Kabanata 6

16.9K 361 7
                                    

Kabanata 6

Hurt

Mas lalong lumayo ako sa kanya at ayokong makita niya ako na umiiyak. Nakakahiya 'yun at mas lalong kakaawaan niya lang ako. Napatigil ako ng mapansin na hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon. Bumilis ang tibok ng puso ko na wala man lang akong nakitang tao dito. Napapaligiran pa rin ako ng nag tataasang dahon at maraming puno at nasisiguro ko na nasa lupain pa rin ako ng mga Del faurico pero hindi ko alam kung paano ako makakabalik.

Natakot ako ng mapansin na gumagabi na rin at siguradong hinahanap na ako nila nanay kaya kailangan ko nang bumalik. Palakad lakad ako na nagbabakasaling makabalik pero ilang ikot na 'ko ay hindi ko pa rin mahanap yung daan pabalik.

Napaupo ako dahil sa pagod at napatingala na wala ang mga butwin. Sabi ni nanay kapag wala daw ang mga bituwin ay uulan daw. Bigla akong napatayo at napaiyak ako sa nangyari sa akin. Wala pa ring tao. Siguro ay umuwi na sila dahil gabi na rin. Ayokong manatili dito kaya kailangan ko ng maghanap ng paraan para maka alis dito.

"Tulong! Tulong! May tao ba diyan!" Sigaw ko na nagbabakasali na meron pa ring napadaan dito. Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin na may tumulong tubig sa aking ulo. Nalaman kong umuulan na kaya tumakbo ako at walang sawang humingi ng tulong.

Basang basa na ako at wala akong masisilungan dito kaya wala na akong magawa kundi tumakbo.

"Tulong! Tulong!" Naiiyak kong sigaw, kung hindi lang ako tumakbo papalayo kay grayson ay sana nakauwi na ako. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kasi gusto kong gawin 'yun at sobrang nasasaktan na ako kaya ko nagawa iyon.

Napatigil ako ng may makita akong ahas. Bigla itong tumingin sa akin. Nanginginig na umatras ako.

"W-wag..." Nanginginig kong bulong. Habang umaatras ako ay siya ring lumalapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Sariah! Sariah!" May narinig akong tumatawag sa akin pero hindi ko manlang ito nilingon dahil abala ako sa ahas na nasa aking harapan.

Napansin ko nalang na may lumapit sa akin at yung iba ay pinatay nila ang ahas. Nakahinga ako ng malalim pero napatigil ako ng makita si Grayson.

"Sariah!" nag aalala nitong sambit sabay yakap sa akin kaya bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya.

"Don't do that again!" galit niyang sabi habang nakayakap pa rin sa akin. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko sakanya. May nararamdaman akong tuwa dahil hinanap niya ako.

Agad kong kinalas ang yakap niya sa akin nang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Walang salita na tumalikod ako sa kanya at lumapit kila nanay na kanina pa kaming pinagmamasdan.

"Nay..." Bulong ko. Agad na humarap si nanay Kay Grayson.

"Paumanhin Sir, pero kailangan na naming umalis at kayo rin po dahil gabi na rin." Magalang na sabi ni nanay at agad na kaming umalis. Wala na ring nagawa si Grayson kundi umuwi na rin. Hindi na ako sumulyap sa kanya baka bumigay na naman ako sa kanya. Ayoko nang masaktan.

Agad na rin naman akong natulog at hindi ko na inisip 'yung mga sinabi sa akin ni Grayson.

"Anak, pupunta na kami sa hacienda, ikaw na ang bahala dito at pumunta ka sa bayan para bumili ng makakain natin." sambit ni nanay at tumango na lamang. Pag kaalis nila ay nag bihis muna ako para makapunta na ako sa bayan.

Napangiti ako nang makita si aling Marya buti nalang may tinda pa siya ngayon. Minsan kasi mabilis maubus ang tinda niyang gulay.

"Riah!" Nakangiting tawag niya sa akin kaya mabilis akong dumalo sa kanya.

"Magandang umaga, aling Marya!" Nakangiti kong tugon.

"Marya, pabili nga itong gulay mo." narinig kong sabi ng isang bumibili sa kanya kaya tumingin sa akin si aling marya.

"Wait lang.. Aasikasuhin ko muna yung si Betty, pumili ka muna diyan at sabihan mo nalang ako, okay?" sambit nito kaya tumango na lamang ako.

Habang pumipili ako ng gulay na siyang uulamin namin mamaya ay may na dinig akong nag uusap sa gilid ko.

"Alam mo bang aalis ngayon ang mga Del Faurico kasama 'yung anak nila na si Grayson ba 'yun?" agad naman akong napalingon 'nong ma dinig ko ang pangalang Grayson.

"Totoo ba 'yan?" tanong ng kausap nito at nakita kong tumango ito. Kumabog ng mabilis ang tibok ng puso ko ng marinig 'yun.

"Oo, sa ibang bansa na daw sila. Ang balita ko ay doon na maninirahan ang mga Del Faurico."

"Riah, ano nakapili ka na ba?" Nakangiti nitong tanong na siyang nag baling ng tingin ko sa kanya.

"O-opo.. I-ito p-po.." Nauutal kong sambit. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng sakit parang nadudurog ang puso ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong nito at tumango agad ako sa kanya buti nalang ibinigay na niya agad ang pinamili ko.

"Salamat po at mauuna na po ako." Nagmamadali kong sambit hindi ko na narinig ang sinabi ni aling Marya dahil tumakbo na agad ako at Ewan ko sa sarili ko pero nahanap ko nalang ang sarili ko ng makita kong tinatahak ko na ang daan papunta sa bahay ng mga Del faurico.

Napatago ako sa mga halamanan ng makita ko ang sasakyan nila at nakita ko nga si Grayson. Napaiyak ako ng maisip na totoo pala ang narinig ko kanina. Aalis na talaga sila at hindi ko na siya makikita. Nakita kong pumasok na si Grayson sa sasakyan nila at sumunod naman ang kanyang magulang.

Parang dinudurog ang puso ko ng pinagmamasdan silang umalis. Ito na yata ang pinakamasakit na naramdaman ko na Hindi ko na siya makikita. Walang tigil na tumutulo ang luha ko ng makitang papaalis na sila at mas lalong sumiksik ako sa halamanan nila na baka makita nila ako.

Nang lumampas na ito sa akin at hindi ko na makita ay tumayo na ako at pinunasan ko ang aking luha. Huminga ako ng malalim na nagba bakasakali'y maibsan nito ang sakit na nararamdaman ko pero hindi pa rin dahil masakit pa rin.

"Siguro, ito na yung oras para makalimutan siya.." Bulong ko sa sarili. Agad na akong umalis at tinahak na ang daang papunta sa amin. Kakalimutan ko na siya at ang nararamdaman ko sa kanya.

***

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now