Kabanata 37

11.2K 224 1
                                    

Kabanata 37

HOT

Lumipas na ang dalawang linggo at dito pa rin ako tumutuloy kay Grayson. Minsan, naiisip kong nakakahiya na ang ginagawa ko sa kanya dahil sa pagtuloy ko dito pero palagi akong sinasabihan ni Grayson na okay lang sa kanya dahil Girlfriend niya naman ako.

Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya dahil sa kabaitan niya sa akin.

At nitong mga araw ay hindi ko pa ring mapigilang mag-alala kila nanay. Hindi ako nagtanim ng galit sa kanila dahil magulang ko pa rin sila.

Napatingin ako sa relo ko ng makitang 7:00pm na. Busy kasi kami ngayon dahil sa mga requirements namin sa school.

Lesson plan doon, lesson plan dito at hindi ko na mabilang kung ilang activity na ang ginawa namin at project namin nitong mga araw.

Next month na kasi ang pagtatapos ng klase namin kaya super busy namin ngayon.

Tumawag na ako kay Grayson kanina na wag na niya akong sunduin dahil baka malate na akong umuwi at nong una ay hindi siya pumayag pero dahil nagpumilit ako sa kanya ay pumayag na lamang ito.

Balak ko ring bumisita kila nanay ngayon, kahit masulyapan ko lang sila ay okay na ako.
Hindi ko kasi mapigilang mamiss sila at namimiss ko na ring makasama sila.

Napangiti ako ng mapait ng maisip na hindi na ata mangyayari na magkakasama ulit kami nila nanay.

"Ineng, nandito na tayo." Doon lamang napukaw ang atensyon ko ng tumigil na ang tricycle kaya agad na akong lumabas.

Pagkaalis nito ay napasulyap ako sa bahay namin.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas, muli kong nakita ang bahay namin simula ng umalis ako dito.

Bigla akong napatago sa labas ng gate namin ng makita ko sila nanay na nasa sala habang nanonood ng TV.

Naramdaman kong tumulo ang pisngi ko ng makita ang masaya nilang mukha habang nagkwekwentuhan.

Parang tinutusok tusok ang puso ko ng maalala ko ang sinabi ni nanay sa akin ni nanay na hindi na nila ako kailangan.
Parang hindi ko matanggap na sobra silang masaya habang wala ako. Hindi na ba nila ako kailangan? Hindi ko na ba sila makakasama?

Walang tigil na bumuhos ang luha ko kaya tumalikod na ako habang pinupunasan ang luha ko.

"O-Okay l-lang y-yan S-Sariah... M-Mapapatawad k-ka p-pa rin nila." Pagpapatahan ko sa sarili ko.

Ayoko ng manatili dito dahil mas lalo lamang sumasakit ang puso ko.

Huminga ako ng malalim at muli ko silang sinulyapan habang nakangiti.

"Nay, tay.. Sana mapatawad niyo pa ako. Miss na miss ko na kayo." Nakangiti kong bulong at nagsimula na namang bumuhos ang luha ko.

Agad na akong tumalikod at tumakbo para makaalis na sa bahay namin.

Pagkarating ko sa condo ni Grayson ay sinuguro ko munang maayos na ang mukha ko at wala ng bakas ng luha dahil baka magtaka ito kung anong nangyari sa akin.

Binuksan ko ang pintuan at luminga-linga ako sa paligid ng mapansing ang tahimik.

"Grayson!" Tawag ko dahil sabi nito ay maaga siyang uuwi ibig sabihin nandito na 'yon.
Dumiretso ako sa sala nito dahil baka nandoon 'yon at hindi nga ako nagkamali.

Ngumiti akong lumakad papalapit sa kanya.

"Grayson, nandito na ako." Masayang sabi ko sa kanya ng makalapit na ako sa kanya.
Napawi ang ngiti ko ng makitang seryoso ang mukha nito at hindi manlang ako tinugon.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDOn viuen les histories. Descobreix ara