Kabanata 10

17.7K 343 1
                                    

Kabanata 10

Truth

Agad akong napaupo ng makarating kami sa condo niya.

"Ano na naman po ang ipapagawa ninyo sa akin?" Agad kong tanong sa kanya dahil gusto ko na talagang umuwi. Ayokong maging malapit sa kanya dahil baka lalong mahulog ang puso ko sa kanya at ayokong mangyari na dumating ang araw na hindi ko na siya makalimutan.

"Why are you always saying 'po', nakakairita." masungit nitong sabi.

"Kasi mas matanda kayo sa akin." Simple kong sabi sa kanya.

"I know you have a crush on me and I know who you are." Bulong nito na nag pagulat sa akin. Kahit na bulong 'yun ay dinig na dinig ko pa rin.

"W-what..?" Nauutal kong sambit at napansin kong natigilan ito. Nakatalikod ito sa akin kaya lumapit ako sa kanya.

"A-anong s-sinabi m-mo?" kinakabahan kong sabi. Bumilis ang tibok ng puso ko ng humarap ito sa akin at bumuntong hininga ito.

"Yes, I still remember you." Malumanay nitong sabi na kaya nakaramdam ako ng sakit sa puso ko na all this time pala ay naalala niya pala ako.

"S-so.. Nag singungaling ka pala sa akin.?" Bigo kong sabi. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagsingungaling siya sa akin.

"I'm sorry.." Sambit nito kaya napayuko ako. Bakit kailangan niya pa akong lokohin. Agad akong tumalikod sa kanya at agad kong kinuha ang bag ko para umalis na.

Napahinto ako ng biglang yumakap sa likod ko sa Grayson kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

"Let me go, uuwi na ako." Matapang kong sabi pero tila hindi nito narinig ang aking sinabi dahil mas lalong humigpit ang pagyakap sa akin.

"Please.. Stay here.." Pag mamakawa nito sa akin.

"Gusto mo bang pag laruan ako? Kasi alam mong gusto kita noon?" sambit ko at hindi ko mapigilang umiyak.

"No, that's not what you think." Agad nitong sabi at hinarap niya ako sa kanya kaya kitang kita niya ang mukha kong lumuluha.

"Liar." naiiyak kong sambit. Nakita kong pinahid nito ang aking luha at hinagkan nito ang aking pisngi.

"I'm sorry kung nag sinungaling ako sayo pero wala akong intensyon na lokohin ka." malambing nitong sabi na nag painit sa pisngi ko.

"Please.. Stay.." sambit nito habang inaabot nito ang bag ko kaya wala na akong nagawa kundi ibigay sa kanya Ito kaya napangiti siya.

Hinawakan nito ang aking kamay at hinila niya ako papunta sa sala.

"Dito ka na kumain at nakapag order na ako ng pagkain kanina." sabi nito kaya tumango lamang ako. Nakita kong umalis na siya at pumunta na yata sa silid nito.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon. Hindi ko mapigilang mamula sa isiping naalala pa nito ang pagkagusto ko sa kanya. Pumikit ako ng mariin at tila gusto ko nang kalimutan 'yun. Alam kong bata pa ako non kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko masyado akong obvious sa nararamdaman ko.

Doon lamang ako ng sa kakaisip ng may mag doorbell kaya napatingin ako sa taas kung bababa na ba si Grayson pero nakita kong hindi pa siya lumalabas na silid nito kaya ako na lang ang lumapit sa pinto at binuksan iyon.

"Here's your order, Ma'am." Nakangiting sabi ng delivery boy kaya agad akong napatingin sa dala niya at agad itong tinanggap.

"Thank you." Nakangiti kong tugon.

"Paki pirmahan nalang po ito." Tinuro nito ang papel na kailangan kong pirmahan kaya agad ko itong pinirmahan. Agad namang umalis ang delivery boy kaya sinara ko na ang pintuan.

Pumunta ka agad ako sa kusina para ayusin itong inorder ni Grayson. Habang inaayos ko ang pagkain ay nakita ko na si Grayson na papalapit sa akin.

"Oh.. I'm sorry natagalan ako." sambit nito at nakita kong nakasando lamang ito kaya kitang kita ko ang bakat ng kanyang katawan at malaki niyang muscle.

Agad akong umiwas sa kanyang katawan at tiningnan na lamang ang pagkain.

"Okay lang."

"So, let's eat." sabi nito at umupo na sa aking tabi. Hahawakan ko na sana ang sandok ng pinigilan niya ako.

"Ako na." sabi nito at siya na ang naglagay ng pagkain sa aking plato. Nagulat ako ng dinamihan niya ang paglalagay ng pagkain sa akin. Parang dalawang tao ang kakain nito.

"Bakit mo dinamihan? Hindi ko kaya 'yan." nakasimangot kong sabi at nakita kong ngumiti lamang ito.

"Ang payat mo na, kaya kailangan mo nang kumain ng marami."

"Ang dami nito!"

"Kumain kana, masamang pinaghihintay ang pagkain." sambit nito na nagpairita sa akin kaya kumain na lamang ako.

Agad akong napaupo sa sala ng matapos kaming kumain. Sumakit ang tiyan ko dahil sa rami ng kinain ko. First time kong kumain na ganon karami.

Nakita kong nangising papalapit sa akin si Grayson kaya agad ko siyang inirapan.

"Oh.. Are you mad at me?" Nakangisi nitong tanong at may gana pa talaga itong tumabi sa akin.

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit masakit ang tiyan ko ngayon." Masungit kung sambit sa kanya at napangisi lamang ito. Hindi ko alam pero hindi na ako naiilang Kay Grayson.

"Oh.. I'm sorry." Nakangiting sabi nito pero sinungitan ko lamang ito.

Nagulat ako ng dumako ang kanyang kamay sa tiyan ko kaya nag init ang pisngi ko.

"Masakit pa ba?" Malambing nitong sabi habang hinahaplos ang aking tiyan. Tumataas ang balahibo ko dahil sa kanyang pag haplos.

"A-ah.. O-okay n-na.." Nauutal kong sabi at tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking tiyan.

"Okay." Nakangiti nitong sabi. Hindi pa rin humuhupa ang bilis ng pag tibok ng puso ko.

"Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ko sa kanya.

"Okay, wait lang kukunin ko lang ang susi ng sasakyan ko at ihahatid na kita." Sambit nito sabay tayo pero pinigilan ko siya.

"Hindi na, wag mo na akong ihatid at kaya ko namang umuwing mag-isa." sabi ko sa kanya.

"No, ihahatid na kita." Matigas nitong sabi at umalis na siya. Bumuntong hininga na lamang ako.

Napatayo agad ako ng makita siyang bumalik at sabay na kaming lumabas. Sumakay kami sa elevator papunta sa parking lot.

"Pupunta ka rin dito bukas at hihintayin kita bukas sa labas." sambit nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ka ba pupunta sa school?" Tanong ko sa kanya.

"May aasikasuhin lang ako saka aasikasuhin ko lang yung pag alis ko sa school." Sambit nito kaya bumalik sa isip ko na malapit na palang matapos ang pagtuturo niya.

"Oh.. Okay." tugon ko sa kanya. Sumunod ako sa kanya papunta sa kotse nito at agad na rin naman akong sumakay.

"Fasten your seatbelt.." sambit nito kaya agad ko namang sinunod.

Tumingin na lamang ako sa labas at bumuntong hininga. Madaming nangyari sa araw na ito at hindi ako makapaniwalang naalala pala ako ni Grayson.

"Sariah, we're here.." sambit nito at hindi ko namalayan na nandito na pala ako.

"Salamat, mauna na ako." Nakangiti kong sambit habang tinatanggal ang seatbelt.

"See you tommorow, goodnight." sambit nito at lumabas na rin ako.

Kinawayan ko siya habang papaalis ito at nang makalayo na ito ay naglakad na ako papunta sa bahay namin. Makikita ko na naman siya at hindi na ako makapaghintay na masilayan ulit siya.

***

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon