Kabanata 2

24.7K 417 2
                                    

Kabanata 2

First Day

6 years ago

Kinakabahan ako sa unang araw ko sa skwelahan na ito dahil grade 7 na ako at ibang paaralan ang pinapasukan ko ngayon. Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito kasi sa nakikita ko ay marami ring studyanteng katulad ko ay kinakabahan.

"All student may proceed to the gym." Agad na umalis ang mga studyante sa pag karinig non' at dahil wala naman akong kilala dito ay sumunod na lamang ako sa mga studyanteng papunta rin don.

Napatingin ako sa loob ng gym nang makarating ako dito at napansin kong ang laki pala ng gym nila dito at marami ring studyante ang nandito. Napansin ko rin na may ibang studyante ang na iiba sa uniform namin at na sisiguro kong mga senior high na yun'.

"Good morning everyone!" Bati ng isang babae na nasa stage ngayon. Bumati muna siya sa mga studyante at lalong lalo na kaming mga freshmen dahil baguhan lang kami dito. May mga sinabi pa siya na agad ko namang na intindihan at ang mga sinabi niya rin ay ang mga rules na kailangan naming sundin dito sa skwelahan na ito. Napansin kong yung ibang studyante dito ay hindi nakikinig at parang nasasawa na silang pakinggan ang mga ito at sinawalang bahala ko na lamang ito. Pagkatapos non' ay agad na kaming pinapunta sa mga magiging room namin. Napatabi ako ng madaming nagmamadali sa paglabas at excited na pumunta sa mga kani-kanilang silid. Okay lang naman sa akin yun dahil baguhan lang naman ako dito, agad na akong pumunta sa building kung saan nandoon ang room ko.

Nang mahanap ko ang magiging room ko ay agad akong pumasok at napansin kong may iilan na ring studyante ang nandito. Nagulat ako ng marami ang biglang lumabas at humagikgik na parang kinikilig kaya napatingin ako sa labas. Nakita kong may mga studyanteng dumadaan at hindi ito katulad ng uniform namin, ito yung nakita ko kanina sa gym at sila ay mga senior high na.

"Nakakainggit! Senior high na sila at tingnan mo ang gagwapo nila!" Kinikilig na sabi ng katabi ko. Hindi ko maisip na may ganito na palang ugali ang mga magiging kaklase ko, alam na nila kung pano kiligin at hindi ko alam kung saan nila ito nalaman at hindi bagay tingnan na grade 7 palang sila ay Alam na nila ang mga bagay na 'yun. Napatingin ako sa lalaking nasa hulihan at may kasamang dalawang lalaki na kaibigan niya yata yun' nang makilala ko ang mukha nito ay napaiwas ako ng tingin at tumalikod na baka ay makita niya ako pero napahinga ako ng malalim na Hindi niya pala ako kilala at ako lang pala ang nakakakilala sa kanya. Dito pala siya nag aaral, sa bagay isa itong pribadong skwelahan kaya hindi imposibleng dito siya nag aaral. Nakita ko lang siya nong sinama ako ng nanay ko sa hacienda nila para tumulong at sa pag punta ko doon ay nakita ko siya at Hindi na iyon na ulit. Nalaman ko nalang na anak siya ng may Ari ng haciendang pinag tatrabahuan ng mga magulang ko.

"Ang gwapo talaga ni kuya Grayson!" Kinikilig na sambit ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"K-kilala m-mo s-siya..?" Nauutal kong tanong kaya napatingin ito sa akin.

"Oo naman sino namang hindi makakakilala sa kanya dito, ang yaman kaya nila at ang gwapo pa niya hehehe.." Nakangiti nitong sabi kaya napatango na lamang ako.

"By the way, I'm Leanne Orcellar.." Nakangiti nitong pakilala.

"Ako naman si Sariah Ashlyn Cornello" nakangiti ko ring pakilala.

"Okay.." Napatigil kami nang pumasok na ang aming guro kaya napabalik na kami sa aming upuan.

Dahil unang araw ngayon ng pasukan ay wala namang madaming nangyari. Ang ginawa lang namin ay magpakilala at Alam ko namang mangyayari yun ngayon kasi nong elementary palang naman ako ay ganun rin ang sistema pag unang araw ng pasok. Maaga kaming pina uwi kaya ngayon ay nakisabay sa akin si Leanne dahil nasa parking lot na daw ang sundo niya.

"Ah.. Leanne, mauna kana dito na ako sa gate dadaan.." sabi ko sa kanya.

"Wala bang susundo sayo?" Naguguluhan niyang tanong. Oo nga pala isa pala itong pribadong skwelahan kaya karamihan dito ay mayayaman. Hindi naman ako mayaman na katulad nila dahil nakapasok lang naman ako dito dahil sa isang scholarship.

"Wala namang susundo sa akin, nag cocomute lang ako." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sumabay ka nalang sa amin, ihahatid kita sa inyo." Sabi pa nito kaya agad akong umiling. Nakakahiya kung tanggapin ko ang alok niya at isa pa kakakilala palang namin.

"Wag na, okay lang sanay naman ako at may dadaanan rin kasi ako eh.."

"Okay sige, pero next time ha?"

"Okay, sige!" Nakangiti kong tugon at nag paalam na siya. Naglakad na rin ako palabas ng gate, dito rin ako sumasakay sa may tabing gate kasi dito nakaparada ang mga motor na papunta sa amin. Naghintay lang muna ako sa gilid dahil napansin kong puno na lahat ng mga motor na nakaparada dito dahil na rin sa daming estudyante ang nag aaral at sabay pa na unang araw ito ng skwela. Tiyak na may babalik agad na motor dito dahil madami pa naman kaming studyante ang sasakay.

Habang nag iintay ako sa masasakyan ko ay nakita ko si Grayson kasama ang mga kaibigan nito. May kainan sa harap ng skwelahan namin at tiyak na doon sila tutungo. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala siya tinitigan kaya nagulat nalang ako ng bigla itong tumingin sa banda ko kaya agad akong tumalikod at napahawak ako sa aking dibdib nang tumibok ito ng mabilis. Hindi ko alam kung bakit ganito ako maka react at ngayon ko lang naramdaman ang ganito na parang kinikilig ako nong tiningnan ako ni Grayson pero nakakahiya dahil baka isipin nito na may gusto ako sa kanya. Senior high na ito kaya imposibleng wala pa itong girlfriend at nasisiguro kong madami na itong naging girlfriend Dahil sa taglay nitong itsura.

"Ineng! Sasakay ka ba!?" Napatigil ako sa kakaisip ng tinawag ako ni manong kaya agad akong lumapit.

"Opo" mabilis kong sabi at agad akong sumakay. Bago ito umandar ay napasulyap ako sa pinasukan nilang kainan at nakita ko siyang may katabing babae na siguro'y girlfriend nito, sabi ko nga imposibleng wala itong girlfriend ngayon. Habang iniisip ko yun' ay nasasaktan ako at hindi ko ma ipaliwanag kong ano itong nararamdaman ko sa kanya at ayokong isipin na iba na itong nararamdaman ko.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now