Kabanata 33

10.6K 184 1
                                    

Kabanata 33

Deal

Nang makarating na kami sa tinutukoy nitong restaurant ay agad siyang bumaba at umikot siya sa banda ko para pagbuksan ako.

"Thank you" nakangiti kong sambit at nagulat ako ng hawakan nito ang aking kamay kaya agad akong napatingin sa paligid. Natatakot akong baka may makakita sa amin.

"G-Grayson..." Tawag ko dito.

"What?"

"B-Baka may makakita sa atin." Kinakabahan kong sabi.

"Then? You are my girlfriend after all, what's wrong with that?" Nagtataka nitong sambit at pinagpatuloy lang ang paglalakad habang hawak hawak ang kamay ko.

Na touch ako sa sinabi niya pero siya lang naman ang inaalala ko dahil baka may makakita sa kanyang kakilala niya at makita akong kasama.

Pagpasok namin sa restaurant ay napahanga ako sa ganda nito at nilibot ko ang patingin sa paligid. Modern na modern ang disenyo nito at nasisiguro kong ang mahal ng mga pagkain dito.

"Good noon sir and ma'am, may I know if you have a reservation?" Salubong sa amin ng isang waitress.

"Yes, Del Faurico." Agad na tugon ni Grasyon.

"Oh.. This way sir..." Sumunod kami sa waitress at napakunot noo ako ng hindi niya kami hinatid sa magiging table namin kundi pumunta pa kami sa taas at binuksan ng waitress ang isang room.

Nasa isang VIP room kami ng restaurant na ito.
Pagkapasok namin ay napahanga ako sa estilo at disenyo ng kwarto nila dito. May dalawang upuan lang ito.

"This is our menu Sir and Ma'am." Nilahad ng babae ang menu nila sa amin ni Grayson.

"What do you want to eat, baby?" Tanong nito sa akin habang nakatingin ito sa menu nito.

"Hmm... Ikaw nalang ang pumili, Grasyon." Nahihiya kong sambit kaya napatingin ito sa akin. Sinenyasan ko siyang wala akong alam dito lalo na sa mga pagkain na inooffer nila sa amin kaya napangisi ito.

"Okay," nakangiti nitong sabi at lumingon na sa waitress.

Sinabi na nito ang order namin at agad namang umalis ang babae ng mabigay na namin ang order namin kaya kaming dalawa nalang ang nandito sa kwartong ito.

Napatingin ako kay Grayson ng makitang tumayo ito at dinala ang upuan papalapit sa akin.

"What are you doing?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"I want to be with you." Tugon nito at pinagtabi ang upuan namin.

"Pero okay na 'yong magkaharap tayo."

"No, it's not enough for me." Agad nitong tugon at nagulat ako ng bigla itong yumakap sa akin. Nilagay nito ang ulo sa balikat ko at inaamoy ng bahagya ang leeg ko kaya nakikiliti ako sa ginagawa niya.

"G-Grayson.. Nakakahiya baka biglang dumating ang order natin." Nahihiya kong sambit sa kanya.

"Hmm.. Gusto pa kitang yakapin eh." Parang bata nitong sambit kaya napatawa ako ng bahagya.

"Para kang bata diyan, Grayson." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Hmm.. I'm sorry babe." Narinig kong bulong niya.

"B-Bakit?"

"Yong ginawa ko sayo kahapon." Tugon nito na muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Bakit niya pa pinaalala sa akin? Sana lamunin na ako ng lupa ngayon para hindi niya makita kung gaano ako nahihiya ngayon.

"G-Grasyon.. Please.. Wag mo ng ipaalala sa akin yong nangyari kahapon." Bulong ko sa kanya habang nakayuko at naramdaman kong humiwalay ito sa akin.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now