Kabanata 39

10.3K 190 0
                                    

Kabanata 39

Confuse

Nakarating na kami sa mall at nabigla ako ng hinawakan ni Grayson ang aking kamay kaya napangiti ako. Kinilig ako sa paghawak niya habang naglalakad kami sa loob ng mall. Kung pwede lang tumili ay ginawa ko na pero hindi pwede nakakahiya eh nandito pa kami sa mall at kasama ko pa siya. Siguradong aasarin ako nito kapag nalamang kinikilig ako.

"Gusto mo bang kumain muna tayo?" Sabi nito sa akin.

"Hmm... Busog pa naman ako mamaya nalang, how about you?"

"Mamaya nalang rin. Saan mo gustong pumunta?" Tanong nito sa akin.

"How about sa national bookstore muna?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Bibili ka na naman ng libro?" Sabi nito kaya mas lalo akong ngumiti sa kanya.

"Mmm.." Nakangiti akong tumango sa kanya at sinabayan ko pa ng pagpapacute baka hindi niya 'ko payagang makabili ng libro.

"Let's go, hindi naman kita matitiis." Nakangiti nitong sabi at hinila na ako papunta sa national bookstore.

Pagkapasok namin ay agad na akong napatakbo sa section ng mga libro. Yes, bibili ako ng mga romance novel, it's my hobby to read some romance novel kapag weekend at yong mga nabili ko noong nakaraang buwan ay natapos ko na kaya wala na akong babasahin.

"I got you." Nakangiti kong bulong ng makitang meron na silang bagong stock ng librong paborito ko.

"Omy, ang gaganda!" Kinikilig kong sambit at kinuha ko na lahat ng mga nagustuhan ko.
Kumalabit sa likuran si Grayson kaya bahagya ko siyang tiningnan.

"Bibilhin mo ba lahat 'yan? Baka mapuyat ka sa kakabasa niyan." Pangaral sa akin ni Grayson.

"Hindi no, sanay na ako and please pagbigyan mo na ako, ngayon lang ulit ako nakabili nito." Nakanguso kong sabi kaya unti-unti itong tumango sa akin. Napangiti ako sa saya at tinalikuran ko siya para pumili pa ng ibang babasahin ko.

"Hmm.. Okay na ata 'to." Bulong ko kaya biniling ko muna lahat ng librong napili ko.
Nabigla ako ng 15 books pala lahat ng nakuha ko pero okay lang may sapat na pera pa naman ako galing sa nakuha kong allowance sa schoolarship ko.

"Akin na." Nabigla ako ng inagaw sa akin ni Grayson ang basket ng puno ng libro ko.

"Ako na ang pupunta sa counter, hintayin mo nalang ako sa labas." Sambit nito kaya tumango ako.

Pero bago ako lumabas ay nilabas ko ang wallet ko at kumuha ako ng pera.

"Ito nga pala---" naputol ang sasabihin ko ng pumila na ito sa counter kaya sinundan ko siya.

"Grayson, na sa akin pa ang pambayad, bakit mo 'ko iniwan?" Pagmamaktol ko
.
"No, I can pay for this. Hintayin mo nalang ako sa labas." Sabi nito.

"Hindi Grayson ako naman ang bumili niyan kaya ako ang magbabayad." Tutol ko sa kanya.

"I don't want to argue with you. Please.. Sa labas mo nalang ako hintayin. Masyado ng maraming tao dito." Sabi nito at tumitingin sa paligid.

Kahit ayaw ko man siyang sundin pero alam kong hindi rin siya magpapatalo. Baka pag-awayan pa namin 'to kaya tumango na lang ako sa kanya.

"Okay" bigo kong sabi at tinalikuran siya upang lumabas na.

Nakakainis naman 'tong si Grayson, bakit siya pa 'yong magbabayad? Nakakahiya tuloy baka isipin nito na inaabuso ko ang kabaitan niya. Doon na nga ako tumutuloy sa kanya, siya pa ang sumasagot sa luho ko.

"Kasalanan mo 'to Sariah eh. Kung hindi mo lang naisipang pumunta dito edi sana hindi na siya gumastos." Inis kong bulong sa sarili ko.

Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na si Graysom dala-dala ang librong nabili ko.

"Ilalagay ko lang 'to sa kotse then kakain na tayo." Sabi nito kaya tumango ako sa kanya. "Dito ka nalang muna at hintayin mo 'ko, wag kang lalayo okay?" Habol pa nitong sabi.

"Okay, hindi na ako bata Grayson, sige na umalis kana at hihintayin kita dito." Tumatawa kong sabi habang tinutulak siya papalayo. Napilitan naman itong maglakad papalayo sa akin.

"Hays.." Bumuntong-hininga ako at naglakad papunta sa may bakanteng upuan.

Ang ganda kung sa may skating ako tatambay habang naghihintay kay Grayson pero baka magalit 'yon pag nakitang wala ako dito sa pinag-iwanan niya sa akin.

Wala akong nagawa kundi tumitingin tingin nalang sa paligid at may nahigap ang aking patingin sa mga naglalakad dito sa mall.

Napatayo ako ng masigurong si Leanne 'yon. Oo, nakita ko si Leanne, nandito siya pero may kasama siyang lalaki eh.

Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Leanne.

"S-Siya ba ang lalaking tinutukoy ni Leanne?" Tanong ko sa sarili ko at hindi ko alam sa sarili ko kundi sundan sila.

Dahil sa daming taong nakakasalubong ko ay biglang nawala sa patingin ko si Leanne.
Napalinga-linga ako sa paligid ng hindi ko na sila makita.

"Saan ba nagpunta 'yon?" Bulong ko at maglalakad na sana ako para hanapin pa sila ngunit may humigit sa kamay ko.

"Where are you going?" Tanong ni Grayson habang hawak ang aking kamay.

"Nakita ko si Leanne kanina, susundan ko sana siya pero biglang nawala." Sagot ko sa kanya.

"Baka nagkakamali ka lang? You have a class, right?" Sabi nito pero umiling ako sa kanya.

"Si Leanne 'yong nakita ko kanina at siguradong sigurado ako 'don." Giit ko sa kanya. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali, likod palang ni Leanne, kilala ko na.

"Fine then why are you irritated?" Sabi nito sa akin kaya napabuntong-hininga ako.

"Hindi ko siya nasundan eh at may kasama siyang isang lalaki. Who knows, baka kasama niya 'yong lalaking 'yon." Iritado kong sabi.

Nakita kong napakunot-noo ito.

"Sinong lalaki?" Tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin. Nadulas pa ata ako, bakit kasi ang daldal mo, Sariah.

Actually, ayokong sabihin sa kanya 'yon dahil privacy na rin 'yon ni Leanne and I don't have a right to tell someone sa nangyari kay Leanne baka magalit sa akin si Leanne pag nalaman niyang sinabi ko sa iba.

"W-Wala 'yon.." Nakaiwas kong sabi sa kanya. "Tara na nga, kumain na tayo." Sabi ko sa kanya at hinawakan na ang kanyang kamay para makaalis na kami.

"You have a crush on him?" Tanong nito kaya napatawa ako.

"Baliw ka ba? Hindi ko nga kilala 'yong tao." Natatawa kong sabi pero nanatiling seryoso pa rin ang mukha.

"Wag mo ng isipin 'yon, okay? Tara na, gutom na ako." Sabi ko sa kanya at hinila na siya.

Napangiti ako ng hindi na siya nagsalita at nagpahila nalang siya sa akin.

Nandito na kami sa second floor ng mall. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Saan mo palang gustong kumain?" Tanong ko sa kanya.

"You can choose, it's fine with me." Sabi nito kaya biglang may pumasok sa isip ko na isang restaurant. Gusto kong bumalik 'don dahil sobrang sarap ng pagkain nila.

"Why are you smiling?" Naguguluhan nitong sabi.

"Wala, gutom lang ako. Let's go." Sabi ko sa kanya at hinawakan ko ulit ang kanyang kamay.

"Where?" Tanong nito.

"Basta, magugustuhan mo ang pagkain nila." Nakangiting sabi ko at hinila na siya papunta sa restaurant na gusto ko.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now