Kabanata 31

10.8K 202 5
                                    

Kabanata 31

SPG

Unti-unti akong tumayo at nilakasan ko ang loob ko. Hindi pwedeng maging mahina ako. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang balikat niya.

Pinaharap ko siya sa akin at tinitigan siyang mabuti.

"H-How... Why.. K-Kailan pa to..." Nauutal kong sambit kahit ako ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero hindi pwedeng ganito lang kasi ayokong makita niya akong mahina sa harapan niya, kailangan kong labanan ang kaba ko at takot sa para sa kanya.

"I-I d-don't know how to say this to you..." Umiiyak nitong sabi kaya hinawakan ko ng mahigpit ang balikat niya.

"No, you need to tell me. Anong nangyari? Kailan?" Tanong ko sa kanya.

"L-Last year, 1st year tayo non." Lakas loob nitong tugon na nagpagulat sa akin. Napatakip ako ng bibig at tila doon na bumigay ang puso ko sa nalaman ko. Nag-uunahan na tumulo ang luha ko.

Tama ba ang pagkakarinig ko? Last year pa 'to nangyari sa kanya at ngayon niya lang sinabi sa akin?

"N-No.. I-It's not true..." Nauutal kong sabi at hindi ako makapaniwalang maririnig ko ito sa kanya.

"It's true, Sariah." Humahagulgol nitong sambit kaya agad ko siyang niyakap at walang tigil na bumuhos ang luha ko pati na rin sa kanya.

Hinahagod ko ang likod niya para kahit papaano maibsan nito ang nararamdam pero sa tingin ko hindi ito maiibsan dahil sa sobrang sakit ng pinagdadaanan ni Leanne.

Nakaya niyang dalhin itong sikreto niya hanggang ngayon at tumagal pa ng isang taon.
Alam kong sobrang nasasaktan ngayon si Leanne at hindi ko alam kung nakaramdam ba 'to ng depression ng mangyari ito sa kanya.

Napahagulgol ako ng maisip na wala ako sa tabi niya ng mga panahong nangyari 'yon sa kanya. Hindi ko manlang siya naprotektahan edi sana hindi nangyari 'yon sa kanya.
May kasalanan rin ako dito kaya tama lang na sisihin niya rin ako dahil naging pabaya akong kaibigan sa kanya.

"I-I'm s-sorry.." Nauutal kong sabi at naramdaman kong umiling-iling ito.

"N-No, you don't have to say this."

"H-Hindi.. M-May kasalanan ako dito. Kung kasama mo lang ako palagi edi sana---" naputol ang sasabihin ko ng kumalas ito sa akin.

"Wala kang kasalanan dito, okay? Ako lang ang involved dito." Pagpapatahan nito sa akin kaya napayuko nalang ako sa hiyang nararamdaman ko sa kanya.

"Past na 'yon, okay? Nangyari na kaya wag na tayong mag-sisihan, okay?"  Sabi nito at pinunasan niya ang luha ko sa pisngi kaya ginawa ko rin ito sa kanya.

"Gumaan na ang loob ko dahil nasabi ko na sayo, Sariah." Nakangiti nitong sabi kaya napangiti ako ng pilit dahil hindi ko pa rin matanggap 'yong nagyari sa kanya.

"Na rape ka then okay lang 'yong sayo 'yon?" Medyo galit kong sabi kasi parang wala na siyang pakialam sa nawala sa kanya.

"Yes.. I m-mean.. No.."

"What did you say?" Nagtataka kong sabi.

"I t-think... H-He's not a rapist..." Mahina nitong sabi na tama lang para marinig ko.

Napatayo ako sa sinabi niya at humarap sa kanya.

"Nababaliw kana ba Leanne!? Sinumbong mo na ba sa pulis 'yon!? Irereport ko siya ngayon din!" Sigaw ko at aamba na akong aalis ng pinigilan niya ako.

"Wait.. Wag na please Sariah.." Pagmamakaawa nito kaya mas lalo akong naguguluhan sa mga ikinikilos niya.

"Leanne, ano bang nangyayari sayo?"

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now