Kabanata 5

17.6K 384 2
                                    

Kabanata 5

Tatlong taon na rin ang nakalipas nong magtagpo kami ni Grayson at hindi na 'yun naulit. Hindi na rin naman ako nagpapakita sa kanya dahil alam kong ayaw nito sa akin at baka masaktan pa ako kapag Nakita ko yung reaction niya. Grade 10 na rin ako ngayon at dahil bakasyon naman ngayon ay naisipan kong tumulong muna kila nanay sa hacienda dahil wala naman akong ginagawa.

Second year Colllege na ngayon si grayson at balita ko ay nasa ibang school siya nag aaral kaya hindi ko rin siya nakikita ngayon. Minsan napapa isip ako kung kamusta na kaya siya pero pumapasok sa isip ko na wala namang kwenta itong nararamdaman ko sa kanya at alam kong paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya.

"Sariah, may bisita..." Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Leanne kaya agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Hi Sariah!" Nakangiting bati nito kaya ngumiti ako sa kanya at iginaya siya sa loob ng bahay namin at pinaupo.

"Bakit ka pa pumunta dito? Sana sinabihan mo nalang ako kung gusto mong makipagkita at baka naabala pa kita sa pag punta mo dito."

"Okay lang, Actually, I'm here because I want you to come with me. Pupunta tayo sa resort ng pinsan ko at may celebration rin doon kaya naisipan kong imbitahan ka." Malungkot akong tumitig sa kanya, hindi ako makakasama sa kanya dahil nakapangako na ako kila nanay na sasama ako sa kanila.

"I'm sorry pero tutulong ako kila nanay at nakapangako na rin ako ngayon sa kanila."

"Oh.. Its okay, maybe next time?" Nakangiti nitong sabi.

"Okay, next time nalang"

"Thank you, uuwi na rin ako ngayon kasi may dadaanan rin ako."

"Sige, bye!" Nakangiting paalam ko sa kanya at umalis na rin ka agad ito.

"Anak, pupunta na tayo sa hacienda" sambit ni ina kaya agad akong lumapit sa kanya at tumulak na agad kami sa hacienda.

Pagkarating namin ay agad kong nakita si tatay kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Tay!" Nakangiti kong bati sa kanya. Lumingon naman ito sa akin at nakangiti.

"Oh.. Anak, sabi ko naman sayo ay wag ka nang pumunta dito, mapapagod ka lang..." Pagod nitong sabi.

"Okay lang po 'tay, tutulong po ako sainyo." Nakangiting tugon ko sa kanya.

"Nandito si Sir Grayson!" rinig kong sambit ng isang ka trabaho nila tatay. Mabilis akong lumingon at hindi ko inaasahan na dito ko siya makikita. Hindi ko maipagkakaila na siya yung hinahanap ng puso ko at Hindi ko mapigilan na titigan siya dahil matagal na rin nong huli ko siyang nakita.

May nagbago sa itsura nito at sa pangangatawan. Naging matured na ito at lalong humubog ang pangangatawan nito dahil yata sa pag gygym nito at siguro dahil na rin sa college na ito. Magiging matured na rin ba ako katulad sa kanya, Hindi ko mapigilang ngumiti Dahil sa aking iniisip.

"Magandang araw sa inyo!" Sambit ng pinaka leader nila dito.

"Nandito si sir upang mamasyal sa kanilang lupain kaya nangangailangan ako ng isang tao na sasama kay Sir Grayson." rinig kong sabi nito at nakita kong papa lapit sa amin si Grayson.

"Ikaw nalang hija" sambit nito kaya gulat akong tumingin sa kanya at hindi makapaniwala na ako ang papasamahin niya.

"A-ako p-po...?" Nauutal kong tanong at tumango ito. Tututol na sana ako ng bigla itong tumalikod at kinausap si Grayson. Pagkatapos ng pag uusap nila ay pinalapit na niya ako kay grayson kaya kahit na kinakabahan ay lumapit na rin ako.

"M-magandang u-umaga s---" naputol ang aking sasabihin ng bigla itong tumalikod sa akin na nagpa durog sa puso ko hindi pa rin siya nagbabago sa pakikitungo sa akin.

"Sundan mo na." Utos nito kaya wala na akong magawa kundi sundan si Grayson. Kakalimutan ko nalang yung nangyari kanina alam ko namang ayaw niya ako at saka hindi niya ako kilala.

Habang nag lalakad kami ay nasa likod niya lang ako at ayokong tumabi sa kanya dahil magagalit ito at sino ba naman ako na tatabi sa kanya? Kaya hindi na ako sumubok na tumabi sa kanya.

Inaliw ko nalang ang aking sarili sa mga tanawin na maganda palang tingnan. Ang ganda ng paligid at presko pa ang hangin. Napatigil ako ng tumigil si Grayson at napansin kong malayo na pala ang narating namin.

"You're still the same.." sambit nito kaya hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. He smirk while looking at me and it makes my heartbeat fast.

"H-huh.." sambit ko at wala akong maisip kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Matiim itong tumitig sa akin na nag pamula sa pisngi ko.

"You like me, right?" sambit nito na nagpakaba sa akin. Saan niya nalaman 'yun? Wala naman akong pinagsabihin.

"Well... I don't like you!" Galit nitong sabi na nag pa durog sa puso ko. Hindi ko Alam pero nasasaktan pa rin ako sa mga sinasabi niya.

"Its irritates me when I see your face  and I can't control myself when I see you!" Galit nitong sabi at hindi ko mapigilang mapaluha sa sinabi niya. Bigla itong tumalikod sa akin kaya agad kong pinunasan ito.

"You are still young and I know may magugustuhan ka pang ibang lalaki higit pa sa nararamdaman mo sa akin at hindi rin kita magugustuhan." Malamig nitong sabi kaya lalo lamang bumuhos ang aking luha. Ang sakit. Parang Hindi na ako makahinga dahil sa mga sinasabi niya sa akin.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon