Kabanata 27

10.4K 206 4
                                    

Kabanata 27

Cold

Pagkarating namin sa mall ay agad kaming pumunta sa isang restaurant, kumain muna kami dooon at pagkatapos ay naglakad lakad kami at pumapasok sa mga department store na walang binibili na kahit isa kaya nahihiya na ako sa pinaggagawa namin ni Leanne. Wala rin naman akong nagawa dahil trip niya lang na hindi bumili at mag tingin-tingin lang.

"Leanne, nakakapagod ng maglakad lakad dito, umuwi na tayo." Sabi ko sa kanya habang siya ay ginagala ang tingin sa paligid.

"Wag muna, wala pa nga tayong nabibili eh." Sabi nito kaya napabuntong-hininga ako.

"Anong walang nabibili? Ayaw mo kayang bumili tsk." Masungit kong sabi sa kanya kaya natatawa itong tumingin sa akin at tinapik ang aking balikat.

"Ano ka ba, hindi kana mabiro hahaha pero maya maya na tayo, may hinahanap kasi ako." Nakangiting sabi nito.

"Ano naman yon?"

"Wait..." Tumingin tingin ito sa paligid at napangiti ito sabay itinuro ang hinahanap niya.

"Ayon! Tara punta tayo don, may bibilhin ako." Excited nitong sabi kaya napatingin ako sa itinuturo niya.

"Wait, sa jewelry queen? Anong gagawin natin don?" Tanong ko sa kanya at pinatigil ko siya sa paghila sa akin.

"Syempre bibili, ano pa ba? Kaya halika na." Sabi nito at tuluyan na niya akong hinila. Ayaw ko sanang pumunta kami doon kasi nga ang mamahal ng mga jewelry nila 'don at hindi ko afford yong mga tinda nila.

Napahanga ako sa mga nakikita kong jewelry dahil sobrang ganda yon ngalang mahal lang.

"Oh my gosh! Look Sariah, ang ganda." Kinikilig na sabi nito kaya napatingin ako sa sinasabi niya at hindi ko mapigilang humanga dito dahil ang ganda at kumikinang ito.

"Good evening ma'am, do you want to try it? Bagay po sainyong dalawa 'to." Nakangiti nitong sabi sa amin. Yes, dalawa ito na parang pang couple pero yong style niya is for friendship, kumbaga para sa mga bestfriend.

"Yes, I want to try it!" Masayang sabi nito at excited na suotin ito. Ibinigay niya rin sa akin yong isa at gusto ko sanang tumutol pero hindi ko na natuloy dahil ayokong mawala yong ngiti ni Leanne. Nang masuot ko na ito ay napangiti ako dahil bagay na bagay ito sa akin.

"Bagay na bagay sa atin! Ang ganda!" Kinikilig na sabi nito at napatango ako sa sinabi nito. Unti-unti ko na ring hinubad yong sakin at ibinalik sa box nito.

"Ma'am, magkano po 'to?" Tanong ni Leanne kaya napatingin ako sa kanya.

"What are you doing?" Bulong ko sa kanya at hindi niya manlang ako pinansin.

"50,000 ma'am." Sabi nito na nagpalaki ng mata ko. Oh my gosh! 50,000? Sa dalawang bracelet lang? Mas pipiliin ko nalang yong nasa tianggehan kaysa dito, madami pa akong mabibili sa 50,000 na 'yon.

"I'll buy it po, here's my card." Sabi ni Leanne at nagulat ako sa sinabi niya kaya pinigilan ko ang kamay niya.

"Leanne, seryoso ka ba?" Seryoso kong sabi sa kanya at naguguluhan na tumingin siya sa akin.

"Yes, why?" Nagtatakang sabi nito kaya bago ko siya sagutin ay nilingon ko ang saleslady.

"Ma'am, excuse po muna, kakausapin ko lang ang kaibigan ko." Nakangiti kong sabi at tumango naman ito. Agad kong hinila si Leanne sa sulok at seryoso ko siyang tinitigan.

"Leanne, seryoso ka ba? 50,000 just for the two bracelet? Be practical, madaming bagay yong mabibili natin diyan sa pera mo, ano, gusto mo ba ng bracelet? Pupunta tayo sa iba dahil mura lang don." Seryoso kong sabi sa kanya pero tumawa ito ng bahagya.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now