CHAPTER 22

27.7K 1.2K 314
                                    

CHAPTER 22

"WOAH! You look like a goddess, Sissy!" Sophie exclaimed as she examined me from top to toe.

I snorted. As if bago sa kanya ang ganitong get up. It's a deep V-neck red dress matched with a red stiletto. Marga curled my hair into big waves. I completed my look with a killer red lipstick and dangling gold earrings.

"What can you say about my creation?" Marga came in. Unlike Sophie, she's wearing a plain V-neck shirt paired with skinny jeans. Cross-dressing isn't really her thing.

"Perfection!" Sophie and Rufa replied in unison. Napailing ako sa kalokohan nila. Pumayag na lang din ako kasi gusto ko rin namang magliwaliw kahit saglit lang. Maybe I should start forgetting my dream to be with a man I ever dreamt to be with for the rest of my life. It will remain a dream forever, after what happened.

"So, ano, Sissy? Are you ready to crash a wild party?" Sophie queried naughtily.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta? Akala ko ba sabi n'yo magba-bar lang tayo?" I replied glaring at them. Parang hindi ko kasi gusto ang mga ngiti nila. Pakiramdam ko may gagawin silang kalokohan.

"You will know once we get there!" Rufa answered winking at me. Saglit tuloy akong kinabahan. Naku lang talaga kapag may ginawa silang kalokohan pagbubuhulin ko silang tatlo.

We used Marga's car again. Ayaw talaga nilang gumamit na lang ng kanya-kanyang kotse dahil baka ibang bar daw ang mapuntahan ko at baka raw magbago ang isip ko't umuwi na lang. Na hindi malayong mangyari.

"Siguraduhin n'yo lang na hindi kayo maglalasing. Ayokong magbuhat ng mga lasing mamaya. Ang bibigat n'yo pa naman," untag ko nang makasakay na kami sa kotse.

"Calm your heart, Sissy, kasi hindi naman tayo pupunta roon para maglasing. Ano ka ba! Pupunta tayo roon para magpalaway ng leon."

"Ano?!" hindi-makapaniwalang tanong ko kay Marga. Tumawa lang siya.

"Joke lang, Sissy! Ano ka ba, trust us! Hindi kami papayag na buburuhin mol ang sarili mo sa unit mo, 'no. You deserve to be happy, after all. Kaya chill ka lang diyan."

I just rolled my eyes at them. I just replied to Jessa's message when I read it. May na-hire na raw siya kaninang kapalit ng nag-resign naming staff. Buti naman dahil ayaw kong ma-delay ang mga purchase orders ng mga malalaking customers ng shop.

"We're here!" Marga announced as soon as she stepped on the gas.

Napanganga ako nang mag-park siya sa pamilyar na lugar. Halos nabato ako sa backseat, katabi ni Sophie.

"What the hell are we doing here?" I almost yelled at them, but they just grinned.

Sophie held my hand. "Sissy, we are helping you to move on. At magagawa mo lang 'yon kung haharapin mo ang multo ng iyong nakaraan. You need atleast a closure, haler?"

"Sophie's right, Safina. Confront him and ask him. Atleast kapag nalaman mo na kung ano'ng dahilan niya, puwede ka nang magsimula ulit ng buhay na wala siya. Paano ka niyan makaka-move on kung araw-araw mong tatanungin ang sarili mo kung bakit niya nagawa 'yon sa 'yo? You deserve atleast a decent explanation," Marga added.

I heaved out a sigh. Tiningnan ko sila isa-isa bago marahang tumango. Right, I've been asking myself the same question every night. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niyang effort para sa akin, paano niya ako nagawang talikuran sa mismong araw ng kasal namin?

"Pero puwede ko naman siyang kausapin sa ibang lugar, hindi ba? Puwede ko naman siyang puntahan sa opisina niya—"

"Ang tanong, kaya mo ba siyang puntahan?" Marga countered. Muli akong napabuntonghininga. May punto kasi siya.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon