Kabanata 7

16.8K 366 3
                                    

Kabanata 7

Smile

Napatigil ako sa paglakad ng makitang tumatakbo papalapit sa akin si Leanne. Tapos na ang klase namin kaya uuwi na rin ako ngayon, wala rin naman akong gagawin sa library kaya uuwi ako ngayon ng maaga.

"Sariah... Wait lang.." Hinihingal nitong sabi. Bakit nandito siya ngayon, akala ko umuwi na siya.

"Wag ka munang umuwi. Pinapatawag ka ni sir Grayson." Sabi nito na nagpakabog ng dibdib ko.

"B-bakit d-daw?" Nauutal kong tanong at huminga muna ito bago sumagot sa tanong ko.

"Ewan ko, hindi ko alam. Alam mo ba sariah hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagbalik na si kuya Grayson tapos teacher pa natin siya." Hindi makapaniwalang sabi nito.

"S-sige p-pupunta n-na a-ako... Ingat sa pag uwi..." Paalam ko sa kanya at nagpaalam na rin ito sa akin. Wala na 'kong magawa kundi bumalik sa building namin. May ipapagawa yata si Grayson sa akin.

Nakita ko agad si Grayson sa office nito at tila busy ito. Napatingin ito sa akin.

"You don't have a class now?" Tanong nito at bumaling na ito sa papel na hinahawakan nito. Napalunok ako at kumabog ng mabilis ang aking dibdib.

"Y-yes Sir..." tugon ko sa kanya. Napatigil ito sa ginagawa at tumingin sa akin.

"Dalhin mo 'to at sasama ka sa akin." matiim itong sabi kaya napakakunot noo ako.

"Bakit po sir? Saan po tayo pupunta?" Naguguluhan kong tanong. Napalunok ako ng bigla itong tumitig sa akin.

"Sa condo ko." malamig nitong sabi sabay ligpit nito ng mga gamit at may inabot ito sa akin kaya agad ko itong tinanggap.

"S-sa c-condo m-mo?" Nauutal kong sabi pero Hindi manlang ako pinapansin at pinag pagtuloy lang ang paglalakad kaya wala na akong magawa kundi sumunod sa kanya.

Napansin ko nalang na nandito na kami sa parking lot at agad naman itong sumakay pero nanatili ako sa labas. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit pa ako sumama sa kanya.

"What are you waiting for? Sumakay kana." sambit nito na nagpabalik sa diwa ko kaya huminga ako ng malalim at sumakay na rin.

Habang nagmamaneho ito ay tumingin ako sa kanya.

"A-ano pong gagawin ko 'don sir..?" Kinakabahan kong sabi.

"Like what I've said, you have something do and I want you do it in my condo." Malamig nitong sabi at hindi pa rin ito tumingin sa akin.

"Pwede namang sa bahay ko nalang gawin.." Pagdadahilan ko pero napatigil ako ng bigla itong tumingin sa akin kaya napatahimik ako.

"I don't want to agrue with you so, please stop." Pagod nitong sabi kaya napatahimik nalang ako. Ako lang yata ang nag iisip ng iba. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan yung mga ginawa niya sa akin at alam ko sa sarili ko na hindi ko pa rin siya nakakalimutan sa mga nag daang taon.

Sumunod lamang ako sa kanya nang makarating kami sa condo niya. Ito na yata ang condo niya. Pumasok na rin ako at pinagmasdan ko ang condo niya. Ang ganda. Ang mga gamit nito ay tila ang mamahal at may mga magagandang paintings pa.

"Stay here and I will go to my room." Sambit nito kaya napatango na lamang ako. Hanggang second floor itong condo niya at siguradong nasa second floor ang kwarto nito.

Napasandal na lamang ako at aantayin ko na lamang siya dito. Pumupunta rin kaya dito ang mga babae niya at Hindi ko mapigilang masaktan sa isipang may pumupuntang babae dito. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ko na lamang ang condo nito.

Napatingin ako sa labas ng condo niya at nakitang may swimming pool ito kaya agad akong lumapit. Napahanga ako sa ganda nito. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang ganda ng tanawin na aking nakikita.

"Why are you here?" Nagulat ako ng marinig ko 'yun kaya agad akong napaharap sa kanya.

"A-ah.. Tiningnan ko lang yung swimming pool mo, ang ganda pala." sambit ko at nakita kong iniwas nito ang tingin sa akin.

"Okay.. Let's go inside at may ipapagawa pa ako sayo." Sabi nito at agad na tumalikod. Ngayon lang pumasok sa isip ko na may ipapagawa pala siya sa akin at nawala 'yun sa isip ko dahil nalibang ako sa pagtingin ng condo niya.

Napaupo ako sa sala at nakita kong nandito na rin ang laptop niya.

"Do you have an assignment or homework?" Bigla nitong tanong kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

"B-bakit p-po..? M-meron po pero sa bahay ko nalang po 'yun gagawin." Nauutal kong sambit.

"I want you to do it here. Mamaya mo nalang gawin ang ipapagawa ko sayo." Masungit nitong sabi kaya namula ang aking pisngi.

"Ngayon ko nalang po gagawin ang ipapagawa ninyo sa akin at mamaya ko nalang gagawin ang assignment ko po." Agad kong sambit.

"Gawin mo kung ano ang sinabi ko, okay? Ayokong makipagtalo sayo ngayon." Masungit nitong sabi kaya bumuntong hininga na lamang ako.

Wala na akong magagawa kundi sundin ang sinabi niya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito ang ipinapakita niya sa akin e.. Hindi niya naman ako naaalala at masyado pa akong bata non kaya hindi niya ako kilala ngayon.

Habang ginagawa ko ang assignment ko ay hindi ko mapigilang magnakaw ng tingin sa kanya. Seryoso itong nakaharap sa laptop pero kahit na ganun ay hindi pa rin kumukupas ang kanyang kagwapuhan.

"Just tell me, if you need my help." Bigla nitong sabi na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nasa laptop pa rin nito ang tingin.

"A-ah.. Hindi na po, hindi naman po gaanong mahirap itong assignment ko po." sambit ko at nakita kong napangisi ito pero guni-guni ko lang yata yun dahil bigla itong nawala.

"Okay" sambit nito kaya napahinga ako ng malalim.

"Kanina ka pa humihinga ng malalim ha.. Kinakapos ka ba ng hininga?" Natatawa nitong sabi na nagpatigil sa akin. Hindi guni-guni 'yun. Nakita ko siyang ngumiti at hindi ko mapigilang mamula dahil sa aking nakita.

"H-hindi p-po..." Kinakabahan kong sabi kaya napailing ito.

"Okay, tapusin mo na ang assignment mo at wag ka palaging tumitig sa akin baka matunaw ako." Nakangiti nitong sambit sabay baling sa laptop nito. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi at mas lalo yatang namula ang aking pisngi sa sinabi niya. Nakakahiya, kanina pa pala niya ako napapansin na tumititig sa kanya. Hindi ko rin mapigilang mapangiti at kiligin na makita ang ngiti niya. Mas lalo yata akong nahuhulog sa kanya.

***

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now