CHAPTER 7

30.5K 1.2K 274
                                    

CHAPTER 7

SHE tastes like heaven!

I scooped her face and pressed myself against her body. Hindi nga ako nagkamali. She has the softest lips I've ever tasted. She gasped when I slightly bit her lower lip. Naramdaman ko ang bahagya niyang paghawak sa balikat ko ngunit agad niya ring binawi ang kanyang mga kamay. Wala pang dalawang segundo ay naramdaman ko na ang hagupit ng kanyang palad sa aking pisngi.

"Bastos!"

Damn it! Pumaling ang aking ulo at nasapo ko ang aking kaliwang pisngi.

"How dare you!"

Shit! Ang sakit no'n, ha. Pakiramdam ko kumaway sa akin nang panandalian si San Pedro sa sakit ng kanyang sampal. Pulang-pula ang kanyang mukha sa galit kaya't napaatras ako. Tangina, siya pa lang ang kauna-unahang babaeng nakasampal sa akin. I used to end up in bed everytime I kiss a woman.

Bahagya kong minasahe ang aking pisngi saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Hobby ba niyang magalit at manampal?

I grinned when my eyes landed on her slightly swollen lips. I can't believe I have kissed those soft red folds. Ang sarap niya ulit sunggaban kung hindi lang siya nakatingin sa akin ngayon nang sobrang sama. Parang anumang segundo ay sasakalin niya na ako.

"You're blushing, babe." Kinindatan ko siya ngunit lalo siyang nanggalaiti.

"Lumayas ka na nga sa harapan ko, Madrigal!"

"Aalis lang ako rito kapag papayag ka nang makipag-date sa 'kin. You have to make it up to me for ditching me yesterday."

Nagusot ang kanyang mukha sa sinabi ko pero hindi iyon nakabawas sa kanyang kagandahan. Nakakabakla mang sabihin pero - shit! Ang cute-cute niya!

"Wala ka ba talagang kadala-dala, Madrigal?" She shook her head repeatedly.

"Araw-araw kitang guguluhin kapag hindi ka pumayag o kapag hindi mo na naman ako sisiputin. Pinapangako ko 'yan."

Pukingina! Kailan pa naging mahaba ang pasensya ko? I've always been impatient. Lalo na pagdating sa babae. I'm not used to rejections. I always get what I want. Pinapahanga ako ng babaeng ito. I wonder kung saan siya ipinaglihi ng nanay niya. Tss.

Malamang sa buto ng santol. Sintibay ng bakal at sintigas ng bato.

"Kapag ba pumayag ao ay lulubayan mo na ako?"

Saglit akong natigilan sa kanyang tanong. Hindi ko magagawa iyon. I'm trying my very best to make her fall for me. Kaya hindi maaaring tigilan ko siya.

"I won't promise you that, but let's see what happens, babe."

She breathed heavily as if trying to hold her temper. Kailangan ko talagang turuang maging grateful ang babaeng ito. Hindi man lang marunong mag-appreciate ng effort galing sa isang tulad ko. Hindi ba niya alam na rare ako sa mundo? Wala na siyang mahahanap na kasing-hot ko at kasingbait. May buenas pang abs na puwede niyang pagpantasyahan hangga't gusto niya.

"Fine, pumapayag na ako. Pero tandaan mo, hinding-hindi mo na ulit ako guguluhin pagkatapos nito."

I smiled in response. Ayaw kong kontrahin ang sinabi niya dahil baka magbago ang kanyang isip. Sisiguraduhin ko na lang na pagkatapos nitong date namin ay masusundan ulit iyon. Maraming-maraming kasunod.

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon