Kabanata 22

12.2K 254 8
                                    

Kabanata 22

Tears

Nang makarating na kami sa library ay ako na sana ang magtatanong sa librarian kung saan kami magsisimula pero naunahan na ako ni Luis kaya hinayaan ko na lamang siya.

"Don muna daw tayo sa second floor dahil wala ng gumagamit sa palapag na 'yon." Sabi nito sa akin kaya napatango ako at sumunod sa kanya.

"Sariah, pwede bang magtulungan tayo dito? Para matapos agad natin." Nahihiyang tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Why not? Nandito ka para tulungan ako, diba?"

"Ahmm.. Akala ko ayaw mo akong kasama." Nahihiya nitong sabi kaya napangiti ako sa kanya.

"Ano ka ba naman Luis! Masaya nga ako na may kasama ako dito at mapapabilis pa ako dahil may kasama ako." Nakangiti kong sabi. I saw him blush and smile at me.

"Wait.. Why are you with me? May ginawa ka bang mali ha?" I asked him for that because I'm curious why he's here and I know that he's not a kind of person na may ginagawang masama. He's a good man.

"Ahmm.. I asked Ma'am if I can help you to do this and at the same time, I don't have so much work to do in my house that's why I request to help you." Nahihiyang sambit nito kaya napangiti ako ng palihim dahil kahit hindi kami masyadong nagkakausap ay tinurin ko siyang malapit na lalaking kaibigan sa akin.

"Thank you so much for your effort to help me with this." I said and smiled at him. We decided na ipagpatuloy yong naudlot naming ginagawa.

After an hour. Natapos na rin kami kaya agad naming niligpit ang aming gamit at nagpaalam na kami sa librarian. Nagkwekwentuhan lang kami hanggang sa makalabas na kami sa gate. Gabi na rin pala at wala na akong masasakyan dito kapag ganitong oras kaya kailangan kong pumunta sa kabilang kanto para makasakay sa mga nakaparadang tricycle doon.

"Wait.. Saan ka sasakay? Sumabay kana sa akin nandoon si manong at dadaanan nalang namin ang bahay niyo." Sambit nito sabay turo sa pwesto ng kanilang sasakyan pero agad akong napailing sa kanya.

"Wag na, ang laki na ng tulong mo sa akin ngayon at magpapahatid pa ako, nakakahiya.."

"Wag ka nang mahiya ayokong maiwan ka dito habang naghihintay sa masasakyan mo." Sabi nito pero tumutol ako sa kanya. Sa gitna ng aming pagtatalo ay tumunog ang cellphone ko kaya parehas kaming napatingin dito at nahihiyang tumingin ako kay Luis.

"Excuse me, sasagutin ko lang ito." Sabi ko sa kanya at tumango naman ito. Medyo lumayo ako sa kanya at tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Grayson. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag nito.

"He---"

"What are you doing? Don't you ever agree to that boy!" Seryoso nitong sabi na nagpataas ng balahibo ko. Seryoso ito at nandito siya.

"O-Okay.." Nauutal kong sabi at agad kong binaba ang tawag. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng takot na aking nararamdaman. Ngumiti akong lumingon kay Luis at nilapitan siya.

"Sino 'yon?" Agad nitong tanong sa akin.

"Ahmm.. Si mama, may susundo sa akin ngayon kaya mauna ka nang umuwi." Pagsisinungaling ko sa kanya. Patawad, kung nagsisinungaling ako ngayon.

"Are you sure?" Ulit nito at tumango ako sa kanya.

"Yes, sige na mauna kana." Pagtataboy ko sa kanya kaya wala na itong nagawa kundi mauna na.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now