Kabanata 1

29K 476 4
                                    

Kabanata 1

After

Agad rin kaming pinalabas ni ma'am pero Hindi pa ako tuluyang nakakalabas nang tinawag niya ako.

"Ms. Cornello, bago ka pumunta sa next subject mo ay pumunta ka muna sa office ni sir Grayson at may sadya siya sayo."

"P-po? Ano pong kailangan niya sa akin?" Sabi ko at hindi ko rin mawari kung bakit niya pa ako tinatawag.

"Hindi ko alam, basta pumunta ka muna don' at tiyak na kanina ka pa niya hinihintay." Tugon nito at tuluyan nang umalis. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang ayokong pumunta doon. Nakita ko na lang ang sarili ko na pumupunta na ako sa office ni sir at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang nasa harap na ako nito kaya lakas loob kong binuksan ito. Napatigil ako dahil may kasama pala siya at nang pag ka kita niya sa akin ay napatingin ang babaeng kausap nito.

"Good morning ma'am" pag bati ko sa kanya pero hindi ko alam sa sarili ng Hindi manlang ako nakangiti sa kanya parang nadudurog ang puso ko sa nasaksihan ko kanina.

"Oh.. Why are you here, Ms. Cornello?" Nakangiting tanong nito at sasagot na sana ako nang mag salita si Sir.

"I have something to tell her that's why she's here." Malamig nitong sabi habang nakatitig sa akin.

"Ah.. Okay, I think kailangan ko nang umalis at may klase ako ngayon and by the way thank you for entertaining me. See you later, Sir." Nakangiting sabi nito at umalis na ito. Kaming dalawa nalang ang natitira sa loob nitong opisina niya.

"Bakit niyo po ako pinatawag?" Sabi ko sa kanya nang Hindi siya tinititigan, Hindi ko yata kayang tumbasan ang titig niya sa akin.

"Hmm.. Nalaman ko na isa kang scholar dito?" Tanong nito kaya napatango ako.

"And you look so familiar to me, nagkita na ba tayo?" Tanong nito kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi niya na ba ako naaalala? Nakaramdam ako ng sakit na malaman na nandito siya ngayon at Hindi niya ako kilala.

"O-po.. Last week po yata yun' nong dumalo kami ni Mam Myra sa isang event na dinaluhan niyo rin." Sambit ko, totoo yun' pero nag sinungaling ako nang isang beses lang kami nag kita.

"Ah.. Why are you not looking at me?" Tanong nito, bumilis ang tibok ng puso ko, hindi pa ako handang masilayan ulit ang mukha niya.

"Ah.. Wala po.." Agad kong tugon sabay tingin sa kanya. Na nginig ang tuhod ko nang masilayan ulit ang mukha niya, ilang taon rin ang nakalipas nang muli kong masilayan ang mukha nito. Yung mga Mata niyang kulay brown at yung mga pilik mata niyang mahahaba ang hindi nag bago, ito pa rin ang parteng gusto ko sa mukha niya.

"Are you nervous?" Seryoso nitong sabi kaya agad akong umiling.

"N-no sir.."

"I just wanna tell you that from now on, you are now my personal assistance since, you are scholar here, right?" Matiim itong nakatitig sa akin at napa iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang titigan siya.

"May ginagawa po kasi ako sa library at baka hindi ko po ma trabaho ang pinapagawa ninyo sa akin kung sakaling kailangan niyo po ako." sambit ko.

"Don't worry because I already told them about this and they agree." Seryoso nitong sabi. Wala na bang ibang dahilan para Hindi ito matuloy? Ayokong tanggapin ang pinapagawa niya sakin.

"And Don't worry because you don't need to come here everytime. Ayoko rin ng istorbo kaya ipapatawag na lang kita." Seryoso nitong sabi at hindi na ako tiningnan.

"O-okay.. Sir.."

"You can leave now.." Sambit nito kaya agad akong lumabas at napahawak ako sa aking dibdib ng hindi pa rin humuhupa ang pag tibok nito ng mabilis. Napansin ko nalang na tumatakbo na ako pa punta sa luma naming garden at dito rin ako nag papalipas ng oras.

"A-ang s-sakit p-pa r-in..." Umiiyak kong sabi. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya. Bakit niya pa ako gagawing personal assistant kung ayaw niya naman ng istorbo? Dahil sa mga iniisip ko ay mas lalong bumubuhos ang luha ko. May nag bago sa ugali niya at yung ugaling pinapakita niya sa kin ay ganun rin nong unang nakilala ko siya. Hindi ko pa rin makalimutan yung mga nangyari noon, sana kung hindi ko siya nakilala ay hindi sana ako nasasaktan ng ganito.

Sana nong una palang lumayo na ako at hindi na ako nagpadala sa pag ka gusto sa kanya.

"Sariah!" Agad kong pinunasan ang luha ko at tumingin sa taong tumawag sa akin.

"Anong ginagawa mo diyan? May pasok na tayo, Dalian mo at baka mahuli pa tayo." Sabi ni leanne, kaklase ko na naging kaibigan ko rin.

"Sige" agad akong lumapat sa kanya at sabay na kaming pumunta sa magiging klase namin ngayon.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon