Kabanata 26

11.4K 199 0
                                    

Kabanata 26

Bestfriend

Gumising ako ng may ngiti sa labi dahil last day na ng school service ko ngayon at naipangako ko kay Leanne na lalabas kaming dalawa mamayang hapon pagkatapos ng klase namin. Napatingin ako sa kanan ko ng makitang umilaw ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Leanne dito kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag nito.

"Hello Leanne" sagot ko at nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya at tila nag-aayos ito ng kanyang higaan.

"Good morning Sariah! I will pick you up later."

"Good morning Leanne! What do you mean? Are you--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito.

"Yes, I will be there in an hour, be ready." Sagot nito kaya napabuntong hininga na lamang ako. Hindi na ako umangal dahil alam kong hindi rin siya magpapapigil.

"Okay, see you later." Sagot ko at nagpaalam na kami sa isa't isa. Tumayo na ako at nagsimulang mag-ayos baka mamaya nandito na 'yon si Leanne.

Napatayo ako ng makitang nandito na si Leanne kaya agad akong nagpaalam kay nanay at kay tatay. Agad na pinagbuksan ako ni Leanne at pumasok na ako sa kotse nila.

"Thank you, Leanne."

"Your welcome, excited na ako mamaya!" Masayang sambit nito kaya napatawa ako.

"Excited ka masyado ha? Palagi naman tayong magkasama sa school, hindi ka nagsasawa sa pagmumukha ko?" Napatingin ito sa akin at biglang kinurot ang aking pisngi kaya napa-aray ako.

"Ang cute mo kaya! Hahaha" sambit nito at binitawan na nito ang aking pisngi kaya napahaplos ako dito.

"Ang sakit non Leanne!"

"Ang arte mo Sariah, kinurot ko lang naman pisngi mo." Natatawa nitong sabi kaya ginantihan ko siya at kinurot ng bahagya at napatawa ako ng umaray ito.

"Masakit no?" Natatawa kong sabi at binitawan ko na ang pisngi niyo at bigla akong napatakip sa pisngi ko ng gusto niyang gumanti sa akin at napuno ng tawa ang loob ng kotse dahil sa pinaggagawa namin. Nang mapansin naming ang gulo na namin ay tumigil na kami at nakakahiya kay manong dahil naiistorbo namin yong pagmamaneho niya.

Nang makarating na kami sa university ay agad kaming pumunta sa department namin at saktong sakto dahil tumunog ang bell namin hudyat na paparating na ang aming guro ngayon kaya agad kaming pumasok at umupo sa silyang nakalaan para samin ni Leanne.

When we already dismissed on our last subject this morning, Leanne and I decided to eat outside. Nasa hallway na kami ng biglang may tumawag sa akin kaya napalingon ako at nakitang si Luis ang tumatawag sa akin.

"Oh.. Luis, bakit?" Nakangiti kong sabi ko sa kanya.

"Pwede bang sumabay sainyo? Saan kayo kakain?" Nakangiting tugon nito kaya lumingon ako kay Leanne at napansin kong tila napipilitan lamang itong ngumiti dahil gusto niyang kami lang dalawa ang kumain sa labas at may ikwekwento daw siya sa akin pero hindi na ata yon matutuloy dahil nga gustong sumabay ni Luis sa amin.

"Sa labas, diyan sa resto na malapit sa apartment." Tugon ko sa kanya.

"Pwede bang sumabay? Wala kasi yong tropa ko may practice pa sila kaya wala akong makasabay sa pagkain." Sabi nito at napansin kong tila may binubulong si Leanne kaya siniko ko siya at ngumiti ito ng pilit kay Luis.

"Sure, why not? Maganda nga yon tatlo tayo hahaha" sarcastic nitong sabi kaya napangiti na rin ako dahil sa ginagawa ni Leanne.

"Yes! Thank you! I'll treat you guys." Sabi nito at biglang sumabat si Leanne.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora