Kabanata 24

12K 231 7
                                    

Kabanata 24

Fever

Nang makarating na kami sa parking lot ng condo niya at hinila niya ako pero pilit ko siyang pinipigilan.

"Grayson, uuwi na ako ngayon! Ayoko dito!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at pinatuloy lamang ang paghila sa akin.

"Grayson! Sabi ko uuwi na ako!" Patuloy kong sigaw sa kanya at wala na akong pakialam kung naiingayan na ang mga tao sa akin basta makauwi lang ako at makaalis dito sa lugar na 'to.

"Ang ingay mo!" Galit nitong sabi at nagulat ako ng pinangko niya ako kinarga ng parang sako kaya doon ako mas lalong nainis sa kanya.

"Grayson, bitawan mo ako! Lagot ka sa akin kapag nakawala ako dito!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin hanggang sa makapasok na kami sa elevator ay hindi niya pa rin ako binababa.

"Grayson, Ibaba mo na ako, ngayon na!" Sigaw ko at nagulat ako ng tinampal niya ang pwet ko kaya nainis ako ng sobra sa kanya.

"Just behave, okay?" He said and I saw him smirked at me kaya nanggigil ako sa sobrang  inis. Tuluyan na niya akong ibinaba ng makapasok na kami sa condo niya. Pagkababa niya sa akin ay inayos ko ang aking buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Let's talk" malamig niyang sabi kaya masungit ko siyang tiningnan.

"Ano bang pag-uusapan natin at kailangan pa na dito?"

"Are you mad at me? Sa pagkakaalam ko ikaw ang may kasalanan sa akin." Galit nitong sabi kaya tumawa ako ng bahagya. Anong pinagsasabi niya? Ako pa talaga ang may kasalanan sa kanya?

"I don't know what are you talking about, as far as I know, ikaw ang may kasalanan sa akin." Galit ko ring sabi sa kanya.

"When? Wag mong ibabaliktad sa akin because I saw you yesterday with that boy again, who's that name again?" Galit nitong sabi kaya seryoso akong tumingin sa kanya. So, ito pala ang sinasabi niyang kasalanan ko? Eh.. Parehas lang rin naman kaming may kasamang ibang tao sa araw na 'yon pero iba 'yong sakin kasi kaibigan ko lang si Luis.

"Oh.. Anong problema 'non? May kasama ka rin naman diba?" Seryoso kong sabi.

"No, we're just only--"

"Ano ba Grayson! Pagod na pagod na ako! Palagi nalang bang ikaw ang tama at pwedeng makasama yong ibang babae? Paano naman ako? Kaibigan ko lang si Luis at hindi ko alam kung niloloko mo lang ako eh! Pag ikaw okay lang sayo na may kasamang babae pero ako hindi?!" Sigaw ko sa kanya at hindi ko namalayang tumulo na pala ang luhang pinipigilan ko kanina. Nanlumo ang mukha ni Grayson ng makita akong umiiyak kaya napahagulgol ako.

Bigla siyang lumapit sa akin at hinaplos ang aking mukha. Unti-unti niyang pinunasan ang luha ko pero walang tigil pa rin itong tumutulo.

"Stop crying, I'm not mad at you, okay?" Pagpapatahan nito kaya tinulak-tulak ko siya papalayo sa akin pero mabilis ang kilos nito dahil niyakap niya ako.

"A-Ang sama mo G-Grayson.."

"Yes, I'm a bad person, please.. Stop crying." Sabi nito habang hinahaplos nito ang aking buhok at sabay hinalikan ang aking noo.

"Tahan na, Hindi ako galit sayo." Sabi nito kaya napayuko ako at nagulat ako ng hinalikan niya ang aking pisngi kong saan tumulo ang luha ko kaya lalo akong napaiyak at niyakap siya.

"I miss you.." Sambit ko sa gitna ng aking pag-iyak. Naramdaman kong natawa ito ng bahagya at niyakap ako ng mahigpit.

"Na miss ako ng baby ko, I miss you too." Malambing nitong sabi kaya hinigpitan ko lalo ang pag-yakap sa kanya at parang ayoko ng lumayo sa kanya.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن