CHAPTER 32

31K 1.2K 179
                                    

CHAPTER 32

"HUHULAAN ko kung ano'ng iniisip mo. Mahal ka pa ba ni Madrigal o nami-miss ka ba ni Madrigal? Alin sa dalawa?"

I heaved a sigh. Kanina pa talak nang talak si Marga sa aking harapan. Nauna siyang dumating kaysa kanila ni Sophie. Madalas nila akong sinusundo rito sa shop at sinasabayan akong mananghalian. May malapit kasing mall dito.

"For the record, pang-sampung buntonghininga mo na 'yan simula nang dumating ako rito," tili niya. I can sense the sarcasm in her voice.

I stared at her questioningly. "Oo, binilang ko talaga!" aniya.

Naikuwento ko sa kanila ang nangyaring pag-uusap namin ng ama ni Elliot. Nagulat sila katulad ko. They also blamed me for not telling about the mysterious box I've received a month ago. Na ngayon nakatitiyak akong galing kay Beatrice.

"Alam mo kung ano'ng problema sa 'yo? Nagdedesisyon ka kapag galit ka. Ang resulta, nagiging inconsistent ka. Can you please set the record straight? Mahal mo pa ba siya?" maanghang niyang tanong.

I was caught off guard. Napatulala ako kay Marga nang ilang segundo.

"Ano? Sa akin ka pa ba talaga mahihiyang umamin? Alam mo namang wala akong ibang gusto kundi ang sumaya ka, 'di ba? Kaya nga sinusuportahan kita sa lahat ng desisyon mo."

I sighed for the eleventh time. "Marga, kasi..."

"Okay, fine. Ganito na lang. Hindi ka ba makatulog gabi-gabi sa kaiisip sa kanya?" tanong niya.

Tumango ako nang marahan. There's no point in denying anyway. Marga's right, anger can really destroy someone's ability to decide accordingly.

"Lagi mo bang tinatanong ang sarili mo kung naiisip ka niya o nami-miss ka niya?"

Muli akong tumango.

"Gusto mo bang ilibing nang buhay ang mga babaeng umaaaligid sa kanya?"

Nakangiwing tumango ako.

"Natatakot ka ba na baka sumuko na nga siya dahil hindi ka na niya sinusuyo?"

I nodded painfully. I felt a tear escaped from my eye. Agad ko iyong pinahid.

"Confirmed! Mahal mo pa nga siya! Gaga ka talaga, pinahirapan mo pa ako kaiisip ng mga tanong!" maarteng tili niya. Tinaasan pa niya ako ng kilay at inikutan ng kanyang mga mata.

"Ano'ng nangyari sa sumpa mong itinaga sa bato? Hindi tumalab, 'no?" pang-aasar niya.

"Tingin mo ba magbabago pa siya? I already tried, Marga. Been there, done that. Minsan na akong na akong naniwala sa mga pakulo niya kaya hindi niya na ako maiisahan. At sa pagkakataong ito ay wala na siyang puwang sa puso!" panggagaya niya sa mga sinabi ko noon. She even acted like she's mad.

"Nagpunta ka ba rito para damayan ako o para asarin ako?" hindi ko napigilan magreklamo. Tumawa siya nang malakas.

"Both!"

Umismid ako. Kinuha ko ang aking cellphone nang makitang umilaw iyon. Sumandal ako sa swivel bago binuksan ang mensahe. Napangiti ako. The message was from Gavin.

I immediately sent a reply to his message.

"At talagang nagawa mo pang ngumiti riyan! Sino ba 'yang ka-text mo? Si Gavin ba 'yan? Kingama, Safina. Huwag mong sabihing pinapaasa mo 'yong tao?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Gavin's just a friend, Marga."

"Friend?" eksaheradang tanong niya. "Akala mo ba hindi namin alam na napapadalas ang paglalabas ninyo? Akala ko ba si Elliot ang mahal mo? Ang gulo mong kausap, girl! Mas magulo ka pa sa nagkandabuhol na sinulid! Umayos ka kundi ako mismo ang magbubuhol sa inyo ni Gavin kahit ang macho niya!"

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon