Kabanata 36

10.3K 193 11
                                    

Kabanata 36

Condo

Parang pinunit ang puso ko ng makitang galit si nanay pagkatapos nitong ihagis ang bag ko na siguradong naglalaman ng mga damit ko.

"Ang tigas pa rin ng ulo mo, hindi ka pa rin sumusunod sa sinasabi ko!" Galit nitong sabi habang si tatay ay inaawat siya pero hindi niya ito pinansin.

"N-Nay.. Ano na naman po..." Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko dahil pati ako ay gulong gulo pa rin.

"Simula ngayon, wala na akong anak na katulad mo. Lumayas kana sa pamamahay ko at wag ka ng babalik!" Galit nitong sabi na nagpalaki ng mata ko dahil sa sinabi niya.
Biglang bumuhos ang luha ko at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni nanay.

"N-Nay.. Wag naman po.." Umiiyak kong pagmamakaawa ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko basta ayoko lang na itakwil nila ako.

"B-Bitawan mo 'ko.." Pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak ko at napasalampak ako sa sahig ng bahagya niya akong itinulak kaya lalo akong napahagulgol dahil hindi ko na hawak ang kamay ni nanay.

Ito na ba ang huling araw na makikita ko sila at mahawakan?

"Nay! Tay!" Bulalas ko ng tinalikuran na ako ni nanay habang hinihila si tatay papasok hanggang sa naisarado na nito ang pintuan.
Agad akong lumapit sa pintuan at paulit ulit akong kumakatok.

"Nay! Tay! Parang awa niyo na." Humahagulgol kong sambit at para akong sinaksak ng paulit ulit ng makitang pinatay na ang ilaw ng bahay namin at wala silang tugon sa pagmamakaawa ko.

Napasandal ako sa pintuan at unti-unting napaupo.

Ayoko ng pakiramdam na ito. Ayoko.

"N-Nay.. T-Tay.." Mahina kong bulong habang umiiyak.

Ang sakit sakit na tinalikuran ako ng pamilya ko at paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang katagang sinabi ni nanay sa akin kanina.

Ayaw niya na ba sa akin? Naging masama ba akong anak?

Mas lalo akong napahagulgol ng maisip kung gaano sila kaingat sa akin noon at randam ko ang pagmamahal na ibinibigay nila sa akin.

Napatingala ako sa langit at napangiti ako ng makita ang kumikislap na mga bituin.

Siguro, gusto nilang mag-isip isip muna. Hindi ako susuko, babalik rin ako dito kapag okay na sila. Hindi ko sila makakalimutan.

Masakit man sa akin na lumisan dito ay kailangan kong gawin para maging okay sila.
Kinuha ko ang bag na inihagis ni nanay at lumabas na sa gate namin.

Bago ako tuluyang umalis ay pinagmasdan ko muna ang bahay namin na siguradong ma mimiss ko. Hindi ko mapigilang mapaiyak na aalis na ako sa bahay na ito na kung saan dito na ako lumaki.

Nang makitang may dadaang tricycle ay agad ko itong pinapara at sinabi ko ang address kung saan ako pupunta ngayon.

Isang tao lang ang malalapitan ko ngayon at gusto ko siyang makita para maibsan ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Nang makarating na ako dito ay agad akong sumakay ng elevator para makapunta sa condo ni Grayson. Oo, si Grayson ang gusto kong makita dahil alam kong gagaan ang loob ko kapag kasama ko siya.

Pagkarating ko sa condo niya ay nag door bell ako ng paulit-ulit pero nabigo ako dahil wala pa ring nagbubukas.

Hindi ko nga pala alam kung nakauwi na ito. Baka nasa opisina pa.

Kinuha ko ang cellphone ko at napapikit ako ng makitang lowbat ito at wala ng kahit isang percent kaya no choice ako kundi maghintay na lamang kay Grayson.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant