Kabanata 4

18.1K 346 2
                                    

Kabanata 4

Kilig

Nang matapos na kaming kumain ni Leanne ay naisipin kong pumunta muna sa comfort room.

"Leanne, Pupunta lang ako sa Cr.." Sabi ko habang tumatayo kaya napabaling ito ng tingin sa akin.

"Sige, mauna kana at rereplyan ko lang si mommy." sambit nito kaya naglakad na ako papalayo sa kanya. Hindi ko pa pala alam kong saan banda yung cr dito. Napatingin ako sa pwesto namin ni Leanne at nagbabakasali akong nandoon pa rin siya upang humingi ng tulong pero na bigo ako dahil wala na siya doon. Lumabas yata kaya dumiretso nalang ako.

Ilang ikot na ako dito pero hindi ko pa rin mahanap kung nasaan ang comfort room.

"Hays.. Saan kaya 'yun..." Napa buntong hininga ako. Babalik na sana ako nang may nag salita sa likod ko.

"Where are you going?" Malamig nitong sabi kaya agad akong napalingon. Nakita ko si Grayson nakatayo sa harapan ko at napag tanto ko na siya yung nagsalita kanina kaya kinabahan ako.

"A-ah.. H-hinahanap ko yung cr.." Nauutal kong sabi habang hindi nakatingin sa kanya.

"Nasa likod mo lang, lumiko kalang at nandoon ang Cr." sambit nito kaya napasulyap ako sa kanya.

"A-ah.. S-sige.. S-salamat.." Nauutal kong sagot at dahil nahihiya na ako sa kanya ay agad akong tumalikod sa kanya pero napa tigil ako sa nang mag salita ito.

"Don't rouming around if you don't know this place and you're still a child so, ask someone to help you." Malamig nitong sabi kaya napalingon ako pero agad naman itong tumalikod sa akin at umalis kaya yung likod niya lang ang na sulyapan ko. Napabuntong hininga ako at medyo nasaktan sa sinabi.

"G-grayson.." Bulong ko. Napatigil ako sa kakaisip ko ng may nag tapik sa braso ko at nakita ko na si Leanne ito.

"Bakit ang tagal mo? Pumunta ka na ba sa cr..?"

"Sorry, hindi ko kasi alam kung nasaan yung Cr.."

"Sige, Tara na... Sabay nalang tayo." Nakangiting sabi nito habang hinihila ang aking kamay kaya sumama nalang ako sa kanya.

Pagkatapos ng pangyayaring 'yun ay hindi ko pa rin ma kalimutan yung pagtatagpo namin ni Grayson. Nauna na ring umuwi si Leanne pagkatapos ng klase namin dahil may dinner party sila ng pamilya nila kaya ito na naman ako naghihintay sa masasakyan ko. Habang naghihintay ako sa masasakyan ko ay may tumawag sa akin kaya agad akong napalingon at Nakita ko si manong tony, yung kapitbahay namin na nagtatrabaho kila Grayson.

"Hello po, manong tony!" Masaya kong sabi. Siya ang driver ng mga Del Faurico. Agad na nawala ang ngiti ko ng mapansin na sakay nito si grayson, seryoso ang mukha nito at hindi yata nasiyahan ng huminto ang sasakyan nila kaya parang may nagbara sa lalamunan ko.

"Sumabay kana sa amin, dadaanan naman namin ang bahay niyo." Nakangiting sambit nito pero hindi ko magawang ngumiti sa kanya. Agad akong umiling at umatras ng konti.

"W-wag na po, may masasakyan pa naman ako dito.." Kinakabahan kong sabi.

"Itong batang 'to talaga! Okay lang kay sir kaya sumakay kana!" Napatingin ako kay Grayson at gulat ng magsalita ito.

"Just make it fast!" Galit nitong sabi at ako yata ang pinaparinggan niya ako kahit na nanginginig ay sumakay na lamang ako at baka magalit pa ito lalo.

Nang pagkasakay ko ay nakatabi ako sa kanya pero dumistansya ako dahil ayokong dumikit ang balat namin dahil alam kong magagalit ito sa akin. Napa sulyap ako sa kanya ng pumikit ito ng mariin at hindi na kumurap, natulog na yata. Siguro ayaw niya akong makasama dito kaya ganito yung pinapakita niya sa akin. May konting sakit akong naramdaman ng maisip 'yun at nagulat ako ng may luhang pumatak galing sa aking mata kaya agad ko itong pinunasan. Ang hina-hina ko talaga pagdating sa kanya.

Napagtanto ko nalang na nakarating na kami sa bahay namin kaya agad akong lumabas.

"Salamat po, manong!" Masaya kong sambit. Napasulyap ako kay Grayson pero nakapikit pa rin ito kaya si manong nalang ang nakausap ko. Hindi ko rin naman yata makakaya na makausap si grayson kaya okay lang.

"Walang anuman, sige tutulak na kami..." Paalam nito kaya kumaway na lamang ako habang paalis sila. Nang hindi ko na makita ang sasakyan nila ay agad na akong pumasok sa bahay namin ay dumiretso na agad ako sa aking silid.

Dalawang beses kaming nagkita ni Grayson kahit na hindi maganda yung tungo niya sa akin ay okay lang.

Habang iniisip ko ang pagtatagpong 'yun ay hindi ko maiwasang mamula at ngayon lang pumasok sa isip ko na nakakahiya yung nangyari kanina pero kahit na ganun ay parang kinikilig ako ng kinausap niya ako kanina.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon