Kabanata 19

14.1K 285 8
                                    

Kabanata 19

Possessive

Nang makarating ako sa aking pupuntahan ay agad akong bumaba sa trycle at kumuha ng barya para Ibigay kay manong.

"Salamat po, manong, " Nakangiti kong sabi at umalis na ito. Nandito ako sa harap ng kompanya nila at ito ang unang beses na makakapasok ako sa kompanya nila Grayson.

Naisipan kong bumisita kay Grayson ngayon dahil wala namang kaming masyadong ginagawa sa school at na kapag enroll naman ako kaya wala nang problema. Its been 3 weeks since, Grayson told me that he's mine and I can't take myself to smile everytime na naalala ko ang mga pangyayaring 'yon. Hindi pa rin ako makapaniwalang kami na ni Grayson pero ngayon tanggap ko na hindi ito panaginip at totoo ito kaya sobra akong nagagalak at ayokong matapos itong sayang nararamdaman ko.

"Miss, excuse me.. " Napatabi ako ng makitang may dadaan pala at nakakasagabal ako sa daan kaya nahihiyang yumuko ako.

"Sorry po... " Nahihiya kong sambit.

Napatingala ako at humugot ng malalim. Medyo kinakabahan ako ngayon dahil hindi Alam ni Grayson ni pupunta ako dito. Kahit na kinakabahan ay nagpatuloy akong pumasok at pumunta sa lobby.

"Good afternoon Ma'am, how may I help you? " Nakangiting bati nito.

"Ahmm.. Saan po yong opisina ni Grayson? " Nahihiya kong tanong at tila nag iba ang timpla ng mukha nito at hindi ko alam kung bakit.

"Oh.. Si Mr. Del Faurico, What's your name po Ma'am? Do you have an appointment? " Tanong nito. Nakaramdam ako ng kaba at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kailangan pa talagang magpa appointment para makita ko si Grayson?

"Ahmm.. Wala p--" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ang isang babae na nasa lobby rin.

"Are you his girlfriend, Ma'am---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng siniko siya ng kausap ko.

"Anong pinagsasabi mo, walang girlfriend si Sir. " Bulong nito pero sapat ito para marinig ko. Umiwas ako ng tingin at hindi ko mapigilang masaktan dahil wala palang nakaka alam na may girlfriend na si Grayson pero okay lang dahil ayoko rin namang Ipaalam sa ibang Tao ang relasyon namin.

"Miss, hindi po kayo pwedeng pumasok dahil wala po kayong appointment kay sir Del Faurico."

"P-pero... May kailangan--" Naputol ang sasabihin ko ng may dumating na isang lalaki.

"She's with me, " Sabi nito na nagpagulat sa akin. Napansin kong nagulat rin sila at tila nataranta.

"I-I'm s-sorry Sir Hedrick... " Nahihiya nitong sabi at hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Hinawakan niya ako at hinila na papasok. Tumitig ako sa kanya.

"Wait... " Bumitaw ako sa hawak niya kaya napatigil ito.

"Do I know you? You're not familiar to me. " Naguguluhan kong sabi na nagpatawa dito.

"I'm helping you to get in, hindi ka ba magpapasalamat sa ginawa ko? " Nakangiti nitong sabi na nag pa hiya sa akin. Oo nga pala, tinulungan niya pala akong makapasok dito.

"T-Thank you.. " Nakangiti kong sambit kahit hindi pa namin kilala ang isa't isa ay tinulungan niya akong makapasok dito kaya hindi na rin masama.

"Saang floor ka ba pupunta? Sabay kana sa sakin, sa 3rd floor ako pupunta. " Sambit nito.

"Ahmm.. Alam mo ba kung saang floor si Gr---"

"Sariah!" Nagulat ako sa sigaw na 'yon kaya agad akong napalingon. Nakaramdam ako ng kaba ng makita ang seryoso nitong mukha. Nakita kong dali-dali itong lumapit sa akin at hinila ako sa likod niya. Medyo mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin kaya hindi ako makabitaw sa hawak nito.

"Why are you here Mr. Hedrick? " Malamig nitong sabi sa lalaking tumulong sa akin kanina.

"Easy.. Pupunta na ako sa floor ko okay? " Natatawa nitong sabi pero seryoso pa rin ang mukha ni Grayson. Magpapa-alam na sana ako sa lalaking tumulong sa akin kaya lang ay hinila na ako ni Grayson kaya ngumiti na lamang ako sa lalaki at sinuklian niya rin ako ng isang ngiti.

"G-Grayson... " Nasasaktan na ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa akin. Napa aray ako ng sinandal niya ako sa Pader at mahigpit na hinawakan ang aking braso.

"Why are you here? Bakit kasama mo si Hedrick? " Galit nitong sabi na nagpakaba sa akin. Mas lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa akin.

"G-Grayson... " Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa akin.

"Answer me! " Sigaw nito kaya bigla ko siyang tinulak dahil napapagod na ako sa inaasal niya.

"Ano ba Grayson! Nasasaktan na ako! " Sigaw ko sa kanya habang hinihimas ang aking braso na namumula na. Nakita kong tila natauhan ito at lalapit na sana ito sa akin pero umatras ako.

"I'm here to visit you okay? At yong lalaking 'yon hindi ko siya kilala, tinulungan niya lang ako para makapasok dito! " Naiinis kong sabi ko sa kanya.

"I-I'm sorry.. I thought--"

"Ayan ka na naman eh! Nag seselos ka na naman. Yan rin yong ginawa mo nong isang araw na sinundo mo ako sa school, naabutan mo lang akong may kasamang lalaki, aawayin mo."

"I'm doing this for you okay? " Tila naiinis na rin ito pero hindi ako magpapatalo sa inis niya dahil mas naiinis ako kanya.

"You're being paranoid, possessive ka masyado. Uuwi nalang ako at mag usap nalang tayo kapag parehas na tayong kalmado. " Sambit ko at tumalikod na sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Sariah... " Pagpipigil nito sa akin pero hindi ako magpapa apekto sa kanya.

"Bitawan mo ako Grayson! Kapag hindi ka bumitaw hindi na ako makikipagkita sayo. " Sabi ko sa kanya at napangiti ako ng palihim ng bumitiw ito kaya dali-dali akong lumayo sa kanya at tuluyan ng lumabas. Pumunta ako sa gilid at sumandal sa pader. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil bumibilis pa rin ang tibok nito.

Hindi ko mapigilang mapatawa at kiligin dahil sa ginawa ni Grayson. Alam kong naweweirduhan kayo sa akin dahil hindi ako galit kay Grayson sa pag taboy niya sa lalaking 'yon at  masaya pa ako sa nangyari. Sa totoo lang, hindi ko magawang magalit kay Grayson pero minsan naiinis ako sa kanya dahil sa pagka possessive niya pero naiintindihan ko na naman siya at okay lang kung maging possessive siya sa akin dahil masaya ako sa tuwing naiisip na ayaw niyang may kaagaw siya sa akin at napapangiti ako sa isipang 'yon.

"Hays..." Bumuntong-hininga na lamang ako at naisipan kong uuwi nalang ako at tutulong nalang ako sa bahay dahil nasira yong plano kong sabay kaming kakain mamaya ni Grayson dahil sa pagka childish niya.

Napasalampak ako sa aking higaan ng matapos kong linisin ang buong bahay namin at pagod na pagod ako ngayon. Napatingin ako sa aking cellphone ng umilaw ito at hudyat na may tumatawag kaya dali-dali ko itong kinuha dahil baka si Grayson na 'to at hindi naman ako nabigo dahil siya ang tumatawag. Huminga muna ako ng malalim at pilit na maging kalmado.

"Hello.. " Sagot ko at narinig kong bumuntong-hininga ito.

"Sariah... " Mahina nitong sagot. May problema ba ito?

"May problema ka ba Grayson?"

"Are you mad at me?" Sagot nito kaya nawala ang pangamba ko dahil pinoproblema yata nito na baka galit ako sa kanya.

"No, hindi ako galit sayo."

"I miss you.. " Hindi ko mapigilang mapangiti ng marinig ang katagang yon sa bibig ni Grayson.

"I miss you too.. "

"Dadaan ako diyan sa inyo paglabas ko dito, okay lang ba?" Tanong nito na nagpasaya sa akin.

"Oo naman! " Masaya kong sabi.

"Okay, I'll see you later.. I love you. " Pagpapaalam nito.

"I love you too. " Sagot ko at binaba ko na ang tawag. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko at tila namumula na yata ang pisngi ko dahil sa kilig na aking nararamdaman ngayon.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now