Kabanata 18

14.4K 316 3
                                    


KABANATA 18

Possessive

Hindi mawala mawala ang ngiti ko ng pumasok na ako sa room dahil nasa isip ko pa rin ang mga nangyari kahapon at kahit na hindi niya pa sinasabi kung anong meron kami ngayon ay okay lang basta masaya ako na kasama siya.

"Ms. Cornello," napukaw ang atensyon ko ng tinatawag na pala ako ni Ma'am at uminit ang pisngi ko ng makitang nakatingin na pala silang lahat sa akin.

"A-ah.. I-I'm sorry Ma'am.." nahihiya kong tugon.

"Do you know where is Ms. Leanne?" Tanong ni ma'am at ngayon ko lang napansin na hindi pala pumasok si Leanne.

"I don't know Ma'am... I thought she's here na.."

"Its okay, tell her that I have something to discuss with her, okay?" sabi nito at tumango ako kay Ma'am.

"Okay Ma'am.." sambit ko at bumuntong hininga. Akala ko ay mapapagalitan na ako, tinuon ko na lamang ang aking pansin sa harap at nakinig na lamang.

Nang matapos ang klase naming ngayon ay pumunta ako sa parking lot upang makita kung nandoon ba ang sasakyan nila Leanne baka hindi lang siya pumasok ngayon. Nag tataka na ako sa kanya kasi parang may something siyang tinatago sa akin at hindi ko naman alam yon.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid pero wala akong nakitang sasakyan nila kaya bumuntong hininga na lamang ako. Di bale, tatawagan ko na lamang siya kung bakit hindi na naman siya pumasok. Aalis na sana ako ng may mahagilap ako kaya tinitigan ko ito ng mabuti. Ngumiti ako ng makitang si Leanne 'yon na kababa palang sa isang kotse.

Tatawagin ko na sana siya ng makitang may kausap itong lalaki sa loob ng kotse at tila nag papaalam na ito. Hindi ko masyadong makita ang mukha ng lalaki dahil sa malayo ito at nasa loob pa ng kotse. Hinintay ko na lamang na umalis ang sasakyan nito bago ko tawagin si Leanne.

"Leanne!" Tawag ko sa kanya ng aalis na sana ito. Lumingon ito sa banda ko at parang nagulat ito sa akin kaya lumapit ako sa kanya.

"Where have you been? Hindi ka pumasok kanina.." Sabi ko sa kanya at parang kinakabahan itong makita ako.

"K-kanina k-ka p-pa b-ba...?" Nauutal nitong sambit.

"Yes, hinahanap kita dito at nakita kitang bumaba sa isang kotse..."

"W-what..." Hindi makapaniwalang sambit nito.

"Wait... sino yong lalaking 'yon? Kaya lang hindi ko Nakita yong mukha non.."

"A-ah... k-kaibigan ng cousin ko.."

"Okay," tumatango kong sabi at hinila na niya ako paalis sa parking lot.

Pagkatapos ng klase namin ngayon ay naisipan kong ihatid muna si Leanne sa parking before ako umuwi since, wala naman akong gagawin sa bahay pag-uwi ko.

"Sariah naman! Bakit mo 'ko sinamahan dito tapos hindi ka naman pala sasabay sakin pag uwi." Nagmamaktol na sabi ni Leanne kaya napatawa ako. Nag mamaktol siya kasi hindi ako sasabay sa kanya pag-uwi at nahihiya na rin ako kasi madalas nila akong hinahatid sa bahay at ayoko namang palagi nalang akong nagpapahatid kaya tinanggihan ko siya ngayon.

"May dadaanan pa ako kaya hindi ako makakasabay sayo pag-uwi." Pag sisinungaling ko, ayaw ko man itong gawin pero kailangan kasi nakakahiya na sa kanya.

"Hmmp.. sinungaling.." nakasimangot nitong sabi kaya niyakap ko siya.

"Don't worry, sasabay na ako bukas sayo, please..." paglalambing ko sa kanya at napangiti ako ng unti-unti itong tumango.

"Promise mo yan ha? Alam mo namang ayaw kong naghihintay ka pa sa labas." Sabi nito kaya napangiti ako.

"Oo promise ko yan.." Nakangiti kong sabi sa kanya. Napatingin ako sa likuran ni Leanne ng makitang dumating na ang sasakyan nila.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon