Kabanata 12

15.5K 330 3
                                    

Kabanata 12

Confused

Agad akong umupo sa kama nito at tiningnan siya. Napangiti ako dahil parang nahihiya itong humarap sa akin.

"Nahihiya ka ba sa akin?" Nakangisi kong sambit at nakita kong napasimangot ito.

"N-no.." bulong nito.

"Kung hindi ka nahihiya, humarap ka sa akin."

"Ayoko" pagmamatigas nito kaya hinawakan ko ang kanyang balikat at niyugyog ito.

"Dali na.." Pagpupumilit kong sabi kaya napangiti ako ng makitang humarap ito sa akin.

"Ang pangit mo na." Natatawa kong sabi. Umirap lang ito sa akin.

"Joke lang hahaha.. Tayo na, kailangan mo nang kumain." sambit ko sa kanya pero hindi kumilos kaya no choice ako kundi hilain siya at nakita ko namang nagpahila ito sa akin.

"Ayusin mo nga ang sarili mo! Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ko sa kanya kaya napaiwas ito ng tingin.

"W-wala akong gana." Bulong nito. May sasabihin pa sana ako ng may kumatok kaya agad kong binuksan ang pintuan.

"Ito na po ang meryenda ninyo."

"Salamat po." sambit ko at agad kong tinanggap ang binigay sa akin. Umalis na rin ito kaagad kaya pumasok na ulit ako sa kwarto nito.

"Ito, kumain ka..." sambit ko at ibinigay sa kanya ang pagkaing ibinigay ng katulong kanina.

Ayaw nitong tanggapin kaya todo kong pinipilit na ibigay sa kanya ito at dahil sa aking pamimilit ay wala na itong nagawa kundi ang kunin ang binigay ko sa kanya.

"Nasabi na sa akin ng mommy mo kung bakit nag kakaganito ka." Nakatingin kong sabi at nakita kong napatigil ito. I saw her schocked face.

"W-what d-did y-you s-say..?" she said.

"Your mom told me that you are going to state when you are in 3rd year college, right?" I said and she murmured something but I can't hear it so, I don't get what she's trying to say.

"What?" Tanong ko sa kanya at gulat itong napatingin sa akin.

"Y-yes.." Nauutal nitong sabi kaya huminga ako ng malalim at hinawakan ang kanyang balikat.

"Don't be sad because I know there are other ways to convince your mom if you want to stay here, okay?" I said and I see her smile but its different. She's not totally smiling parang may kasama itong lungkot.

"Pumasok ka na bukas at malapit na ang finals natin kaya kailangan mong humabol sa na miss mong lesson ngayong araw."

"Okay." Nakangiti nitong sabi.

"Sige, uuwi na ako." Pag-papaalam ko sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Dito kana mag dinner."

"Wag na, doon nalang ako--"

"Pwes, hindi ako kakain ngayon." Sambit nito kaya naiirita akong tumingin sa kanya.

"Ang kulit mo talaga!"

"Ikaw kaya ang makulit!" Napahinga ako ng malalim.

"Okay, dito na ako kakain, are you happy?"sarcastic kong sabi at tuluyan na itong ngumiti.

Hindi nagtagal ay tinawag na rin kami ng kanilang kasambahay para kumain kaya agad na kaming bumaba at nakita kong tumutulong si tita Lorraine sa pag aayos ng pagkain.

"Buti bumaba kana Leanne, si Sariah lang pala ang kailangan mo." Nakangiting sabi ng mommy niya at lumapit agad si Leanne sa kanyang mommy.

"I'm sorry ma.."

"Its okay, umupo na tayo para makakain na." Sambit ng mommy ni Leanne kaya agad na rin kaming umupo at nagsimulang kumain.

Sa gitna ng aming pag uusap habang kumakain ay natanong ni Leanne kung kailan  darating ang daddy niya.

"Maybe tommorow, why? Do you want him to buy something for you?" Tanong ng mommy niya. Ngayon ko lamang napansin na wala nga pala ngayon ang daddy niya, siguro ay nasa business trip ito ngayon. Palaging busy ang mga magulang nito kaya palaging naiiwan dito si Leanne.

"Next time nalang po." Nakangiting sabi nito. Ang swerte ni Leanne sa mga magulang nito dahil napaka sweet ito sa kanya kahit na palagi siyang naiiwan dito. Hindi ito nagkulang sa pagmamahal at atensyon dahil araw araw itong kinakamusta si Leanne kapag nasa business trip ito.

"Hija, tapos ka na bang kumain?" Tanong nito kaya napatingin ako kay tita Lorraine.

"Ah.. Opo, pwede na po ba akong umuwi? Baka hinahanap na ako nila nanay."

"Oh.. Its already 8:00pm." sambit ni Leanne at agad itong napatayo.

"Mommy, sasamahan ko po muna si Leanne sa labas at ipapahatid ko siya sa driver natin."

"Okay sige, ingat sa pag-uwi." sambit nito at niyakap ako kaya ngumiti ako sa kanya.

"Thank you po." sabi ko at agad na kaming pumunta sa garahe nila upang ihatid ako.

"Sorry, Hindi na kita ma sasamahan sa paghatid, may kailangan pa kasi akong gawin." Malungkot nitong sabi.

"Okay lang. Pasok kana bukas ha.."

"Oo naman." Nakangiting sabi nito at nang nasa labas na ang sasakyan nila ay tuluyan na akong sumakay at nag paalam sa kanya.

"Ingat ka Sariah!" Sigaw nito kaya tumawa na lamang ako.

Habang papalapit kami sa aming bahay ay may naaninag akong nakaparadang kotse sa harap ng bahay namin at bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala ito.

"M-manong.. D-dito n-nalang p-po.." Nauutal kong sambit.

"Malapit na tayo, dito ka nalang ba?"

"Opo." sambit ko kaya agad naman itong hininto. Hindi ko na hinintay si manong na lumabas at pag buksan ako.

"Salamat manong! Ingat po!" Pag papaalam ko at nakita kong tumango ito at agad nang umalis.

Nang makalapit na ako sa bahay ay huminto ako sa gilid at hindi ko hinayaang makita niya ako. Nakita kong pinag masdan muna nito ang aming bahay. Akala yata nito ay nasa loob na ako. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina kaya nakaramdam ulit ako ng sakit sa aking dibdib.

Nakita kong sumakay na ito sa kanyang sasakyan pagkatapos nitong pag masdan ang bahay namin. Bakit ito pumunta dito? Tapos na ba sila ng babae niya? O ngayon lang niya naisip na hinintay ko siya kanina? Pakiramdam ko ay parang may nakadagan sa aking dibdib sa isiping kinalimutan niya ako dahil sa babaeng 'yon.

Importante ba ito sa kanya? o nobya nito ang babae? Kung ganon nga bakit pa ito lumalapit sa akin o ako lang ang nag aassume Dahil sa pinapakita nito sa akin. Bumuntong hininga na lamang ako at ngumiti. Hindi ko nalang iisipin 'yon dahil baka masaktan lang lalo ako.

**
MsGishLin

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon