOU FUCKING KIDDING ME, MICALLER?!"

"Do I sound like bluffing your ass, Madrigal? Remember, you lost the bet. Kaya sa ayaw at sa gusto mo pupuntahan mo ang flower shop at bayaran mo lahat ng kakailanganing mga bulaklak para sa kasal ko."

"What's the use of your wedding planners? Why the heck would I need to go there myself?"

"I know you're trying to outsmart me, Madrigal. Hindi mo ako maloloko. Sasamahan ka ng isa sa mga staff ng wedding organizers. "

Tangina, ang sigurista talaga ng ulupong na 'to.

"Aish! Fine! Give me the damn address!"

"I already texted you the address. Check your inbox. Huwag kang papalpak. Madrigal. I want the best for my wedding day."

I snorted. Tuluyan na talagang nalason ng kabaduyan nina Montreal at Dela Vega si Micaller. Tanginang mga baliw sa pag-ibig, dinamay pa ako sa ka-corny-han nila. Aish!

"Makautos ka, ha. Sigurado ka bang sisiputin ka ni Heaven sa kasal n'yo?"

"Tangina mo! Tarantado!"

"Pft! Chill ka lang, Mical-"

Pft! I shook my head in disbelief. Sabi ko na nga ba, bababaan niya ako ng tawag. Ang bilis talagang mapikon ni Levi kapag nauungkat ang nakaraan niya. Minsan na kasi siyang hindi sinipot ng bride niya sa kasal, pft! Pero hindi pa rin nadadala ang puta, magpapakasal daw siya ulit kay Heaven niya.

It will be a surprise wedding. Hindi ko nga alam kung nag-propose ang ulupong na 'yon sa girlfriend niya. Lahat kami ay pinilit niyang mag-sponsor sa kasal niya. Hindi ako pumayag noong una kasi hindi ako pabor sa desisyon niya. Noong unang beses kasi siyang nagpakasal kay Heaven ay hindi siya sinipot ng babae kaya nagdalawang-isip ako.

Nagpustahan din kami kung alin ang nauuna-itlog o manok. Nautakan ako kaya natalo ako ng isa pa naming kaibigan-si Theo. Tangina, nagpalaro ba naman ng pangbobo si Micaller.

Apat kaming magkakaibigan simula pa noong high school-si Levi Micaller, Sid Dela Vega, Theo Montreal at ako.

Sa aming apat, ako ang pinagpala ng kaguwapuhan at kakisigan. Si Theo, nadala lang sa katalinuhan 'yon kaya mukha siyang guwapo. Si Sid naman ay mukhang guwapo lang sa paningin ng mga babae kasi mayaman siya at marami siyang perang pangpakinis ng balat. Si Micaller naman mukha lang naman siyang guwapo kasi malinis siyang manamit. Dati kasi siyang doktor pero dahil nag-retire na si Tito Fausto, siya na ang humalili sa posisyon niya sa ospital.

Sa totoo lang, naambunan ko lang naman ng kaguwapuhan ko si Micaller kasi dikit siya nang dikit sa 'kin. Sabi nga ni mommy dati noong buhay pa siya-chick magnet daw ako kaya lagi raw akong mag-iingat.

Safina's Garden.

Iyon ang pangalan ng flower shop na pupuntahan ko. Ilang beses ko nang naririnig kina Theo at Sid ang nasabing flower shop. Siguro doon sila bumibili ng mga bulaklak na ibinibigay nila sa kanilang mga asawa.

Pareho nang kasal sila Theo at Sid. Buntis na iyong asawa ni Theo na si Arianne samantalang buntis na sa kanilang pangalawang anak ang asawa ni Sid, sharp-shooter talaga ang Dela Vega na 'yon. Hindi naman nagpahuli si Levi, ang hayop hindi pa nga sila ikinakasal ni Heaven binuntis na niya agad. Siguro takot siyang maiwan ulit kaya tinaniman na si Heaven. Hari talaga ng mga desperado ang ulupong na 'yon.

Buti pa ako pa-chill chill lang sa buhay. Hindi naman ako naiinggit sa kanila, 'no. There are lots of women willing to satisfy me every night. Ako na nga lang ang umaayaw, e. Nakakapagod din kayang mag-push ups gabi-gabi. Hindi ko na nga kailangan mag-work out. My six packs abs are still visible effortlessly. Hindi lang nila alam, sexercise is the best work out, masarap na, pinagpapawisan ka pa.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon