Kabanata 23

11.5K 239 1
                                    

Kabanata 23

Him

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Luis at sa tingin ko ay 30 minutes na kaming nandito at nakakahiya pa sa kanya. Nang masiguro kong nahismasan na ako sa mga nangyari kanina ay ngumiti akong lumingon kay Luis.

"T-Thank you.."

"Okay ka na ba?" Nag-aalangan nitong tanong kaya napatango ako sa kanya.

"Yes, p-pagod lang yata sigurado ako, pwede na ba tayong umalis?"

"Sure ka ba?"

"Oo naman!" Masaya kong sabi sa kanya at tila naniwala naman ito sa pinakita ko sa kanya at nagsimula na itong paandarin ang sasakyan at tuluyan ng umalis. Sa totoo lang, sumasakit pa rin ang dibdib ko sa mga nangyari pero wala akong magagawa kundi tiisin itong sakit na ito.

Nang matapos akong ihatid ni Luis ay hinintay ko muna siyang makaalis sa bahay namin bago pumasok. Matamlay akong nagmano kay nanay.

"Anak.. Halika na---"

"Nay, busog na ako kumain na ako sa labas. Kayo nalang muna nila tatay ang kumain." Sabi ko sa kanya at pumunta kay tatay upang magmano. Napansin kong nakakunot ang noo nito na tila may mali sa akin pero hindi ko na lamang 'yon pinansin at dumiretso na agad ako sa kwarto.

Nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto ay doon bumuhos ang luhang pinipigilan ko kanina. Tinakip ko ang aking bibig dahil ayaw kong marinig nila akong umiiyak. Napasandal ako sa pintuan at unti-unting napaupo. Naninikip pa rin ang dibdib ko at hindi ko maiwasang maulit sa isip ko ang nakita ko kanina. Niloloko ba ako ni Grayson? Ang tanga tanga ko naman dahil naniwala ako sa kanya. Ano 'yon drama lang? Pwes, kung niloloko niya lang ako ay panalo na siya dahil nasasaktan ako ngayon. Bakit kasi pinipilit ko pa ang sarili ko sa kanya eh.. Alam ko namang kahit kailan ay hindi ako magiging bagay sa kanya. Sa tuwing naiisip ko ang babaeng kasama ni Grayson ay hindi ko mapigilang mainggit dahil sa itsura palang nito ay parehas sila ng estado at alam ko sa sarili ko na hindi ko siya mapapantayan.

"A-Ang S-Sakit.." Napahagulgol ako at hinawakan ko ng mahigpit ang aking dibdib. Wala na bang katapusan itong paghihirap ko. Palagi nalang akong nasasaktan.

"A-Ang s-sama m-mo G-Grayson.." Umiiyak kong bulong. Napapikit ako habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

Kinabukasan, napansin kong namamaga ang mata ko dahil sa magdamag na pag-iyak ko kagabi at hindi pa rin nag rereply si Grayson sa akin kaya lalo akong nasaktan. Naglagay na lamang ako ng concelear para hindi masyadong halata yong pamamaga ng mata ko.

"Sariah! Buti nandito kana, wala si ma'am" salubong ni Leanne sa akin pero napatigil ito ng makita ang itsura ko. Bigla niya akong hinila sa isang bakanteng lote na walang estudyanteng nakatambay at pagkatapos ay humarap ito sa akin.

"What happen?" Agad nitong sabi kaya umiwas ako ng tingin.

"Anong ibig sabihin niyan?" Seryoso nitong sabi.

"W-Wala lang ito.." Mahina kong sabi.

"Anong wala!? Siguro, si Luis ang may kasalanan no? Pupuntahan ko--" hindi ko na siya pinatapos at pinigilan siya sa pag-alis. Ayokong madamay dito si Luis dahil wala naman siyang kinalaman at isa pa ako lang talaga ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito.

"Walang kinalaman si Luis dito." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Sino? Don't tell me na si Grayson!?" Sambit nito kaya napaiwas ako ng tingin at doon na siya nakahalata dahil napatahimik ako.

"Ano Sariah!? Sumagot ka sa akin!" Galit nitong sabi kaya bigla akong napatango.

"Anong ginawa niya? Tara, puntahan natin yang Grayson na yan!" Galit nitong sabi at hinila ako pero pinigilan ko siya at umiling ako sa kanya. Pinaupo ko siya at pilit ko siyang pinapakalma.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant