Kabanata 8

16.9K 367 5
                                    

Kabanata 8

Jealous

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. Pagkatapos kong gawin ang pinapagawa niya ay hinatid niya pa ako sa bahay kaya hindi ko mapigilang mahiya na hinatid niya pa ako pero mapilit siya kaya wala na rin akong magawa kundi magpahatid sa kanya. Hindi ko rin mapigilang kiligin na hinatid niya pa ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin ngayon basta ang alam ko sa sarili ko na masaya ako sa mga nangyayari.

"Uyy.. Sariah! Ang saya natin ha! Kanina ka pa ngumingiti!" natatawang sambit ni Leanne. Nandito na kami ngayon sa room namin at maya-maya ay pupunta na dito si ma'am Claurico.

"Wala! Masaya lang ako!" Natatawa kong sambit at nagulat ako ng bigla ako nitong pinaharap sa kanya at tumaas ang kanyang kilay.

"May Hindi ka sinasabi sa akin no..? O baka may manliligaw kana kaya ganyan ka." sabi nito kaya agad akong umiling sa kanya.

"Ano ba 'yang iniisip? Wala akong manliligaw at masama bang maging masaya ngayon?"

"Okay, sige na pero kapag nalaman ko yang sekreto mo, lagot ka sa akin!" Natatawa nitong sabi kaya napailing na lamang ako sa kanya. Agad rin kaming tumigil sa pagkwekwentuhan ng nakarating si ma'am.

Habang nag liligpit ako ng aking gamit dahil naghahanda na kaming umuwi ay napansin kong hindi mapakali si Leanne kaya tumingin ako sa kanya.

"Anong nangyayari sayo?" Tanong ko at tila nagulat ito ng magsalita ako.

"A-ah.. Pwede bang mauna na ako? Kanina pa pala naghihintay sila mommy sa akin." Sambit nito kaya agad akong tumango sa kanya.

"Oo naman, kaya ko na ang sarili ko. Mauna kana at uuwi na rin naman ako." Sambit ko at malungkot itong nag paalam.

Nang matapos ko nang iayos ang aking gamit ay lumabas na rin ako sa classroom. Nagulat ako ng makita si Grayson at Ewan ko ba sa sarili ko dahil agad akong tumalikod dito at sa iba nalang ako dadaan.

"Ms. Cornello!" Bigla akong napatigil at napapikit. Iiwasan ko sana siya. Nahihiya pa rin ako sa pinaggagawa ko kahapon.

"B-bakit.. P-po.. S-sir?" Nauutal kong sabi. Sumenyas ito sa akin na kailangan kong lumapit sa kanya kaya wala na akong magawa kundi lumapit sa kanya.

"Are you trying to escape?" matiim itong nakatitig sa akin na nagpakaba sa akin.

"H-hindi p-po.. S-sir.." Kinakabahan kong sabi.

"Sasama ka sa akin."

"P-po... S-saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa condo." Sambit nito at tumalikod na sa akin. Ano na naman ang gagawin ko doon? Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Napatigil ako sa likod ni Grayson ng makita si mam Jeycel na kinausap nito si Grayson.

"Where are you going, sir? Uuwi ka na ba?" nakangiti nitong sabi pero para sa akin ay iba ang ang ngiti nito parang may halong pakikipag landian. I know na maraming nagkakandarapa Kay Grayson dahil sa taglay nitong kagwapuhan at single pa ito kaya Hindi malabong pati itong si mam Jeycel ay may gusto sa kanya.

"Oh.. Tamang tama, uuwi na rin ako, gusto mo bang sumabay?" nakangiting nitong sambit kaya napanguso ako. Halatang halata naman na may gusto ito kay Grayson.

"Thank you, but I have something to do with Ms. Cornello." Magalang nitong sabi at nakita kong nawala ang ngisi nito at gulat na napatingin sa akin. Ngayon niya lang yata ako nakita dahil busy naman ito kay Grayson.

Nakita kong ngumiti sa akin si maam Jeycel pero hindi katulad ng ngiti niya Kay Grayson.

"Oh.. I'm sorry.. Mauna na ako." sambit nito at parang napahiya ito ng tanggihan ito ni Grayson kaya sekreto akong napangisi.

"Bye, Maam!" Nakangiti kong paalam sa kanya at ngumiti lamang ito sa akin.

"Let's go." usal nito kaya sumunod na ako sa kanya.

Pagkarating namin sa condo niya ay iniwan niya muna ako sa sala at magbibihis daw muna siya sa kwarto nito. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko dito at wala Naman siyang sinabi nong papunta kami dito.

Napatingin ako sa mga picture na naka display sa sala nito. Napangiti ako ng makita ko ang litrato ni Grayson nong bata pa siya. Kahit nong bata pa talaga si Grayson ay gwapo na ito at nakita kong nakasimangot ito. Siguro ayaw niya talagang mag pa picture noon at napilitan lang siya. May nakita rin akong mga litrato ng kanyang magulang. Totoo talagang nag iisa lang siyang anak kaya sobra yatang spoiled ito noon hanggang ngayon.

Nahagip ng tingin ko ang isang litratong may kasamang lalaki si Grayson at kamukha niya ito. Hindi pamilyar ang mukha nito at hindi ko pa siya nakikita sa kanila.

"What are you doing?" Nagulat ako ng mag-salita si Grayson sa likod ko kaya bigla kong ibinaba ang litratong kinuha ko. Humarap ako sa kanya.

"Sino yung kasama mo dito?" Bigla kong tanong habang tinuturo ko ang litratong tinitingnan ko kanina.

"Why?" Malamig nitong sabi.

"Wala lang, kasi mag kamukha kayo." nakangiti kong sabi.

"He's my cousin." Nagulat akong tumingin sa kanya. May pinsan pala siyang kamukha?

"Really?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Why? Do you like him?" Malamig nitong sabi kaya napangisi ako.

"Grabe ka naman Sir, hindi no.. Tinatanong ko lang.." Nakangisi kong sabi at nakita kong tumalikod ito sa akin at hindi ko alam sa sarili ko ng sumunod ako sa kanya papunta sa kusina.

"Nasaan siya ngayon? Nandito ba siya ngayon? Hindi kasi pamilyar ang mukha nito sa akin." Tanong ko sa kanya at mas lalo akong napangiti ng makitang napasimangot ito sa akin.

"Nag-aaral siya ngayon sa school na pinapasukan mo ngayon." Iritadong sagot nito.

"Wow.. Really? Bakit hindi ko siya nakikita?" nakangiti kong sambit. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa pag uusap namin ni Grayson.

"Ofcourse! Nasa ibang building siya." Mas iritadong sambit nito.

"Ah.. Anong course niya?"

"Architecture" sambit nito.

"Ah.. Kaya pala.."

"Are you now satisfied?" naiiritang tanong nito kaya napatango na lamang ako. Tumalikod ito sa akin kaya doon ko lamang linabas ang ngiting pinipigilan ko kanina.

Nag seselos ba ito? Hindi ko pa rin mapigilang mapangiti sa isiping nagseselos nga ito. Ganito pala siyang mag selos at mas lalo yata akong mahuhulog sa kanya kapag tama ang hinala kong nag-seselos ito.

***

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon