Kabanata 42

11.1K 199 0
                                    

Kabanata 42

Blessing

Dalawang buwan na ang nakakalipas at nong last week ay natapos na ang klase namin. Maraming nangyari sa dalawang buwan katulad na lamang ng pakikitungo sa amin ni nanay.

Alam niyo ba? Sobra akong nasiyahan ng unang pagbisita nila nanay sa condo ni Grayson. Hindi ko inaasahan na bibisita sila pero sobra akong na excite na unti-unti na nilang natatanggap ang relasyon namin ni Grayson.

Kahit na hindi sabihin ni nanay ay alam kong tanggap na niya si Grayson kaya sobra akong nasisiyahan sa mga nangyayari sa amin ni Grayson.

Actually, simula ng tumira ako sa condo ni Grayson ay mas lalong maalaga siya sa akin at hindi niya ako pinapabayaan.

Never niya akong pinaiyak at sinaktan kaya napapaisip na lang ako kung deserve ko ba si Grayson? Dahil sobrang swerte ko sa kanya.

At sa ilang buwan na naming magkarelasyon ay hindi niya pa ako napapakilala sa mga magulang niya, medyo nalulungkot pero naiintindihan ko naman kasi sabi niya nasa ibang bansa ito kaya hindi pa kami makikipagkita.

Never kong sinabi kay Grayson na gusto kong makilala ang family niya dahil alam kong darating din ang panahon na magkikita rin kami ng magulang niya. Sapat na sa akin 'yong pagmamahal na pinaparamdam niya sa akin.

Kasalukuyan akong nandito sa loob ng taxi habang papunta ako kila Leanne. Pinayagan naman ako ni Grayson at hindi na niya ako hinatid dahil may trabaho pa siya at okay lang naman 'yon sa akin.

Sa dalawang buwan na lumipas ay hindi na nagpaparamdam sa akin si Leanne kaya pupuntahan ko na siya ngayon.

Sobra akong nag-aalala sa kanya kasi ang tagal na simula ng makita ko siya. Sa school naman, hindi ko na rin siya nakikita kaya sobra akong nalulungkot.

Umiyak ako kagabi ng maalalang sinabi pala ng mommy niya sa akin na pupunta na sila ng states kapag matapos na ang 2nd year namin.

Dahil 'don para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil ngayon ko lang naalala.

Alam kong may pagkakamali rin ako dahil naging busy ako kay Grayson kaya nawawala sa isip ko si Leanne.

Hindi ko na alam kung nakaalis na ba sila o hindi pa.

"Hija, nandito na tayo." Napukaw ang atensyon ko ng marinig ko ang boses ni manong kaya kumuha ako ng pera at ibinigay sa kanya.

Lumabas na ako at dumiretso sa gate nila Leanne.

Huminga muna ako ng malalim bago ko pindutin ang bell.

Medyo kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit.

Nakita kong may papalapit na isang babae at pinagbuksan ako.

"Sino po sila?" Tanong nito at napansin kong never ko pa siyang nakita dito baka bago lang.

"Ate, ako po si Sariah, bestfriend po ni Leanne. Itatanong ko lang po kung nandito po ba siya?" Sambit ko at tila nagulat ito sa tinanong ko.

"Ayy naku hija, hindi mo ba alam? Nakaraang buwan pa sila umalis ng bansa." Sabi nito na nagpagulat sa akin.

Nanikip ang dibdib ko at ang aking mga kamay ay nanginginig.

"A-Ano pong sinabi niyo? P-Pano nangyari 'yon, a-ang aga naman po." Nanginginig kong sabi at tila parang may nagbara sa lalamunan ko.

"May naging problema sila pero hindi ko alam kung ano 'yon" sabi nito at parang naguho ang pag-asa kong makita si Leanne. "Gusto mo bang pumasok muna?" Tanong nito at wala sa sarili akong umiling.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now