CHAPTER 9

26.4K 1.1K 283
                                    

CHAPTER 9

I AM NOT ASSUMING but I can strongly sense that Safina's giving in to me. Nakikita ko sa mga mata niyang parang may gusto siyang sabihin sa 'kin. Siguro gusto niyang sabihin na nahuhulog na siya sa akin. Kaya lang nahihiya siya. Talk about the gender norm.

Katulad ngayon, hindi siya nagsasalita pero kanina ko pa nararamdaman na nakatitig siya sa akin at parang binabantayan niya ang bawat galaw ko. Sinong hindi magdududang nagkakagusto na siya sa 'kin?

Tumikhim ako at ibinaba ang kubyertos na hawak ko.

"You should start eating your food. Hindi ka pa nakakakain magmula nang umalis tayo ng Metro. You all have the time to stare at me later, babe."

Napaayos siya ng upo at pagkuwa'y nagsalubong ang kanyang mga kilay. Her nose wrinkled.

"Asa."

She immediately picked up the spoon and fed herself, shifting her gaze at the panoramic view of Busay mountains. I rented the whole Serenity Farm and Resort for two days just for us. Gusto kong ma-solo siya ngayon. I also want to spend this day just for her.

"Seriously, bakit ang hangin mo? Ipinaglihi ka ba ng nanay mo sa buhawi?" pagkuwa'y sabi niya.

I felt my chest suddenly tightened. Napahigpit din ang hawak ko sa kutsara't tinidor.

I missed my mom so much.

Tama si dad. Minsan sumasagi sa utak ko na tama nga talaga ang hukluban kong ama. Kasalanan ko kung bakit nawala si Mommy. If it's not because of my existence, she could have saved her life from that fcking plane crash.

"You okay?"

I blinked twice when I felt Safina's fingers tapping mine. Bigla akong nawalan ng ganang kumain kaya naibaba ko ang hawak kong kubyertos. Uminom na lang ako ng tubig. Siyempre sinadya kong bagalan para kitang-kita ni Safina kung gaano ako ka-hot lumunok.

"I'm perfectly fine, babe." Kinindatan ko siya. Inikutan niya ako ng mga mata. Good thing hindi na siya nagpo-protesta sa tuwing tinatawag ko siyang babe. Siguro na-realize niyang nakakakilig palang pakinggan.

"Maraming salamat sa pagdala mo sa 'kin dito, Elliot."

Her voice suddenly became serious and for the first time, she gave me a sincere smile. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Damn it, she's so damn gorgeous when she smiles at me like that.

"Glad you liked idea of me bringing you here, babe. Believe me or not, ikaw pa lang ang babaeng nadala ko rito."

She blushed.

"T—thank you." Napangisi ako.

Why, Safina? Akala mo ba ay hindi ko kayang mag-seryoso sa isang babae?

"Do you like the view right now?" I asked, pretending that I did not notice her blushing.

"Sobra. Napaka-relaxing sa mga mata tingnan ang mga luntiang bahagi ng bundok."

"I actually thought of it. Alam ko kasing mahilig ka sa mga plants dahil sa negosyo mo. Kaya naisipan kong dalhin ka rito. Besides, this place is quite memorable to me. Cebuana kasi ang mommy ko."

"Oh!"

She covered her eyes with her one hand.

"Yeah."

I stared back at the Busay mountains; my mom's favorite view. Kung hindi lang siguro nawala si mommy malamang na dito ulit kami magsi-celebrate.

"You exactly have the same impression with my mom when she first saw that mountains. The sight was giving her a peace of mind. Mahilig din siya sa mga pananim kagaya mo." I suddenly remembered how fascinated mom was with green mountains. She even made a lot of aquarium gardens and forest aquarium in our house.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon